The Harbinger Limay SHS

The Harbinger Limay SHS The Official Student Publication of
LIMAY SENIOR HIGH SCHOOL
Duale, Limay 2103 Bataan

[SAGUPAAN-DISTRICT MEET] '๐——๐—œ ๐— ๐—”๐—ง๐—œ๐—ก๐—”๐—š ๐—ก๐—” ๐——๐—œ๐—ก๐—”๐—ฆ๐—ง๐—œ๐—ฌ๐—”: ๐—Ÿ๐—ถ๐—บ๐—ฎ๐˜† ๐—ก๐—›๐—ฆ, ๐—ธ๐—ถ๐—ป๐—ผ๐—ฟ๐—ผ๐—ป๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ธ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ž๐—ฎ๐—บ๐—ฝ๐—ฒ๐—ผ๐—ป ๐˜€๐—ฎ ๐——๐—ถ๐˜€๐˜๐—ฟ๐—ถ๐—ฐ๐˜ ๐—ฆ๐—ฒ๐—ฐ๐—ผ๐—ป๐—ฑ๐—ฎ๐—ฟ๐˜† ...
09/10/2026

[SAGUPAAN-DISTRICT MEET] '๐——๐—œ ๐— ๐—”๐—ง๐—œ๐—ก๐—”๐—š ๐—ก๐—” ๐——๐—œ๐—ก๐—”๐—ฆ๐—ง๐—œ๐—ฌ๐—”: ๐—Ÿ๐—ถ๐—บ๐—ฎ๐˜† ๐—ก๐—›๐—ฆ, ๐—ธ๐—ถ๐—ป๐—ผ๐—ฟ๐—ผ๐—ป๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ธ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ž๐—ฎ๐—บ๐—ฝ๐—ฒ๐—ผ๐—ป ๐˜€๐—ฎ ๐——๐—ถ๐˜€๐˜๐—ฟ๐—ถ๐—ฐ๐˜ ๐—ฆ๐—ฒ๐—ฐ๐—ผ๐—ป๐—ฑ๐—ฎ๐—ฟ๐˜† ๐—”๐˜๐—ต๐—น๐—ฒ๐˜๐—ถ๐—ฐ๐˜€

Humataw ang tambalang Limay Senior High School at Limay National High School-Junior (LNHS-JHS) sa track and field events ng Limay District Meet upang tanghaling Secondary Over-all Champion, tangan ang sunod-sunod na medalya mula sa Junior at Senior High School athletes, Setyembre 26.

Nanguna sa Senior High School division si Jovel Ponte, na kumopo ng dalawang gintong medalya sa shot put at discus throw, habang dinagdagan ni Redz Pagiwan ang gintong ani ng koponan matapos mangibabaw sa 800-meter run.

Nag-ambag naman si Joshua Abola ng pilak sa triple jump at tanso sa high jump, habang nagdagdag si Christopher Constante ng tansong medalya sa discus throw.

Malaki rin ang naging ambag ng Junior High School athletes sa overall championship ng LNHS, tampok ang mga gintong medalya sa jumping events, hurdles, throwing events, at iba't ibang track events, kasama ang karagdagang mga pilak at tansong medalya.

Sa pinagsamang lakas ng Junior at Senior High School athletes, pinatunayan ng LNHS-LSHS na angat ang kanilang istamina sa long-distance na karera, bilis sa pagtakbo, lakas sa pagbato at taas at distansya ng kanilang pagtalon upang tuluyang maiuwi ang korona sa athletics.



