Ala Eh, JuanDer

Ala Eh, JuanDer Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Ala Eh, JuanDer, Media/News Company, Lipa City.

šŸ’–
24/04/2023

šŸ’–

19/05/2022

Juanderers!

Stress ka na ba dahil sa school works o trabaho? Naghahanap ka ba na pwedeng puntahan upang marelax ang isip mo? Kung yan ang hanap mo, halika na sa Chef Chateau! Ito’y kinikilala bilang sikat na kapehan na matatagpuan sa Brgy. Lodlod, Lipa, Batangas. Bukod sa mga kapeng kanilang inihahanda, nakadagdag rin ang nakakamanghang lugar na meron ito sa pagdami ng taong dumarayo rito.

Kaway-kaway sa mga ka-juanderers natin na mahilig sa mga pang instagrammable na lugar at pang meryendahan!
Parine't ito na ang para sa’yo!

Juanderers! Huwag na magpahuli! Sinsay na sa Chef Chateau!

Kita na dine!
Dine la’ang meron na’re!



Inanunsyo ng Department of Health (DOH) nitong Miyerkules, Mayo 18, na maaari ng magkaroon ng second booster shots laban...
19/05/2022

Inanunsyo ng Department of Health (DOH) nitong Miyerkules, Mayo 18, na maaari ng magkaroon ng second booster shots laban COVID-19 ang mga senior citizen at front liner limang buwan matapos nilang makuha ang kanilang unang booster shot.

ā€œAfter careful study and consideration of the best available evidence, we shall now roll out effective immediately the second booster for our frontline health workers and senior citizens,ā€ ito ang mga katagang sinabi ng DOH Undersecretary and National Vaccination Operations Center chair na si Dr. Myrna Cabotaje.

Kaugnay nito, nilinaw rin ng DOH na tanging ang Pfizer at Moderna pa lamang ang pinapayagan sa pagkakaroon ng second booster shots.

Ang implementasyon nito ay para sa buong bansa ngunit isinasa-alang alang pa rin ang kapasidad ng regional at local vaccination operation centers, vaccination sites at iba pa upang masigurado ang tagumpay na pagpapatupad dito.

ā€œThe second booster for our health workers and senior citizens will enhance protection given by the first booster and the primary series against all variants, including the recent Omicron subvariant BA.2.12.1,ā€ sabi rin ng DOH Undersecretary na si Dr. Maria Rosario Vergeire. ā€œEveryone eligible can get the second booster jab done at the LGU vaccination sites nearest you. They are safe, effective, and free of charge."

Masusi pa ring pinagtutuunan ng pansin ng nasabing ahensya ang mga health workers at senior citizen na siyang may pinakamataas na risk ngayong pandemya lalo pa at may mga local tranmission na rin ng Omicron subvariant BA.2.12.1 na naiulat rito sa bansa.

Ayon sa DOH, ang mga nais magpabakuna ng second booster shot ay kailangan lamang maghanda ng vaccination card upang malaman kung kailan nga ba ang huling turok at isang valid government-issued ID.

18/05/2022

Kwento ng LipeƱong Red Spartan: Diskarte

Sipag at tiyaga ay pundasyon sa magandang kinabukasan. Hindi masamang kumita sa maliit na paraan, lalo na't kung ito ay magbibigay ng kabuhayan.

Tunghayan ng kwento ng pagiging madiskarte ni Ms. Kaye Angela Cinco na isang graduate ng Batangas State University - Lipa Campus.


JuanDerers, siguraduhing palaging may dalang panandong! Ihanda na ang inyong mga payong at kapote! Opisyal nang idinekla...
18/05/2022

JuanDerers, siguraduhing palaging may dalang panandong! Ihanda na ang inyong mga payong at kapote!

Opisyal nang idineklara ng PAGASA ang pagsisimula ng tag-ulan ngayon, Mayo 18, 2022, dahil sa pabugso-bugsong ulan na naranasan nitong nagdaang limang araw sa Metro Manila, sa western sections ng Luzon at Visayas, at sa ilan pang bahagi ng bansa.

Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin lamang ang link na ito:
https://mb.com.ph/2022/05/18/pagasa-declares-onset-of-rainy-season-in-ph/?fbclid=IwAR29mq6F7KoLbBkx60R5z7ktJgg9Eg6fbcNlrYMbhmz-v2A_qiMmXuNNpFY

POC Chief, naniniwalang malaki ang tyansa na masungkit ng Pilipinas ang ikatlong pwestong pangkalahatan sa SEAGamesNanin...
18/05/2022

POC Chief, naniniwalang malaki ang tyansa na masungkit ng Pilipinas ang ikatlong pwestong pangkalahatan sa SEAGames

Naniniwala ang pangulo ng Philippine Olympic Committee and Cavite Representative Abraham "Bambol" Tolentino na masusungkit ng Pilipinas ang ikatlong pwesto sa pangkalahatan sa 31st Southeast Asian games na nagaganap sa Hanoi, Vietnam.

Dagdag pa nito, nakatitiyak siyang matatalo ang Pilipinas sa kabuuang kampeonato dahil sa kalahating dami ng mga atletang naisali nila sa kompetisyon.

"Na-slash kasi 'yung number of athletes natin from 1,000 plus to half kaya don't expect much," saad ni Tolentino sa isang interbyu sa Pasada sa Teleradyo.

Noong 2019, Biennal event, nakapagpadala sila ng 1,115 na mga atleta sa 56 na sports na nanalo ng 149 gold, 117 silver, 121 bronze for a total of 387 na medalya.
Samantala, ngayong Hanoi SEA Games, nakapagpadala lamang ang Pilipinas ng 641 na mga atleta na makipaglaro sa 38 sports.

Base sa kanilang post, nanalo ang Pilipinas ng 31 gold, 35 silver, at 44 bronze medals sa Hanoi.

Ayon kay Tolentino, hindi na niya inaasahang maging 1st Place ang Pilipinas sa laki ng lamang ng bilang ng atleta at mga laro na hindi nila alam ng nangungunang bansa na Vietnam at pumapangalawang Thailand.

Samantala, sinabi ni Tolentino na tiyak na gagantimpalaan ang mga mananalo ng medalyang Pinoy athletes sa kanilang pag-uwi.

Ang PSC ay inaasahang maglalabas ng hindi bababa sa P18 milyon na cash bonus na itinatadhana ng batas sa ilalim ng Republic Act 10699.

"Definitely the Office of the President will be preparing for celebration and awarding. Nasa batas naman 'yun," sabi ng POC Chief.

Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin lamang ang link na ito:
https://www.facebook.com/27254475167/posts/10160321877470168/

Kilala ang San Juan, Batangas sa may magagaling gumawa ng mga naglalakihan at naggagandahang mga palayok sa bansa.Dahil ...
17/05/2022

Kilala ang San Juan, Batangas sa may magagaling gumawa ng mga naglalakihan at naggagandahang mga palayok sa bansa.

Dahil dito, naging pangunahing atraksyon sa turismo ng San JuaneƱo ang mga bilihan at pagawaan ng palayok sa bayan ng San Juan. Nakapanghikayat naman ito sa mga turista na bumili ng produkto ganon din ang mga namumuhunan mula sa ibang bayan.

Ang mga larawan sa ibaba ay kuha ng ating ka Juanderers sa isang tindahan at pagawaan ng palayok sa San Juan, ang "Palayukan ni Kap sa Libato". Ayon sa may ari ng pagawaan ng palayok, ang ilan sa mga palayok na kanilang ginagawa ay nagkakahalaga lamang ng 25-30 pesos at 50-100 pesos bawat isa.

Juanderers! Ano pang hinihintay mo! Parine na't subukan ang mga palayok na gawa ng mga kababayan nating San JuaneƱo.



Isang 5 taong gulang na babae, ginahasa at pinatay sa Batangas CityKasunod ng ulat na pagkawala ng bata nitong Biyernes ...
17/05/2022

Isang 5 taong gulang na babae, ginahasa at pinatay sa Batangas City

Kasunod ng ulat na pagkawala ng bata nitong Biyernes sa Barangay Wawa sa Batangas City ay natagpuan umano ang bangkay nito na hubo't hubad na siyang nakasilid sa isang garbage bag noong Sabado sa likod ng CR ng kapitbahay nilang 23 anyos, na pinaghihinalaang suspek ng krimen.

Ayon sa imbestigador na si Capt. Richard de Guzman, lumabas sa autopsy report na ang biktima ay binigti at lumabas naman sa medico legal na ito rin ay ginahasa.

