CNA Digital Media and Public Affairs

CNA Digital Media and Public Affairs For promotion and advertisement, email us at [email protected]

We tell compelling stories that resonate with communities, amplify diverse voices, and highlight current events, cultural trends and expressions. Focused on fostering meaningful connections in both digital and physical spaces, we ensure these stories not only inform but also empower our audience to engage and take action.

12/09/2025

CNA BALITAAN | Nakiisa ang Lipa City LGU sa 3rd Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill ng Office of Civil Defense o OCD. May simulation din ang iba-ibang institusyon sa Calabarzon Region.

Layon ng quarterly drill na sanayin ang publiko sa paghahanda oras na tumama ang malakas na lindol sa bansa.

Sundan ang report ni Dave Suan.

Tumagilid ang truck sa highway sa bahagi Patimbao, Sta. Cruz, Laguna kaninang madaling araw, September 12.Batay sa pauna...
12/09/2025

Tumagilid ang truck sa highway sa bahagi Patimbao, Sta. Cruz, Laguna kaninang madaling araw, September 12.

Batay sa paunang ulat, may kargang aspalto ang truck nang sumalpok ito sa center island sa daan.

Ligtas naman ang driver ng truck. Nagpapatuloy ang imbestigasyon.

Courtesy: kab1SCera/Facebook

BANTAY-TAAL | Isang minor phreatic eruption ang naitala sa summit crater ng Taal Volcano kaninang 4:33 PM, September 11,...
11/09/2025

BANTAY-TAAL | Isang minor phreatic eruption ang naitala sa summit crater ng Taal Volcano kaninang 4:33 PM, September 11, ayon sa DOST-Phivolcs.

Kita pa ang 300-metrong taas ng plume o pagusok sa main crater thermal at IP camera ng ahensya.

Courtesy: DOST-PHIVOLCS

BANTAY-PANAHON | Katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan na may kidlat at malakas na hangin ang aasahan sa susunod na...
11/09/2025

BANTAY-PANAHON | Katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan na may kidlat at malakas na hangin ang aasahan sa susunod na dalawang oras sa mga lalawigan ng Zambales, Nueva Ecija, Pampanga, Rizal, Cavite, Batangas, at Bataan. Batay ito sa abisong inilabas ng PAGASA kaninang pasado alas-tres ng hapon, September 11.

Source: PAGASA-National Capital Region PRSD

11/09/2025

PANOORIN | Naalarma ang residenteng si Robelyn ng Brgy. Antipolo Del Norte, Lipa City sa Batangas nang masapul sa CCTV sa labas ng kanilang bahay ang pagpasok sa eskinita ng isang indibidwal na naka-helmet pasado alas-dos ng madaling araw nitong Martes, September 9.

Sa video, kita na tila may hinahanap siya sa lugar kung saan may nakasampay pang mga damit. Ilang segundo rin siyang lumingon lingon sa paligid gamit ang isang falshlight. Umalis din siya makalipas ang ilang saglit.

Ayon sa uploader ng video, wala naman daw nawalang gamit matapos nilang ma-review ang CCTV. Pero bago pa raw ito mangyari ay may nawala na raw silang ilang gamit gaya ng sapatapos, pantalon, at gulong noong mga nakaraang araw.

Ipinagbigay-alam na rin daw ng video uploader ang pangyayari sa pamunuan ng Barangay.

Video Courtesy: Robelyn Villanueva

67-ANYOS NA BABAE SA INFANTA, QUEZON, PATAY SA PANANAGA; SUSPEK, ARESTADODead-on-arrival sa pagamutan ang 67-anyos na ba...
11/09/2025

67-ANYOS NA BABAE SA INFANTA, QUEZON, PATAY SA PANANAGA; SUSPEK, ARESTADO

Dead-on-arrival sa pagamutan ang 67-anyos na babae matapos siyang tagain ng bolo sa leeg nga kanyang kapitbahay sa Brgy. Batican, Infanta, Quezon, pasado alas nuwebe ng umaga nitong Miyerkules, September 10.

Sa impormasyon ng Infanta Municipal Police, nagkaroon ng pagtatalo sa pagitan ng suspek at biktima dahil sa mga halaman. "Minasama ng suspect ang pag gagarden/paglilinis ng biktima sa alagang halaman. Nagkaayos naman sila subalit kinimkim ng suspect ang galit sa biktima. Nadagdagan pa ito ng maghiwalay ang suspek at asawa nito dahil umano sa pagkaka involved ng suspek sa ilegal na droga." pahayag ni Infanta Municipal Police Station Chief of Police PMaj. Fernando Credo sa CNA Digital Media And Public Affairs.

Naaresto ang suspek nang matunton ng operatiba ang kinaroroonan nito sa Brgy. Magsikap, Gen. Nakar, Quezon. Nakumpiska mula sa suspek ang patalim na ginamit sa krimen.