________

Ulat:
John Zyrus Tutor

Larawan sa PubMat:
TH File Photo

[SAGUPAAN-DISTRICT MEET] ๐—š๐—œ๐—ก๐—ง๐—ข๐—ก๐—š ๐—›๐—”๐—œ๐—ก ๐—ฆ๐—” ๐— ๐—˜๐—ฆ๐—”: ๐— ๐—ฎ๐—ด-๐—ฎ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—น ๐—ป๐—ด ๐—š๐Ÿญ๐Ÿญ, ๐—ต๐˜‚๐—บ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐˜„ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐˜๐—ถ๐˜๐˜‚๐—น๐—ผ ๐˜€๐—ฎ ๐—ง. ๐—ง๐—ฒ๐—ป๐—ป๐—ถ๐˜€; ๐—ฒ๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ฟ๐—ฎ๐—ฑ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฃ๐—ฟ๐—ผ๐˜ƒ'๐—น...
09/10/2026

[SAGUPAAN-DISTRICT MEET] ๐—š๐—œ๐—ก๐—ง๐—ข๐—ก๐—š ๐—›๐—”๐—œ๐—ก ๐—ฆ๐—” ๐— ๐—˜๐—ฆ๐—”: ๐— ๐—ฎ๐—ด-๐—ฎ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—น ๐—ป๐—ด ๐—š๐Ÿญ๐Ÿญ, ๐—ต๐˜‚๐—บ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐˜„ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐˜๐—ถ๐˜๐˜‚๐—น๐—ผ ๐˜€๐—ฎ ๐—ง. ๐—ง๐—ฒ๐—ป๐—ป๐—ถ๐˜€; ๐—ฒ๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ฟ๐—ฎ๐—ฑ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฃ๐—ฟ๐—ผ๐˜ƒ'๐—น ๐— ๐—ฒ๐—ฒ๐˜

Sinungkit ni Vielle Therese M. Seรฑa ng Grade 11 ASSHโ€“Weber ang gintong medalya sa Table Tennis Secondary Girls โ€“ Singles C ng District Meet 2026 noong Setyembre 26.

Sa kanyang panalo, tiniyak ni Seรฑa ang puwesto bilang qualifier sa Provincial Meet, kung saan kakatawanin niya ang Limay sa susunod na antas ng kompetisyon.

Bitbit ang gintong medalya at tiket sa panibagong yugto, nakatakdang ipagpatuloy ni Seรฑa ang kanyang kampanya sa Provincial Meet.

Ang naging tagumpay ni Sena sa pandistritong kumpetisyon ay naging posible rin dahil sa gabay ng kanyang gurong tagasanay na si Ma'am Lerma Gomez.



________

Ulat:
Hyacinth Estrella

Larawan sa PubMat:
TH File Photo

[SAGUPAAN-DISTRICT MEET] ๐—Ÿ๐—ก๐—›๐—ฆ ๐˜€๐—ฝ๐—ถ๐—ธ๐—ฒ๐—ฟ๐˜€ ๐˜€๐˜„๐—ฒ๐—ฒ๐—ฝ ๐—Ÿ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ผ ๐˜๐—ผ ๐—ฐ๐—น๐—ฎ๐—ถ๐—บ ๐——๐—ถ๐˜€๐˜๐—ฟ๐—ถ๐—ฐ๐˜ ๐— ๐—ฒ๐—ฒ๐˜ ๐—ฐ๐—ฟ๐—ผ๐˜„๐—ปThree straight sets were all it took for t...
08/10/2026

[SAGUPAAN-DISTRICT MEET] ๐—Ÿ๐—ก๐—›๐—ฆ ๐˜€๐—ฝ๐—ถ๐—ธ๐—ฒ๐—ฟ๐˜€ ๐˜€๐˜„๐—ฒ๐—ฒ๐—ฝ ๐—Ÿ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ผ ๐˜๐—ผ ๐—ฐ๐—น๐—ฎ๐—ถ๐—บ ๐——๐—ถ๐˜€๐˜๐—ฟ๐—ถ๐—ฐ๐˜ ๐— ๐—ฒ๐—ฒ๐˜ ๐—ฐ๐—ฟ๐—ผ๐˜„๐—ป

Three straight sets were all it took for the Limay National High School (LNHS) Volleyball Girls to secure the District Meet championship after defeating Lamao Girls, 3โ€“0, in the championship match held earlier today.

LNHS won the opening set, 25โ€“21, before taking the second set, 25โ€“22, to move closer to the championship.

