Wise Pinoy Generation

Wise Pinoy Generation Financial Literacy

Financial Literacy, Financial Education, Financial Freedom, Insurance with Investment, Retirement Plan, Educational Plan, Income Protection, Wise Pinoy Generation

05/05/2025

Starting June 1, 2025, ipinatutupad na sa Pilipinas ang 12% Value-Added Tax (VAT) sa mga digital services na kinokonsumo sa bansa, alinsunod sa Republic Act No. 12023 at Revenue Regulation No. 3-2025. Saklaw nito ang parehong resident at non-resident digital service providers (DSPs), kabilang ang mga kumpanya tulad ng Netflix, Amazon, Disney+, at Google, kahit wala silang pisikal na presensya sa bansa.

TANONG :
>>>Ano ang mga sakop ng digital tax?

Ang mga serbisyong sakop ng 12% VAT ay kinabibilangan ng:

✅Streaming services (pelikula, musika, gaming)
✅Online marketplaces at e-commerce platforms
✅Cloud computing at storage
✅Online advertising at digital marketing
✅Software, mobile apps, e-books, at iba pang digital goods
✅Online platforms para sa komunikasyon, edukasyon, at media.

Maliban sa mga:

✅Educational Service mula sa mga accredited institution ng DepEd, CHED, at TESDA.

✅Subscription-based services na ibinibigay sa mga educational accredited institution.

✅Mga Financial Services tulad ng online banking at e-payment platforms.

POV: Hindi naman nagkukulang ang Gobyerno sumosobra na nga eh 😂😂. Im betting, after a few months hindi nio na ramdam ang 12% digital VAT. 😁

Para sa mahilig bumili Online collect nalang tayo ng coins at vouchers 😂

✅Maganda din naman ito para sa Pantay-pantay na buwis (Level Playing Field) dahil ang iba sa Local Businesses (physical stores at online sellers) ay dati nang may VAT, kaya makatarungan lang na pati foreign digital companies ay buwisan din since kumikita din naman sila sa Pilipinas.

✅Pinipilit nito ang mga foreign providers na magparehistro sa BIR at sundin ang batas sa Pilipinas.

PERO SANA MAPUNTA SA MAGANDANG PROJECTS ANG COLLECTED 12% VAT. Wag puro pang A---- 😂😅

Disclaimer : This post is covered by my rights under Section 4, Article lll of the Philippine Constitution 😁😂

Address

Lipa City

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Wise Pinoy Generation posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Wise Pinoy Generation:

Share