07/02/2023
Tumatama ba sa'yo yung mga sinasabi sa'yo ng mga tao?
Ikaw ba yung tipo nang pag nakabasa ng comment, nakarinig ng kwento tungkol sayo or dinidiktahan ka na dahil sa pgkakakilala lang nila sayo at wala kang magawa kundi tanggapin na lang at mabuhay sa pngbabash, panghuhusga, pangki-critic that will only lead you to be stuck sa opinion nang iba?
Bes. Ayaw kita bigyan ng false hope pero meron at merong mga tao rin na iba sa mga taong minamaliit, kinocondemn at dinidiktahan ka.
Paalala lang ito na Merong mga taong kaya kang yakapin, at damayan ka at samahan kang makabangon muli.
Mga totoong kaibigan, totoong concern din sa'yo na magsasabi ng totoo lalo na kapag alam nilang nakakasama na sayo yung kinalalagyan mo. Merong ganong kaibigan.
Yung tutulungan kang lumapit kay Kristo at sasamahan kang magbago. Sila yung mga gaya mo rin dati na patuloy lang na binabago ng Diyos ang mga buhay nila kaya gets ka nila.
Wala ka pang ganung friend? Tara, pagpray natin yan. God led me more to Him that also led me to friends like that. I believe He can do that too for you!
Seek Jesus first, After all Siya talaga yung Pinaka True Friend, who laid down His life para maligtas ang sinomang maniniwala sa Kanya. Ginawa Niya yun dahil sa mahal ka Niya.
Di mo na kailangan makinig sa kung anong tingin sayo ng mundo, dahil ang kailangan mo lang talaga ay kilalanin pa si Kristo.
----
For more paalalas, Read your Bible.