The LNHS spikers completed the sweep with a 25โ€“18 victory in the third set, sealing the District Meet title.

Among the players who stood out during the match was Johann Perez, who played as Outside Hitter, as she delivered most of the teamโ€™s offensive plays throughout the game.

Of the 12 players in the official roster which is dominated by athletes from the Junior High School, three Limay SHS learners are part of the squad namely Clarence Noay, 11-SocSci learner, Yuan Bereros, HUMSS 12 Freud learner, and Kashmyr Sta. Maria, STEM 12-Boson student.



__________

Report:
Miel Apollo

Photo in the PubMat:
File Photo from LSHS Selection Meet

[SAGUPAAN 2026 - DISTRICT MEET] ๐—Ÿ๐—ฆ๐—›๐—ฆ ๐—๐—ถ๐—ป๐˜€, ๐—ธ๐˜‚๐—บ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ฑ๐—ฎ ๐—ป๐—ด ๐Ÿฏ ๐—š๐—ถ๐—ป๐˜๐—ผ; ๐˜€๐—ถ๐˜€๐—ถ๐—ฝ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฃ๐—ฟ๐—ผ๐˜ƒ'๐—น ๐— ๐—ฒ๐—ฒ๐˜Ibaโ€™t ibang estratehiya ang kanilan...
08/10/2026

[SAGUPAAN 2026 - DISTRICT MEET] ๐—Ÿ๐—ฆ๐—›๐—ฆ ๐—๐—ถ๐—ป๐˜€, ๐—ธ๐˜‚๐—บ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ฑ๐—ฎ ๐—ป๐—ด ๐Ÿฏ ๐—š๐—ถ๐—ป๐˜๐—ผ; ๐˜€๐—ถ๐˜€๐—ถ๐—ฝ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฃ๐—ฟ๐—ผ๐˜ƒ'๐—น ๐— ๐—ฒ๐—ฒ๐˜

Ibaโ€™t ibang estratehiya ang kanilang bitbit sa pagpapakita ng kanilang galing sa larangan ng Taekwondo Poomsae upang makamit ng Limay National High School jins ang 14 na gintong medalya noong Setyembre 26, na ginanap sa Limay Elementary School para sa District Meet.

Sa 14 na mandirigma, tatlo rito ay mga jins mula sa Limay Senior High School na sina Ellaijah Adel, 11 MMAW-Davy student, James Capsa, 11 SocSci Durkheim, at Carl Ejay Alura, 12 TVL-Tesla learner.

Sa patnubay ng kanilang Coach na si Michael Dionisio at ang kanilang Trainor na si Jojo Romero, mas naging handa ang mga manlalaro sa naging labanan.

โ€œTheir training is a great opportunity to be faster, stronger, and sharper. They focus on the details and push their limits from the very first bow,โ€ ayon kay Dionisio.

Samantala, para kay Adel, sumandal siya sa pagtitiwala sa sarili anuman ang maging resulta ng kumpetisyon.

โ€œBilin po sa'kin na huwag kabahan, magtiwala sa sarili manalo o matalo,โ€ saad ni Adel na nakasungkit din ng gintong medalya.

Sa kabilang banda, isang manlalaro rin ang nagduda sa kaniyang kakayahan sa kanyang pagsabak sa kumpetisyon.

โ€œLahat ng Limay sure na gold, ako muntikan matalo,โ€ ani James Capsa, isang manlalaro mula sa Limay Senior High School.

Dagdag pa ni Capsa, tinamaan siya sa ulo ng kaniyang nakatapat at napabagsak siya.

Ngunit tumindig pa rin si Capsa at inilaban ang pagkakataong manalo para sa Limay SHS at makausad sa Provincial Meet. Sa huli, nakamit niya rin ang gintong medalya gaya ng kaniyang mga kasamahan.

Matapos ang mga pagsubok sa Distrito, nakatakdang sumabak muli para sa Division o Provincial Meet ang tatlo upang ipamalas ang husay at determinasyon ng mga atletang Limayan sa buong lalawigan.

