07/06/2023
Magandang araw !!, inaanyayahan po namin ang mamamayan ng barangay tibig lalo na po sa ating magigiting na ina, buntis man po o hindi, sa mga kabataan, at sa mga nagnanais po na bumuo ng sariling pamilya na makidalo sa nalalapit po na programa na handog po ng pangalwang grupo mula sa klase ng G2C, ang grupo po na ito na binubuo ng limang miyembro ay magaaral na kumukuha ng kurso ng nursing mula sa paaralan ng De La Salle Lipa. Ang programa po na ito ay naglalayon na makapagbigay dagdag impormasyon o mabigyan ng linaw ang mga tanong sa inyong isipan ukol sa panganganak, pagaalaga ng sanggol, at pagpaplano ng pagbuo ng sariling pamilya. Nais din na makatulong ng programang ito upang maiwasan ng kabataan ang maagang panganganak na makakaapekto hindi lang sa buhay ng ng ina kundi pati narin sa sanggol. Maibabahagi rin ang tamang gamit ng ibat-ibang kagamitan upang maiwasan ang maagang pagbubuntis at maiwasan ang pagkalat ng mga nakakamatay at nakakahawang sakit na makukuha mula sa walang proteksyon na pakikipagtalik. Mailalahad din ang mga paunang lunas sa mga sakit na ito at sa mga hakbang na dapat sundin. Asahan niyo po ang masasaya at kaaya ayang gawain po na aming ibabahagi para sa inyo na maari ninyo pong masalihan. Magbabahagi din po kami ng kaunting pasasalamat sa inyo at magsilbi na din po na tulong sa pangaraw - araw ninyo po na pamumuhay. Sa tulong po at pagkakaisa po ng mga minamahal nating opisyal ng pamahalaan ng barangay. Tibig at mga magaaral ay nais po namin na maibahagi ito sa inyo ngayong darating na Webes (June 8, 2023) na mauumpisa po ng 9:00 ng umaga . Inaasahan po namin ang inyong pakikidalo, lubos po namin na ikasasaya na makapaghandog po kami ng tulong kahit sa simpleng pamamaraan sa mga problema po na kalimitan ninyo po na nakakaharap. Lubos na po ang aming pananabik na makilala ang bawat isa inyo. Muli, magkita kita po tayo ngayong darating na Webes (June 8, 2023), sa oras na 9:00 am hanggang 2:00 po ng hapon, dito po sa barangay hall ng pamahalaan ng barangay Tibig. π€©β₯οΈ
Ang page po na ito ay parte ng aming programa ng tupac na ibinabahagi po sa inyo, upang patuloy po kayo maging updated sa mga bagong kaalaman at impormasyon po ukol sa pangangalaga ng sanggol, pagbubuntis, at pagplaplano ng pamilya. Nagpapasalamat po kami sa inyong patuloy na suporta at pagsubaybay sa aming programa. MARAMING SALAMAT PO !!