Big News Ngayon Batangas

Big News Ngayon Batangas Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Big News Ngayon Batangas, News & Media Website, Lipa City.

Online News
News and Public Affairs
intertainment
Kapehan at Serbisyo Publiko
Vloggers Tourism

Big News National
Batangas -Bicol - Tacloban
South Cotabato - Mindanao

Member PMOI Pilipinas Media Organization Inc.

07/09/2026

BREAKING NEWS

EX-SPEAKER MARTIN ROMUALDEZ, INARESTO NA SA CARDINAL SANTOS

Nasa kustodiya na ng mga awtoridad si dating House Speaker Martin Romualdez matapos maihatid sa kanya ang warrant of arrest habang naka-confine sa Cardinal Santos Medical Center sa San Juan.

May kaugnayan ang pag-aresto sa isinampang ₱7.44-bilyong plunder case kaugnay ng umano’y anomalya sa mga flood control project.

Big News Ngayon Pilipinas Radio
Maghahatid Ng Balita at Serbisyo Publiko!

ROMUALDEZ, ISINUGOD SA OSPITAL MATAPOS SUMIPA ANG PRESYONIsinugod sa Cardinal Santos Medical Center si dating House Spea...
07/09/2026

ROMUALDEZ, ISINUGOD SA OSPITAL MATAPOS SUMIPA ANG PRESYON

Isinugod sa Cardinal Santos Medical Center si dating House Speaker Martin Romualdez matapos makaranas umano ng anxiety attack at hindi stable na blood pressure.

Ayon kay DILG Secretary Jonvic Remulla, tinitiyak muna ng mga doktor na maayos ang kondisyon ni Romualdez bago siya iharap sa Sandiganbayan.

Kaugnay ito ng warrant of arrest na inilabas laban sa kanya at iba pang akusado sa kasong plunder.

Ano Ang I yong Opinion
I- comment mo na yan!

Big News Ngayon Pilipinas Radio
Maghahatid Ng Balita at Serbisyo Publiko!

PSA: MABABANG TSANSA NA WALANG RECORD ANG ISANG BUHAY NA TAOAyon kay PSA Assistant National Statistician Marizza Grande,...
07/09/2026

PSA: MABABANG TSANSA NA WALANG RECORD ANG ISANG BUHAY NA TAO

Ayon kay PSA Assistant National Statistician Marizza Grande, napakaliit ng posibilidad na walang anumang rekord sa Philippine Statistics Authority ang isang taong nabubuhay.

Aniya, kahit walang birth certificate, maaaring magkaroon ng late registration kaugnay ng mahahalagang pangyayari tulad ng kasal o pagkamatay.

Dahil dito, sinabi ni Grande na malamang ay may kahit isang vital record na nagpapatunay sa pagkakaroon ng rekord ng isang tao.

Big News Ngayon Pilipinas Radio
Maghahatid ng Balita at Serbisyo Publiko!

07/09/2026

Senator Robin Padilla
Dapat lang mayroon Immunity si Vp Sara Duterte

Courtslesy Video Senate of Phil,

Big News Ngayon Pilipinas Radio
Maghahatid ng Balita at Sernisyo Publiko!



MAAARING KASUHAN ANG NAKASALALAYANG VP?Muling umigting ang debate kung maaaring kasuhan sa korte ang isang nakaupong bis...
07/09/2026

MAAARING KASUHAN ANG NAKASALALAYANG VP?

Muling umigting ang debate kung maaaring kasuhan sa korte ang isang nakaupong bise presidente matapos maharap si Vice President Sara Duterte sa kasong grave threats at warrant of arrest mula sa Quezon City court.

Ayon sa ilang eksperto sa batas, walang malinaw na probisyon sa Konstitusyon na nagbibigay ng criminal immunity sa isang nakaupong bise presidente. May pananaw naman na maaaring imbestigahan at kasuhan ang impeachable official, ngunit may ilang limitasyong konstitusyonal habang nasa puwesto.

Samantala, iginiit ng kampo ni Duterte na hindi maaaring kasuhan sa kriminal na paraan ang isang nakaupong impeachable official, lalo na kung kaugnay ng impeachment case ang alegadong paglabag.

Dahil dito, patuloy ang diskusyon sa saklaw ng proteksiyon at pananagutan ng isang nakaupong bise presidente.

PLUNDER CASE VS. ROMUALDEZ, ISINAMPA NAPormal nang inihain ng Office of the Ombudsman sa Sandiganbayan ang kasong plunde...
07/09/2026

PLUNDER CASE VS. ROMUALDEZ, ISINAMPA NA

Pormal nang inihain ng Office of the Ombudsman sa Sandiganbayan ang kasong plunder laban kay dating House Speaker Martin Romualdez.

Ayon kay Ombudsman Jesus Crispin “Boying” Remulla, may iba pang posibleng kaso na isusulong laban sa dating mambabatas.

Big Bews Ngayon Pilipinas Radio
Maghahatid ng Balita at Serbisyo Publiko!