โ€œCongratulations on an incredible victory! They stayed focused, fought with heart, and truly earned this win for the gold,โ€ pagbati ni Coach Dionisio.



_________

Ulat:
Jaicee Nunez

[ULAT] ๐—Ÿ๐—ฆ๐—›๐—ฆ, ๐—ธ๐˜‚๐—บ๐—ฎ๐—ฏ๐—ถ๐—ด ๐—ป๐—ด ๐Ÿญ ๐—ฝ๐—ถ๐—น๐—ฎ๐—ธ, ๐Ÿฎ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ธ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ป ๐˜€๐—ฎ ๐—œ๐— ๐—ข๐—–๐—ฆ๐—˜๐—” ๐—ก๐—ฎ๐˜'๐—น ๐—ฟ๐—ผ๐˜‚๐—ป๐—ฑKumabig ng pilak na medalya si John Zyrus Tutor...
07/10/2026

[ULAT] ๐—Ÿ๐—ฆ๐—›๐—ฆ, ๐—ธ๐˜‚๐—บ๐—ฎ๐—ฏ๐—ถ๐—ด ๐—ป๐—ด ๐Ÿญ ๐—ฝ๐—ถ๐—น๐—ฎ๐—ธ, ๐Ÿฎ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ธ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ป ๐˜€๐—ฎ ๐—œ๐— ๐—ข๐—–๐—ฆ๐—˜๐—” ๐—ก๐—ฎ๐˜'๐—น ๐—ฟ๐—ผ๐˜‚๐—ป๐—ฑ

Kumabig ng pilak na medalya si John Zyrus Tutor ng Grade 12 STEMโ€“Euler sa International Mathematics Olympiad Competition of Southeast Asia (IMOCSEA) 2026โ€“National Round 2 na isinagawa online noong Setyembre 19.

Samantala, hindi rin nagpahuli sina Princess Shane Mora ng Grade 11 BnEโ€“Pacioli at Carlo Fernandez ng Grade 12 STEMโ€“Hadron matapos kapwa nasungkit ang Honorable Mention sa naturang kompetisyon.

Ang mga nagsipagwagi sa national round ay uusad sa international round ng IMOCSEA na gaganapin sa South Korea sa Disyembre 18-22.

Nagsilbing gurong tagasanay si Sir Alvin Versoza para sa kalahok na mag-aaral mula Grade 12, samantalang si Sir Leo Manalansan naman ang gumanay sa kalahok mula sa Grade 11.



_________

Ulat:
Althea Araneta

Larawan:
Meg Ashleigh Reyes

[KAMPUS] ๐Ÿฏ ๐—Ÿ๐˜‚๐—บ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ช๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐˜„๐—ฎ๐˜ ๐—ป๐—ด ๐—Ÿ๐—ฆ๐—›๐—ฆ, ๐˜๐—ถ๐—ป๐˜‚๐—ฝ๐—ผ๐—ธ ๐˜€๐—ฎ ๐—™๐—น๐—ฎ๐—ด ๐—ฅ๐—ฒ๐˜๐—ถ๐—ฟ๐—ฒ๐—บ๐—ฒ๐—ป๐˜ ๐—ฅ๐—ถ๐˜๐—ฒIsinailalim ng Limay Senior High School (LSHS) sa Flag...
07/10/2026

[KAMPUS] ๐Ÿฏ ๐—Ÿ๐˜‚๐—บ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ช๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐˜„๐—ฎ๐˜ ๐—ป๐—ด ๐—Ÿ๐—ฆ๐—›๐—ฆ, ๐˜๐—ถ๐—ป๐˜‚๐—ฝ๐—ผ๐—ธ ๐˜€๐—ฎ ๐—™๐—น๐—ฎ๐—ด ๐—ฅ๐—ฒ๐˜๐—ถ๐—ฟ๐—ฒ๐—บ๐—ฒ๐—ป๐˜ ๐—ฅ๐—ถ๐˜๐—ฒ

Isinailalim ng Limay Senior High School (LSHS) sa Flag Retirement Ceremony ang Tatlong Watawat ng paaralan bilang bahagi ng naaangkop na proseso ng pagrespeto sa naturang pambansang sagisag na niluma ng panahon at nakatakdang palitan ng bago, Oktubre 2.