Ayon pa sa pahayag ng pulisya, gumagamit ng umano'y iligal na droga ang suspek.

Nahaharap ang naarestong suspek sa kasong murder.

Courtesy: Infanta Municipal Police

BASAHIN | Isasagawa mamayang alas-kwatro ng hapon, September 11 ang 3rd Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill...
11/09/2025

BASAHIN | Isasagawa mamayang alas-kwatro ng hapon, September 11 ang 3rd Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill.

Hinihikayat ng pamahalaan ang lahat na makilahok sa aktibidad na layong mapagtibay ang kaalaman at kahandaan sa lindol.

Ibinahagi naman ng DOST-PHIVOLCS ang mga bagay at hakbang na dapat gawin bago, habang, at pagkatapos ng earthquake drill.

Courtesy: Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS-DOST)/Facebook

BASAHIN | Pirmado ni DPWH Secretary Vince Dizon ang isang kautusan tungkol sa pagsususpinde ng pagsususot ng DPWH unifor...
11/09/2025

BASAHIN | Pirmado ni DPWH Secretary Vince Dizon ang isang kautusan tungkol sa pagsususpinde ng pagsususot ng DPWH uniform ng lahat ng opisyal at kawani ng ahensya.

Ibinaba ang utos sa gitna ng gumugulong na imbestigasyon tungkol sa maanomalyang flood control projects kung saan sangkot ang ilang opisyal ng tanggapan.

Courtesy: Department of Public Works and Highways/Facebook

Inaalam pa ang pagkakakilanlan ng isang umano’y miyembro ng New People’s Army o NPA na nasawi matapos maka-engkwentro ng...
10/09/2025

Inaalam pa ang pagkakakilanlan ng isang umano’y miyembro ng New People’s Army o NPA na nasawi matapos maka-engkwentro ng 2nd Infantry Division ng Philippine Army sa Roxas, Oriental Mindoro, nitong Martes, September 9.

Batay sa ulat ng 203rd Infantry Brigade, nagsasagawa ang kanilang hanay ng security operations nang makatanggap sila ng impormasyon mula sa ilang residente na may armadong kalalakihan sa Brgy. San Vicente. Tumagal ng sampung minuto ang bakbakan sa pagitan ng mga sundalo at rebelde.

Narekober ng mga awtoridad ang isang M16 rifle, dalawang magazine, at medical kit. Wala namang napaulat na nasaktan sa hanay ng militar.

Courtesy: 2nd Infantry “Jungle Fighter” Division, Philippine Army/Facebook

Arestado ang isang lalaki sa Lipa City, Batangas matapos mahulihan ng baril sa Brgy. Tangway. Natunton ng mga awtoridad ...
10/09/2025

Arestado ang isang lalaki sa Lipa City, Batangas matapos mahulihan ng baril sa Brgy. Tangway. Natunton ng mga awtoridad ang 24-anyos na suspek dahil sa isinagawang intelligence operations bunsod na rin sa ulat na natanggap nilang may isang indibidwal na gumagala sa lugar na may bitbit na armas.

Narekober sa lalaki isang .38 special CTG revolver at mga bala. Walang naipakitang legal na dokumento ang lalaki.

Nasa kustodiya ng Lipa City Police Station ang suspek na nahaharap sa reklamong paglabag sa Comprehensive Fi****ms and Ammunition Regulation Act.

Courtesy: Lipa Pulis/Facebook

Nagsagawa ng banal na misa sa lawa ng Taal ngayong araw, September 10, ang PCG-Southern Tagalog sa pangunguna ni CDR Pet...
10/09/2025

Nagsagawa ng banal na misa sa lawa ng Taal ngayong araw, September 10, ang PCG-Southern Tagalog sa pangunguna ni CDR Peter Esarza PCG, Officer-in-Charge ng Ecumenical Chaplain Services-STL. Idinaos ang misa sa gitna ng ginagawang diving operations sa lawa sa bahagi ng Laurel, Batangas.

Bahagi rin ng isinagawang misa ang pagbabasbas sa katubigan, panalangin sa kaligtasan ng mga diver, at pagpapalakas ng ugnayan sa pagitan ng PCG, lokal na komunidad, at diving sector.

Patuloy na nakakarekober ang mga diver ng skeletal remains sa isinasagawng search and retrieval operations sa mga umano’y nawawalang sabungero na sinasabing itinapon sa Taal lake.

Courtesy: Coast Guard District Southern Tagalog/Facebook

Bawat isa sa atin ay may sariling laban. Let's be there for one another.🤝
10/09/2025

Bawat isa sa atin ay may sariling laban. Let's be there for one another.🤝

Address

Lipa City

Telephone

+639171036947

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when CNA Digital Media and Public Affairs posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to CNA Digital Media and Public Affairs:

Share