Agad namang naaresto ang suspek, ngunit tumanggi itong magbigay ng pahayag hinggil sa nangyaring krimen.

Dagdag ni De Guzman, ang suspek ay dati na ring naaresto dahil sa paggamit ng illegal na droga, at sambit ng pulis na ang suspek ay nakalaya sa plea bargaining agreement at ito ay under probation. Ang suspek ay pina-drug test at nagpositibo sa illegal na droga.

Hiling naman ng dalawang panganay na kapatid ng biktima ang agarang hustisya para sa nasawi nilang kapatid.

Ang suspek ay kinasuhan ng r**e with homicide, at sinasabing bukod sa pulisya, magkakaroon rin ng motu proprio investigation ang Commission on Human Rights-Calabarzon sa krimen.

"We welcome the quick action of the Batangas City Police in apprehending the suspect in this heinous crime. CHR strongly condemns all acts of violence against children and will work with local law enforcement officials in the conduct of its parallel investigation," pahayag ni CHR Executive Director Jacqueline Ann de Guia.

"We extend our condolences to the family and loved ones of the victim," sabi pa nito.

Photo Courtesy: BATANGAS CITY PNP

Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin lamang ang link na ito:
https://news.abs-cbn.com/amp/news/05/16/22/batang-babae-ginahasa-pinatay-sa-batangas-city?fbclid=IwAR2v9APudiiIm9HoHkhuR1_vUN3JxbXa9c8He83PcpfLgAmkq2aXYldc2uI

2 patay sa nangyaring salpukan ng trak at motor sa Lipa City, BatangasNatagpuang wala nang buhay ang magkaangkas na ride...
17/05/2022

2 patay sa nangyaring salpukan ng trak at motor sa Lipa City, Batangas

Natagpuang wala nang buhay ang magkaangkas na rider na kinilalang sina Rico Javier (driver ng motor), taga-Candelaria, Quezon at ang angkas nitong si Olga Casingal, taga-Calamba, Laguna matapos mahagip ang kanilang sinasakayang motor ng umovertake na trak sa Brgy. Dagatan, Lipa City, Batangas.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, pasado alas 5:51 ng madaling araw noong Sabado ay tinatahak ng mga biktima ang Lipa-Alaminos Road patungo sa direksyon ng Baranggay Talisay sa Lipa nang biglang kinain ng umovertake na trak ang linya ng motor bago sumalpok dito.

Nagdala ng malalang tama sa ulo ang nangyareng insidente sa dalawang biktima na naging sanhi ng pagkamatay ng mga ito.

Hawak na ng mga pulisya ang driver ng trak na kinilalang si Rolly Ferrel na ngayon ay may kasong reckless imprudence resulting in double homicide and damage to property.

Photo Courtesy: Lipa CPS

Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin lamang ang link na ito:
https://www.facebook.com/Batangasnewstoday/posts/pfbid0SX57szUpDRecYxJtsT3pJLuQp5Gqp1MQNAARqnYWFQbgiLdskbrf7xF4mwXGg4C8l

Gandang BatangueƱa, ibinandera ng Bb. Pilipinas candidates ng Batangas sa Grand Santacruzan 2022 Ginanap nitong Sabado, ...
16/05/2022

Gandang BatangueƱa, ibinandera ng Bb. Pilipinas candidates ng Batangas sa Grand Santacruzan 2022

Ginanap nitong Sabado, May 14, sa Araneta City ang isang mahalagang tradisyon ng mga Pinoy tuwing Mayo, ang Grand Santacruzan 2022 na isa ring aktibidad ng gaganaping Bb. Pilipinas ngayong taon.

Dalawa naman sa 40 Bibining Pilipinas 2022 candidates ang pride ng Batangas na sina Gracia Elizabetta Mendoza na mula sa Lipa City habang si Anna Caress De Mesa naman ay tubong Batangas City.

Good luck, BatangueƱas!

Source/Photos: Binibining Pilipinas

Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin lamang ang link na ito:
https://www.facebook.com/gobatangas/posts/pfbid035NkRRnmCgvMcv2gDFHpqBjZSAbDfmCaLU5mRrPTPTHPtkRqqPBnR72Mi5YBm7J99l

Address

Lipa City

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Ala Eh, JuanDer posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share