13/05/2023
Isn't this mom Wonderful?🧡
Napadaan kasi ako d'yan sa Palawan Pawnshop nakaraan at may nakatawag pansin sa akin ang isang nanay na may dalawang anak na tila tatawid sa pedestrian lane. Hinihintay nilang huminto ang mga sasakyan habang bumubuhos ang ulan.
Labis ang paghanga ko sa kanila lalo na sa nanay na nagsusumikap proteksyunan ang kanyang mga anak at hindi alintana ang mga pagsubok sa paligid.
Ang bigat ng kanyang mga dalang bag, ang ulan, madulas na daan at mga sasakyang dapat iwasan. Pero patuloy niyang pinapayungan ang kanyang dalawang anak para hindi mabasa ng ulan.
Ang pagmahahal ng nanay at mga magulang ay walang katumbas. Marami man sa ating mga kababayan ang hikahos sa buhay pero ang pagmamahal nila ang silbing lakas para maibigay ang mga pangangailangan ng kanilang mga anak.
Sana patuloy silang magmahalan, magkaroon ng masaganang buhay ang mga batang ito in the future. Sana sa kanilang paglaki ay arugain at pagsilbihan din nila ang kanilang nanay o magulang sa kanilang pagtanda.
Mother's Day na pala sa Sunday,May 14,2023.
Sa lahat ng nanay, advanced Mother's Day po sa inyong lahat! Baka brownout, walang internet o busy ako next week at hindi ko kayo mabati🥰
Junction, P.P.C.