Fr. Roniel "El Haciendero" Sulit

Fr. Roniel "El Haciendero" Sulit personal blog centered on becoming happy, healthy, and holy
(6)

1st time mag-jogging sa park. Ramdam ko na tumataas na naman cholesterol ko 😫May mga nakita pa kaming mga ibon 🦜🐦
26/07/2025

1st time mag-jogging sa park. Ramdam ko na tumataas na naman cholesterol ko 😫
May mga nakita pa kaming mga ibon 🦜🐦

Conquer MeMy 1st composition in Rome for the Live Pure Conference on July 31, 2025. To God be the highest glory!
25/07/2025

Conquer Me
My 1st composition in Rome for the Live Pure Conference on July 31, 2025. To God be the highest glory!

Kung Pinoy ka sa Roma at naghahanap ka ng magaling at may lisensyang Pinoy barber, abay dito ka na sa AGMA Barber Hairst...
21/07/2025

Kung Pinoy ka sa Roma at naghahanap ka ng magaling at may lisensyang Pinoy barber, abay dito ka na sa AGMA Barber Hairstyles. Hindi ka magsisisi.

Ang Simbahan: Tulay ng Langit at LupaHindi ko alam ang pangalan ng lugar na ito. Kuha ko ito mula sa isang maataas na lu...
19/07/2025

Ang Simbahan: Tulay ng Langit at Lupa

Hindi ko alam ang pangalan ng lugar na ito. Kuha ko ito mula sa isang maataas na lugar. Ngunit isang bagay ang pumukaw sa akin: sa gitna ng bughaw na langit at luntiang mga puno, naroon ang simbahan.

Bigla ko tuloy naisip: ang Simbahan ay parang tulay. Nakaugat ito sa lupa, sa kasaysayan, sa pang araw-araw nating buhay. Ngunit ang tuktok nito ay nakatuon sa langit, sa Diyos, sa walang hanggan.

Paalala ito na ang pananampalataya ay hindi hiwalay sa ating mundo, kundi ito ang nag-uugnay sa ating karaniwang karanasan at sa banal na layunin ng Diyos.

Sa bawat pagdiriwang, panalangin at katahimikan sa loob nito, iniaakyat ng Simbahan ang ating mga kahilingan, pasasalamat, at luha patungo sa langit. At mula sa langit, sa pamamagitan ng Simbahan, bumababa ang biyaya, pag-asa, at kapayapaan.

Kaya kahit saan man tayo naroroon—nalilito man, pagod, o masaya—huwag nating kalilimutan ang Simbahan. Ito ay palaging bukas, isang tulay na nag-uugnay sa lupa at langit, sa dito at doon, sa ngayon at sa walang hanggan.

Ang pag-aaral ay isa ring uri ng ministeryo.Maaring malayo ang isang mag-aaral na pari (student-priest) sa pulpito o sa ...
17/07/2025

Ang pag-aaral ay isa ring uri ng ministeryo.

Maaring malayo ang isang mag-aaral na pari (student-priest) sa pulpito o sa mga tao. Ngunit ang pag-aaral ay isang tahimik na sakripisyo, isang tagóng paglilingkod.

It is a priestly offering poured out in libraries, classrooms, and quiet corners. While it may not seem as “pastoral” as visiting the sick or being with the people, it is of no lesser value.

Sapagkat sa bawat pahinang binabasa, sa bawat kaalamang pinagsisikapang unawain, at sa bawat katotohanang pilit hinahagilap—ang isang mag-aaral na pari ay naglilingkod sa Simbahan.

This ministry of the mind may be hidden, but its fruits reach far.

To study is to serve.
To learn is to love.
To sacrifice in silence is still to give everything for God.

Sharing my homily yesterday (Saturday of the 14th Sunday in Ordinary Time). God bless po sa inyong lahat!
13/07/2025

Sharing my homily yesterday (Saturday of the 14th Sunday in Ordinary Time). God bless po sa inyong lahat!

The first Mass I presided over here in the Pontificio Collegio Filippino. Celebrate the mass as if it is your first mass...
12/07/2025

The first Mass I presided over here in the Pontificio Collegio Filippino. Celebrate the mass as if it is your first mass, your last mass and your only mass.

Ang Olive Tree. Isang PagninilayAlam nyo ba na ang puno ng oliba (olive tree) ay isa sa mga pinakakamangha-manghang puno...
07/07/2025

Ang Olive Tree. Isang Pagninilay

Alam nyo ba na ang puno ng oliba (olive tree) ay isa sa mga pinakakamangha-manghang puno sa buong mundo?

