16/01/2026
Nagsampa ng civil libel case si Batangas Rep. Leandro Leviste laban kay PCO Undersecretary Claire Castro dahil sa umano’y maling pahayag sa mga vlog nito tungkol sa kanyang solar business. Ayon kay Leviste, layunin ng kaso na ipagtanggol ang kanyang pangalan at hindi upang ipakulong si Castro, kaya danyos na ₱110 milyon ang hinihingi. Nilinaw rin niyang hindi niya kalaban ang administrasyon at iginiit na mas dapat pagtuunan ng pansin ang laban kontra korapsyon, lalo na kaugnay ng paggamit ng pondo ng DPWH.