16/09/2025
ARAL Program, Sinimulan na!
Alinsunod sa DepEd Order No. 18, s. 2025 (Implementation Guidelines of the Academic Recovery and Accessible Learning Program), matagumpay na inilunsad ng Pagolingin Bata Elementary School sa pangunguna ng ina ng paaralan, Gng. Myla T. Magdato, ang DepEd ARAL Program na may temang "Bawat bata, may gabay. Bawat pangarap, abot-kamay," sa pamamagitan ng isang kick-off ceremony noong Setyembre 15, araw ng Lunes.
Ang ARAL Program ang itinakda ng Kagawaran ng Edukasyon bilang komprehensibong tugon sa mga kakulangan sa pagkatuto lalo't higit sa kasanayan sa Pagbasa.
Kaugnay ng paglulunsad ng programa, ay ang mga mahahalagang gawain na pinangunahan ng mga guro at kawani ng paaralan, mga magulang, opisyales ng barangay at mga mag-aaral.
β
Ang pagdalo ng mga guro at kawani ng paaralan sa training o pagsasanay bilang paghahanda sa maayos na pagpapatupad ng programa.
β
Ang pagdalo ng mga opisyal ng barangay, mga SPTA officers, at mga magulang sa isang pagpupulong upang maipaliwanag ang kanilang mahalagang papel sa pagpapatupad ng ARAL Program.
β
Sa parehong araw, Setyembre 15, ay opisyal na sinimulan ang mga sesyon ng ARAL, hudyat ng panibagong hakbang tungo sa mas pinatibay na edukasyon para sa mga mag-aaral.
Ipinapaabot ng paaralan ang taos-pusong pasasalamat sa lahat ng nakikiisa at patuloy na sumusuporta sa programang ito. Sama-sama nating isulong ang kalidad na edukasyon para sa lahat!