Alinsunod sa Seksyon 14 ng Republic Act No. 8491, o ang Flag and Heraldic Code of the Philippines, hindi dapat basta itapon ang watawat na naluma na dahil sa paggamit. Sa halip, dapat itong sunugin nang marangal upang maiwasan ang maling paggamit o paglapastangan dito.

Itinatakda rin ng batas na palitan agad ang watawat kapag nagsimula na itong magpakita ng mga palatandaan ng pagkasira.

Nakiisa sa seremonya ang mga mag-aaral sa Baitang 12 at mga kawani ng paaralan. Pinangunahan ang gawain ng Rover Scouts, Girl Scouts of the Philippines (GSP), at SERG. Dumalo rin si Assistant Principal II Maโ€™am Marise M. Barlis upang makibahagi sa nasabing aktibidad.

Nagsilbing paalala ang seremonya sa patuloy na pagpapahalaga sa watawat ng Pilipinas, mula sa paggamit nito hanggang sa marangal na pagreretiro.



________

Ulat at mga Larawan:
Bhia Rodriguez

[LenSPEAK] ๐—™๐—ฒ๐—ฎ๐˜€๐˜ ๐˜„๐—ถ๐˜๐—ต ๐—Ÿ๐—ผ๐˜ƒ๐—ฒAs we have just  celebrated  the feast day of Saint Francis of Assisi to honor and be inspired...
06/10/2026

[LenSPEAK] ๐—™๐—ฒ๐—ฎ๐˜€๐˜ ๐˜„๐—ถ๐˜๐—ต ๐—Ÿ๐—ผ๐˜ƒ๐—ฒ

As we have just celebrated the feast day of Saint Francis of Assisi to honor and be inspired by his life dedicated to God, we are reminded of a man that has compassion and love for nature and animals. Before his death, he wrote a poemโ€”the Canticle of the Creatures. Through this, he taught us to see nature as part of Godโ€™s creation and to treat it with worth and respect.

Yet, while we feast each year to commemorate a saint, or a remarkable man for others, that calls these creations as his brothers and sisters and nature as our fellow worthy equal reflective of God's goodness, we continue to neglect them. We neglected our nature and poor animals are being treated as commodities. This serves as a contrast to the values of of someone we honor every 4th of October.

We can celebrate and feast that do not rely heavily on plastics for fiesta decors. We can honor him everyday by maximizing our rich resources and excellent laws to manage our waste and protect animal welfare, aside from all the grandiose community activities lined up during the season of festivities in his honor. We can celebrate his feast day and honor him with a clean conscience that we did not enable nor we are passive on the continuous tree-cutting in our midst for the so-called progress and convenience.

May this feast be an eye opener to all of us that not only we should remember his story of a tender embrace to the love of God through loving all of the creations and the whole of nature, but we also have to live by his principles and virtues he displayed when he once walked in this world.

Because how can we honor a man that saw Godโ€™s creation as family while we treat our environment with neglect and insensitivity?

Foods. Drinks. Festivities. But these are not ingredients for a meaningful celebration.

It is faith---with loving action.



_______

Photos taken at Reformista and Townsite, Limay last September 15, 23, and October 3 just in time with the festivities in honor of St. Francis of Assisi's feast day.

_______

Caption:
Meg Ashleigh Reyes

๐—”๐—ก๐—ข ๐—”๐—ก๐—š ๐—•๐—”๐—š ๐— ๐—ข? ๐—ง๐—˜๐—”๐—–๐—›๐—˜๐—ฅ๐—ฆ' ๐——๐—”๐—ฌ ๐—˜๐——๐—œ๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก: Sila lang naman po, your honor. Yung may mga trabaho po.At may pangsustento!Malig...
05/10/2026

๐—”๐—ก๐—ข ๐—”๐—ก๐—š ๐—•๐—”๐—š ๐— ๐—ข? ๐—ง๐—˜๐—”๐—–๐—›๐—˜๐—ฅ๐—ฆ' ๐——๐—”๐—ฌ ๐—˜๐——๐—œ๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก: Sila lang naman po, your honor. Yung may mga trabaho po.

