BigNews Ngayon Pilipinas Radio

BigNews Ngayon Pilipinas Radio Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from BigNews Ngayon Pilipinas Radio, News & Media Website, Lipa City.

Online News/ Online Radio
Intertainment
News and Public Affairs
Documentary
kapehan Serbisyo Publiko
Vloggers / Tourism

Big News National
Batangas - Bicol - Tacloban
South Cotabato - Mindanao
Davao

Member PMOI
Pilipinas Media Organization Inc.

PADRE GARCIA, SINIMULAN ANG CSC MONTH 2026Maagang nagtipon ang mga kawani ng LGU Padre Garcia, kasama ang PNP at BFP, pa...
01/09/2026

PADRE GARCIA, SINIMULAN ANG CSC MONTH 2026

Maagang nagtipon ang mga kawani ng LGU Padre Garcia, kasama ang PNP at BFP, para sa opisyal na pagbubukas ng Civil Service Commission Month 2026 ngayong Martes, Setyembre 1. Tampok sa programa ang LGU Fun Run, zumba at pagpupugay sa watawat.

Big News Ngayon Pilipinas Radio
Maghahatid ng Balita at Serbisyo Publiko!

RONDA BALITA: TULAY SA LLANERA, PINAIWASAN SA MGA MOTORISTAPinaiiwasan ng lokal na pamahalaan ang mga motorista sa San F...
01/09/2026

RONDA BALITA:

TULAY SA LLANERA, PINAIWASAN SA MGA MOTORISTA

Pinaiiwasan ng lokal na pamahalaan ang mga motorista sa San Francisco–Sta. Barbara Bridge sa Llanera, Nueva Ecija matapos mapansing unti-unting lumalaki ang pagkakahiwalay ng deck ng tulay.

Courtesy Photo ctto

Big News Ngayon Pilipinas Radio
Maghahatid ng Balita at Serbisyo Publiko!

BIR, SINIRA ANG ₱1.54 BILYONG ILEGAL NA V**ESinira ng BIR Manila ang 240,550 ilegal na produktong v**e na may tinatayang...
31/08/2026

BIR, SINIRA ANG ₱1.54 BILYONG ILEGAL NA V**E

Sinira ng BIR Manila ang 240,550 ilegal na produktong v**e na may tinatayang ₱1.539 bilyong tax liability sa isang pasilidad sa Porac, Pampanga noong Agosto 24. Bahagi ito ng pinaigting na kampanya laban sa ilegal na paggawa, pag-aangkat, pamamahagi at pagbebenta ng v**e.

Big News Ngayon Pilipinas Radio
Maghahatid ng Balita at Serbisyo Publiko!

BULKANG TAALBuod ng 24 oras na pagmamanman01 Setyembre 2026 alas-12 ng umaga  Filipino: https://wovodat.phivolcs.dost.go...
31/08/2026

BULKANG TAAL
Buod ng 24 oras na pagmamanman
01 Setyembre 2026 alas-12 ng umaga



Filipino:
https://wovodat.phivolcs.dost.gov.ph/bulletin/activity-tvo?bid=16704

English:
https://wovodat.phivolcs.dost.gov.ph/bulletin/activity-tvo?bid=16704&lang=en

Volcano: Taal
Alert Level: 1
Status Alert Level: Bahagyang aktibidad
Volcanic Earthquake: 6 volcanic earthquakes kabilang ang 1 volcanic tremor (420 minuto ang haba)
Sulfur Dioxide Flux(SO2): 381 tonelada / araw (27 Agosto 2026)
pH: 0.48 (10 February 2026)
Temperature: 63.1 ℃ (10 February 2026)
Plume (Steaming): Mahinang pagsingaw
Ground Deformation: Panandaliang pamamaga ng Taal Volcano Island

GOV. PINEDA, HUMINGI NG PAUMANHIN SA BATIKOS SA DESIGNER CLOTHESSinagot ni Pampanga Governor Lilia Pineda Ang batikos sa...
31/08/2026

GOV. PINEDA, HUMINGI NG PAUMANHIN SA BATIKOS SA DESIGNER CLOTHES

Sinagot ni Pampanga Governor Lilia Pineda Ang batikos sa designer clothes na suot ng ilang opisyal habang bumibisita sa mga lugar na sinalanta ng baha. Ayon sa kanya,

hindi naman umano ganoon kamahal ang mga ito at mas mahalagang tutukan ang pagtugon sa kalamidad. Humingi rin siya ng paumanhin kung may nagawang pagkakamali sa kanilang pananamit.

Big News Ngayon Pilipinas Radio
Maghahatid ng Balita at Serbisyo Publiko!

31/08/2026

Ano Ang ngyari Batelec 2 Brown out Dito sa Brgy 2 lipa city Wala naman announcement kayo Isang uras na Wala pa ilaw!

OCD-CAR, nag-abot ng relief at rescue gear sa 911 On CallNag-turnover ang Office of Civil Defense-CAR ng mga rescue gear...
31/08/2026

OCD-CAR, nag-abot ng relief at rescue gear sa 911 On Call

Nag-turnover ang Office of Civil Defense-CAR ng mga rescue gear—kabilang ang collapsible tents, shelter repair kits, at maliliit na chainsaw—sa 911 On Call Incorporated ngayong Agosto 31.2026
Layon nitong palakasin ang rescue operations at disaster response sa Cordillera kasunod ng mga nagdaang bagyo at habagat.

Courtesy: Civil Defense PH

Big News Ngayon Pilipinas Radio
Maghahatid ng Balita at Serbisyo Publiko!

Happy Birth Kap / ABC Nonato Gonzales Padre Garcia, Batangas
31/08/2026

Happy Birth Kap / ABC
Nonato Gonzales
Padre Garcia, Batangas

RONDA BALITA:PICK-UP, PUMASOK SA LOOB NG HARDWARE SA COTABATO CITYIsang pick-up vehicle ang aksidenteng pumasok sa loob ...
31/08/2026

RONDA BALITA:

PICK-UP, PUMASOK SA LOOB NG HARDWARE SA COTABATO CITY

Isang pick-up vehicle ang aksidenteng pumasok sa loob ng Cotabato Union Hardware sa Cotabato City.

Mabuti na lamang at walang naiulat na nasaktan sa mga empleyado at customer. Ayon sa paunang impormasyon, agad umanong napansin ng mga nasa loob ng tindahan ang pag-arangkada ng sasakyan kaya nakaiwas sila.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya upang matukoy ang tunay na sanhi ng insidente at kung ano ang naging dahilan ng pagpasok ng sasakyan sa tindahan.

BigNewsNgayon Pilipinas Radio
Maghahatid Ng Balita at Serbisyo!

Courtesy photo ctto

VIGGO, PHILIPPINE EAGLE SA ₱1,000 BILL, MAKIKITA NANG MALAPIT SA DAVAONagbigay ng pambihirang pagkakataon ang Philippine...
31/08/2026

VIGGO, PHILIPPINE EAGLE SA ₱1,000 BILL, MAKIKITA NANG MALAPIT SA DAVAO

Nagbigay ng pambihirang pagkakataon ang Philippine Eagle Center sa Malagos, Davao City upang makita nang malapitan si Viggo, ang Philippine Eagle na tampok sa ₱1,000 polymer banknote.

Bahagi ito ng layunin ng sentro na palawakin ang kaalaman ng publiko tungkol sa pangangalaga at konserbasyon ng mga hayop sa Pilipinas.

Big News Ngayon Pilipinas Radio
Maghahatid ng Balita at Serbisyo Publiko!

Photo ctto

Address

Lipa City

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when BigNews Ngayon Pilipinas Radio posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share