Narito ang ilang katotohanan sa olive tree na maaaring magsilibing inspirasyon para sa atin:

Una, mabagal itong lumaki, pero mahaba ang buhay. Sa katunayan, ang ilan sa mga puno ng oliba ay halos dalawang libong taon na! Kahit dumaan sa sunog, bagyo, o tagtuyot, nananatili itong nakatayo at namumunga pa rin.

Ikalawa, kaya rin nitong tumubo sa tuyot at batong lupa. Sa paningin ng iba, walang saysay ang ganitong klaseng lupa, pero sa puno ng oliba, ito’y lugar ng paglago.

Gayundin, kahit putulin mo ang puno ng oliba, hindi ito agad namamatay. Buhay pa rin ang mga ugat nito at naglalabas ng panibagong suloy.

Kaya naman, sikapin nating maging tulad ng puno ng oliba:
– Mabagal pero matatag.
– Nakaugat kahit sa tuyong lupa.
– Namumunga sa tamang panahon.
– Laging bumabangon.

Magandang araw mga kapanalig!I just want to thank all of you for your prayers and support. I have been in the eternal ci...
03/07/2025

Magandang araw mga kapanalig!

I just want to thank all of you for your prayers and support. I have been in the eternal city for almost a week now. This new journey marks a fresh chapter in my vocation—a humble step forward in serving the Church and Her future.

As I embrace this new mission, I will be taking a break from vlogging for a while. But from time to time, I will share simple written reflections—little lights of hope from this part of the world.

Please continue to pray with me and for me. The road ahead is unfamiliar, but I walk it with faith. The Lord is always ahead of us.

Mag-iingat po kayo lagi. God bless!

Let GO and let GOD fill you with His unfathomable blessings!
26/06/2025

Let GO and let GOD fill you with His unfathomable blessings!

Ginawan niya ng paraan ang buhay.Itinaguyod niya ang aming pamilya sa pamamagitan ng pagiging magsasaka, mag-iiwi ng bak...
19/06/2025

Ginawan niya ng paraan ang buhay.

Itinaguyod niya ang aming pamilya sa pamamagitan ng pagiging magsasaka, mag-iiwi ng baka, magtitinda ng bawang, magkakarga ng niyog—anumang trabaho, basta marangal, basta para sa pamilya.

Grade 4 lang ang inabot niya sa eskwelahan, pero siya ang unang nagturo sa akin ng division—sa dahon ng kape pa kami nagtutuon. At grade 4 din ako nang ginawan nya ng paraang mabilhan ako ng bag na de-gulong. Tanda ng kagustuhang ibigay sa kanyang anak ang anumang sa pag-aaral ay makatutulong.

Marami siyang ginawan ng paraan. Kaya ngayong kanyang ika-walumpung kaarawaan, kami naman ang gumawa ng paraan. Ginawan namin ng paraan na maging espesyal ang kanyang kaarawan. Simple ang pagdiriwang pero punong-puno ng pagmamahal.

Maligayang 80th birthday, Tatay/Don Felipe! Salamat sa maraming beses na ginawan nyo ng paraan ang buhay. Ngayon ang buhay naman ang gumawa ng paraan para maipagdiwang ang inyong kaarawan nang masaya at makabuluhan.

Bahay o Tahanan?Madaling magpatayo ng bahay. Gumawa ka ng plano, bumili ng materyales at magbayad ng trabahador. Maya-ma...
17/06/2025

Bahay o Tahanan?

Madaling magpatayo ng bahay. Gumawa ka ng plano, bumili ng materyales at magbayad ng trabahador. Maya-maya pa, may bahay ka na.

Pero ang tahanan? Iba ’yan.

Hindi ito nabubuo sa semento, yero, o pintura. Nabubuo ito sa halakhak, sa hapag-kainang may kwentuhan, sa yakap tuwing may problema, sa dasal bago matulog. Ang bahay ay tirahan. Ang tahanan ay may puso.

May mga bahay na malaki, pero malamig. May tahanan na maliit, pero puno ng init at pagmamahal.

Kaya kung magpapatayo ka man ng bahay, siguraduhin mong tahanan din ito. Dahil sa dulo, ang mahalaga ay hindi kung gaano kaganda ang bahay mo, kundi kung gaano ka minahal at tinanggap dito.

🏡 home is where your heart is 💞

Address

Lipa City

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Fr. Roniel "El Haciendero" Sulit posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share