07/12/2025
UPDATED ANNOUNCEMENT‼️SALAMAT SA AMA, NAKABALIK NA PO NG LIGTAS ANG ATING KAPATID! 🙏🤍💚❤️
Buong puso po naming ibinabalita na OK na po—nakauwi na nang ligtas ang ating kapatid. Sa ngayon ay hindi pa po siya maaaring makausap dahil sa hindi pa maipaliwanag na dahilan, ngunit ang pinakamahalaga ay ligtas niyang narating ang kanyang pamilya.
Noong mga nakaraang araw, naglabas tayo ng panawagan para sa nawawala nating kapatid na mang-aawit mula Atimonan, Quezon — si Milca Villamiel Aureada, 23 taong gulang, mula sa Brgy. Buhangin. Isa po siyang Maytungkulin at Mang-aawit sa kanilang lokal, at mahal na kapatid sa pananampalataya.
Mga kapatid, maraming salamat po sa inyong mabilis na pagtugon, pakikiisa, at taimtim na panalangin. 💚🤍❤️
Sa lahat ng nag-like, nag-comment, nag-share, at buong pusong nanalangin para sa kaligtasan ni Ka. Milca — maraming, maraming salamat po sa inyong pagdamay at pagmamalasakit. Napakalaking tulong po ng inyong pagtutulungan kaya mabilis na kumalat ang impormasyon at natulungan siyang makabalik nang ligtas. 🫵🫡💚
Muli, taos-puso po kaming nagpapasalamat.
Nawa’y patuloy tayong maging mga instrumento ng kabutihan, malasakit, at panalangin para sa isa’t isa. 🙏🤗