03/06/2026
Sino na dito ang nakakain ng palakang bukid? π
Fresh from bukid pa 'to galing Bulacan.
Honestly, hindi ito usual na makikita sa bahay. In fact, si daddybear pa ang humuli, naglinis, at nagluto. As for me? Hanggang moral support lang talaga. π Hindi ko kaya yung cleaning and prep part, kaya ipinasa ko na lahat sa kanya.
Originally, balak niya sana i-adobo, pero mas bet nila ang prito. And to be fair, mukhang yun ang tamang decision. Crispy on the outside, tender on the inside, and according sa kanila, mas lumabas yung lasa kapag simple lang ang luto.
And yes, before anyone asks... kumain si achi Zai. Actually, nagustuhan nga niya. Akala mo maghe-hesitate yung bata, tapos biglang game pala? Ganun. She tried it, liked it, and surprisingly had no issues at all.
Ako? Hindi ko kaya. Mas busy akong panoorin silang kumain at kainin ung hipon sa plato ko. Hahaha. Hindi kasi ito yung pagkain na kinalakihan ko, kaya medyo may adjustment period pa sa isip ko.
Pero one thing I appreciate is how food can be different from one family to another. Yung mga bagay na unusual para sa iba, normal comfort food naman para sa iba. And honestly, I love seeing achi grow up willing to try different kinds of food instead of sticking only to the usual favorites. So ayan, another interesting food experience at home.