MACALINTAL, UMAPELA KAY GATCHALIAN: BSKE 2026, HUWAG IPAGLIBAN Umapela si Atty. Romulo Macalintal kay Senate President S...
07/09/2026

MACALINTAL, UMAPELA KAY GATCHALIAN: BSKE 2026, HUWAG IPAGLIBAN

Umapela si Atty. Romulo Macalintal kay Senate President Sherwin Gatchalian na huwag ipagpaliban ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa 2026.

Sa kaniyang liham sa pinuno ng Senado, nakiusap ang kilalang election lawyer na mabigyan ng tsansa na mailatag ang kaniyang argumento sa gitna ng umiiral na mga panukalang i-postpone ang halalan.

Nanawagan si Macalintal na habang pinag-dedebatehan pa ito ng mga senado, dapat manatili at ituloy pa rin ang botohan sa orihinal nitong iskedyul.

Nasa kamay pa rin ng lehislatura at ng pinal na deliberasyon sa Senado kung matutuloy o maiusog ang halalan.

Big Bews Ngayon Pilipinas Radio
Maghahatid ng Balita at Serbisyo Punliko!

5 MALALAKING PROYEKTO SA LIPA, DAPAT BANTAYAN; LIPENO NAGTATANONG: MAY TRANSPARENCY BA?Nanawagan ng masusing pagbabantay...
07/09/2026

5 MALALAKING PROYEKTO SA LIPA, DAPAT BANTAYAN; LIPENO NAGTATANONG: MAY TRANSPARENCY BA?

Nanawagan ng masusing pagbabantay sa limang malalaking proyekto at procurement ng Lipa City, kasabay ng mga tanong mula sa ilang mamamayan kung sapat ba ang transparency sa paggamit ng pondo ng lungsod.

Kabilang sa mga proyektong dapat bantayan ang:

1. Sports Stadium sa Government Complex, Barangay Talisay, kabilang ang construction, site development, artificial turf at slope protection.

2. Road Repair and Maintenance para sa mga kalsada sa iba’t ibang barangay.

3. Drainage System Repair and Maintenance sa iba’t ibang lugar sa lungsod.

4. Aquatic Center – Phase 1 sa Government Complex, Barangay Talisay.

5. Medical Supplies at Gamot para sa City Health Office at Lipa City Hospital System.

Dahil malalaki ang pondong maaaring sangkot sa mga ganitong proyekto at procurement, nais malaman ng publiko ang kabuuang budget, mga bidder, winning contractor, halaga ng kontrata, at aktuwal na accomplishment ng bawat proyekto.

May inilalabas namang procurement at financial documents ang lungsod sa Transparency Portal. Gayunman, hinihikayat ang publiko na suriin ang mga dokumento at ihambing ang nakatalang halaga sa aktuwal na proyekto.

Ang panawagan ay para sa malinaw na impormasyon at transparency upang malaman ng mga Lipeño kung saan napupunta ang kanilang pera.

Tanong ng publiko: MAGKANO ANG BAWAT PROYEKTO AT MAYROON BANG GANAP NA TRANSPARENCY?

Ano ang inyong Opinion
I- comment mo na yan!

Big News ngayon Pilipinas Radio
Maghahatid ng Balita at Serbisyo Publiko!


TRUCK SUMALPOK SA 3 BAHAY, 5 MOTOSIKLO; DRIVER PATAYPatay ang 40-anyos na driver matapos mawalan ng kontrol ang minamane...
07/09/2026

TRUCK SUMALPOK SA 3 BAHAY, 5 MOTOSIKLO; DRIVER PATAY

Patay ang 40-anyos na driver matapos mawalan ng kontrol ang minamanehong truck at araruhin ang tatlong bahay at limang nakaparadang motorsiklo sa Barangay Ibabang Palsabangon, Pagbilao, Quezon, madaling araw ng Setyembre 5.

Ayon sa pulisya, umano’y nakatulog sa manibela ang helper na pansamantalang nagmaneho habang nagpapahinga ang awtorisadong driver. Patuloy ang imbestigasyon sa insidente.

Big Bews Ngayon Pilipinas Radio
Maghahatid ng Balita at Serbisyo Publiko!

SARA DUTERTE, UMANO’Y NAGBAGO NG DESISYON SA KULUNGANAyon kay DILG Secretary Jonvic Remulla, hiniling umano ng kampo ni ...
07/09/2026

SARA DUTERTE, UMANO’Y NAGBAGO NG DESISYON SA KULUNGAN

Ayon kay DILG Secretary Jonvic Remulla, hiniling umano ng kampo ni Vice President Sara Duterte na sa Camp Crame siya ikulong kaugnay ng kasong grave threats.

Ngunit sinabi ni Remulla na nagbago ang kanilang posisyon matapos tiyakin ng PNP-CIDG na bibigyan ng nararapat na courtesy ang Bise Presidente habang nasa kustodiya.

Big News Ngayon Pilipinas Radio
Maghahatid ng Balita at Serbisyo Publiko!

Address

Lipa City

Telephone

+639286751072

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Big News Ngayon Batangas posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Big News Ngayon Batangas:

Shortcuts

Share