At may pangsustento!

Maligayang Araw ng mga G**o!

๐’๐ˆ๐‹๐€๐๐† ๐†๐€๐๐€๐ ๐๐€ ๐Œ๐€๐˜ ๐€๐Œ๐๐€๐†: ๐๐€๐†๐๐”๐๐”๐†๐€๐˜ ๐€๐“ ๐๐€๐†๐Š๐ˆ๐‹๐€๐‹๐€โ€œ๐‘†๐‘Ž ๐‘™๐‘–๐‘˜๐‘œ๐‘‘ ๐‘›๐‘” ๐‘š๐‘”๐‘Ž ๐‘š๐‘Ž๐‘ก๐‘Ž๐‘”๐‘ข๐‘š๐‘๐‘Ž๐‘ฆ ๐‘›๐‘Ž ๐‘š๐‘Ž๐‘”-๐‘Ž๐‘Ž๐‘Ÿ๐‘Ž๐‘™, ๐‘˜๐‘Ž๐‘๐‘–๐‘™๐‘Ž๐‘›๐‘” ๐‘Ÿ๐‘–๐‘› ๐‘Ž๐‘›๐‘” ๐‘š๐‘”๐‘Ž ๐‘”๐‘ข๐‘Ÿ๐‘œ๐‘›๐‘” ...
05/10/2026

๐’๐ˆ๐‹๐€๐๐† ๐†๐€๐๐€๐ ๐๐€ ๐Œ๐€๐˜ ๐€๐Œ๐๐€๐†: ๐๐€๐†๐๐”๐๐”๐†๐€๐˜ ๐€๐“ ๐๐€๐†๐Š๐ˆ๐‹๐€๐‹๐€

โ€œ๐‘†๐‘Ž ๐‘™๐‘–๐‘˜๐‘œ๐‘‘ ๐‘›๐‘” ๐‘š๐‘”๐‘Ž ๐‘š๐‘Ž๐‘ก๐‘Ž๐‘”๐‘ข๐‘š๐‘๐‘Ž๐‘ฆ ๐‘›๐‘Ž ๐‘š๐‘Ž๐‘”-๐‘Ž๐‘Ž๐‘Ÿ๐‘Ž๐‘™, ๐‘˜๐‘Ž๐‘๐‘–๐‘™๐‘Ž๐‘›๐‘” ๐‘Ÿ๐‘–๐‘› ๐‘Ž๐‘›๐‘” ๐‘š๐‘”๐‘Ž ๐‘”๐‘ข๐‘Ÿ๐‘œ๐‘›๐‘” ๐‘˜๐‘Ž๐‘ ๐‘Ž๐‘š๐‘Ž๐‘›๐‘” ๐‘›๐‘Ž๐‘”๐‘๐‘Ž๐‘”๐‘Ž๐‘™.โ€

Sa kulminasyong ng Buwan ng mga G**o ngayong araw at siyang itinalaga rin bilang Pandaigidigang Araw ng mga G**o, bibigyan natin ng pagkilala at pagpapahalaga ang bawat gurong walang sawang nagturo at gumabay sa atinโ€”hindi lamang sa mga aralin, kundi pati na rin sa mga landas na tatahakin natin sa hinaharap.

Ang kanilang dedikasyon sa pagtuturo, pag-unawa, at paggabay sa bawat mag-aaral ay naging bahagi ng mga pangarap na unti-unting nabuo at natupad dahil sa kanilang pagsusumikap.

Hindi lamang kaalaman ang kanilang itinuturo, kundi maging ang pagpapakatao, pagtataglay ng tapang na mangarap at palagiang pagpapamalas ng pagsisikap.

