03/09/2026
SCHOOL SAFETY DRILL π¨
βMaging Ligtas. Maging Handa. Maging Responsable.β
Matagumpay na isinagawa sa ating paaralan ang School Safety Drill bilang bahagi ng patuloy na paghahanda ng ating mga mag-aaral at buong school community sa mga posibleng sakuna at emergency. Ang mga sitwasyon, pangyayari, at ginampanang papel na ipinakita ay pawang kathang-isip at isinagawa lamang bilang bahagi ng simulation. Ang mga ito ay hindi totoong insidente o aktuwal na emergency. Layunin ng video na magsilbing pang-edukasyon, pagsasanay, dokumentasyon, at pagpapalaganap ng kaalaman tungkol sa kaligtasan at kahandaan sa emergency. Ang lahat ng mag-aaral na lumahok ay may kaalaman at pahintulot ng kanilang mga magulang o legal na tagapag-alaga.
Lubos ang aming pasasalamat sa buong Sangguniang Barangay Pagolingin Bata lalo't higit kina Kap. Tholitz Mendoza, Kon Bito Ramos, Konsi Lala, sa Hepe ng Barangay G. Nando Dina, sa Barangay Tanod G. Junior Leyesa, Barangay Health Workers, sa kanilang mahalagang suporta at pakikiisa upang maging matagumpay ang gawaing ito.
Maraming salamat din sa ating SPTA Officers, lalo't higit kay G. Richard Rivera, sa walang sawang suporta, pakikipagtulungan, at pagbibigay ng oras upang maisakatuparan ang School Safety Drill.
Hindi rin magiging matagumpay ang gawaing ito kung wala ang aktibong pakikiisa ng ating mga mag-aaral, g**o, school personnel, at mga magulang. Maraming salamat sa inyong kooperasyon, oras, at dedikasyon.
Ang School Safety Drill ay isang paalala na ang kahandaan ay nagsisimula sa pagkakaisa at pagtutulungan. Sama-sama nating itaguyod ang isang paaralang ligtas, handa, at responsable.