Sa bawat oras nang pagtuturo, sa bawat segundong nagbibigay-inspirasyon, at sa bawat salitang kanilang binibitawan, may buhay na unti-unting nagbabago at pangarap na unti-unting nabubuo.

Maraming salamat sa walang sawang pagtuturo, pagpuna, pagtulong, at paghubog sa bawat estudyante upang maging mas mabuting bersyon ng aming mga sarili. Salamat sa walang kapagurang paggabay sa bawat landas na aming tatahakin kahit na may mga pagkakataong nauubusan na ng pasensya.

Kayo ang ilan sa aming ilaw, inspirasyon, at gabay sa aming paglalakbay tungo sa aming mga pangarap.

Maaaring may makalimutan sa ilang mga araling tinalakay sa silid, ngunit tiyak na hindi naman namin malilimutan ang mga gurong naniwala at nagkaloob ng pagkakataon sa amin.

Maligayang Araw ng mga G**o! Maraming salamat po sa inyong sakripisyo, dedikasyon, at walang sawang paghubog sa pag-asa ng bayan!



_________

Manunulat:
Cindy Viesca

PubMat:
Emerson Obordo, Jr.

๐— ๐—”๐—ž๐—จ๐—Ÿ๐—”๐—ฌ ๐—ก๐—” ๐—ž๐—”๐—ฃ๐—œ๐—ฆ๐—ง๐—”๐—›๐—”๐—ก. Kapansin-pansin na ang selebrasyon nitong bisperas ng Kapistahan ni Apo Iko, Oktubre 3, dahil sa ...
03/10/2026

๐— ๐—”๐—ž๐—จ๐—Ÿ๐—”๐—ฌ ๐—ก๐—” ๐—ž๐—”๐—ฃ๐—œ๐—ฆ๐—ง๐—”๐—›๐—”๐—ก. Kapansin-pansin na ang selebrasyon nitong bisperas ng Kapistahan ni Apo Iko, Oktubre 3, dahil sa mga musiko o banda mula sa iba't-ibang bayan ng Bataan na lumilibot sa mga lansangan ng bayan upang bigyan ng kulay ang pagdiriwang ngayong taon. Siya namang inabangan at sinaksihan ng mga mamamayan sa lansangan ang pag-indak sa saliw ng mga masisiglang mga tugtog.

Ang mga banda ay kalaunan ay nakilahok sa isinagawang kumpetisyon ng Serenata sa harap ng munisipyo kinagabihan na tinangkilik panoorin ng mga mamamayan.

Dagdag rin sa makulay na pagdiriwang ang mga nagsulputang mga karitong taglay ang mga makukulay na panindang laruan at alagang hayop, gaya ng kinulayang sisiw na manok at isdang nasa supot.

Tuwing ika-4 ng Oktubre ipinagdiriwang ang Kapistahan ni San Francisco de Asis, Patron ng Limay. Ang pagdiriwang na ito ay binubuo ng banal na misa, makulay na parada at iba pang aktibidad na nagpapa-lalim ng debosyon ng mga Limayeรฑo.

Si San Francisco de Asis ay mula sa mayamang pamilya, subalit dahil sa isang karanasan ay binago nito ang kanyang pananaw. Kalaunan siya ay dineklarang santo ni Papa Gregory IX noong ika-16 ng Hulyo taong 1228. Siya ang naging patron ng hayop at kalikasan.

Nawa ay maiparating sa bawat mamamayan ng Limay ang tunay na diwa ng kapistahang ito at nawa'y ipagpatuloy at isabuhay natin ang yapak ng kababaang-loob, at pagmamahal sa hayop at kalikasan na isinabuhay ni San Francisco ng minsan ay namuhay siya sa mundong ito.



_________

Kapsyon:
Angelica Etio

Address

Roman Highway, Duale
Limay
2103

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when The Harbinger Limay SHS posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to The Harbinger Limay SHS:

Shortcuts

Share

Category