ANG KAWIT

ANG KAWIT PINHS Official Filipino School Publication - UORN R4A-LIP-126144

24/08/2026

๐—”๐—ป๐—ด ๐˜„๐—ถ๐—ธ๐—ฎ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐˜€๐—ถ๐˜†๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐—ฝ๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ด ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—ธ๐—ฎ๐—ถ๐˜€๐—ถ๐—ฝ๐—ฎ๐—ป ๐—ฎ๐˜ ๐—บ๐—ถ๐˜๐—ต๐—ถ๐—ถ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—ถ๐˜€๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฏ๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป. ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ

Ngayong Agosto, ating ipinagdiriwang ang Buwan ng Wikang Pambansa, ang Wikang Filipino. Bilang tugon, ang bawat mag-aaral mula sa Departamento ng Senior High sa Pinagkawitan Integrated National High School ay nagsuot ng ibaโ€™t ibang uri ng Pilipinong kasuotan bilang pagbibigay halaga sa ating pambansang wika.

Ngayong buwan ng Agosto, marapat lamang na ating ipagdiwang at bigyang dangal ang wikang sa atin ay nagpalaya.

๐–๐ข๐ค๐š๐ง๐  ๐ฆ๐š๐ฅ๐š๐ฒ๐š ๐š๐ญ ๐ฆ๐š๐ฉ๐š๐ ๐ฉ๐š๐ฅ๐š๐ฒ๐š! ๐Ÿ•Š

โœ๏ธDustin Kim Leyesa
๐ŸคณGabriel Baรฑa

OPINYON โ€”Proteksyon Kontra PanganibSa paaralang dapat sanaโ€™y tahanan ng pagkatuto, pagkakaibigan, at pangarap, isang ins...
22/08/2026

OPINYON โ€”

Proteksyon Kontra Panganib

Sa paaralang dapat sanaโ€™y tahanan ng pagkatuto, pagkakaibigan, at pangarap, isang insidente ng karahasan sa Ateneo de Zamboanga University noong Agosto 18 ang muling yumanig sa tiwala ng kabataan sa kaligtasan ng paaralan. Ang pangyayaring ito ay hindi dapat mauwi sa panandaliang pagkabigla lamang. Ang kaligtasan at kapakanan ng mga estudyante ay hindi dapat gawing pangalawang prayoridad. Bago pa man maabot ng kabataan ang kanilang mga pangarap, dapat munang tiyaking ligtas silang makapag-aaral.

Sa gitna ng trahedya, itinuro ng Malacaรฑang ang mahalagang papel ng mga g**o sa paghubog ng asal ng kabataan. Ayon kay Presidential Communications Office Undersecretary Claire Castro, may mga g**ong sa halip na magturo ng mabuting asal ay nagtuturo umano ng kawalan ng modo. Ngunit hindi makatarungang sa mga g**o lamang ibunton ang pananagutan. Ang paghubog sa kabataan ay sama-samang tungkulin ng pamilya, paaralan, pamahalaan, at komunidad. Kung tunay na hindi pangalawang prayoridad ang kapakanan ng estudyante, hindi maaaring itulak sa isang panig lamang ang pananagutan sa kanilang kaligtasan.

Hindi maaaring ituring na sapat ang seguridad kung kumikilos lamang kapag may nangyari na. Mula Hunyo hanggang Agosto, naitala ang mga insidente ng karahasan sa mga paaralan sa ibaโ€™t ibang bahagi ng bansa, kabilang ang Cavite, Tacloban, Negros Occidental, Bacolod, Zamboanga, at Davao. Ang paulit-ulit na mga pangyayaring ito ay nagpapakitang kailangan ng mas maagap na sistema ng proteksiyon. Kailangang maging maayos ang pagbabantay, sistema ng pagpasok, pag-uulat ng banta, at pagtugon sa panganib. Huwag hintayin ang panibagong insidente bago kumilos.

Hindi rin dapat ihiwalay ang kapakanan ng kabataan sa usapin ng seguridad. Sa tahanan unang nahuhubog ang asal at pagpapahalaga ng isang bata, kaya mahalaga ang patuloy na paggabay at pakikinig ng mga magulang. Kasabay nito, kailangang may sistema ang paaralan upang matukoy ang mga estudyanteng nangangailangan ng tulong at maagapan ang kanilang mga suliranin. Kung pangunahing prayoridad ang kapakanan ng estudyante, hindi sapat ang pisikal na seguridad lamang; kailangang bigyang-pansin din ang kanilang pangangailangan sa paggabay at suporta.

Hindi rin nagtatapos ang proteksiyon sa pagpigil sa panganib. Matapos ang insidente, naglaan ang Ateneo de Zamboanga ng sikolohikal na unang lunas sa 102 estudyante, 75 magulang, at tatlong g**o. Ipinakikita nito na ang epekto ng karahasan ay maaaring umabot sa buong komunidad ng paaralan. Kung tunay na mahalaga ang kapakanan ng bawat estudyante, dapat magpatuloy ang suporta kahit lumipas na ang mismong insidente. Hindi maaaring ituring na tapos na ang pananagutan kapag wala na ang agarang panganib.

Sa huli, malinaw ang aral ng nangyari: ang kaligtasan at kapakanan ng kabataan ay hindi maaaring isantabi hanggang sa magkaroon ng trahedya. Ang maagang seguridad, responsableng paggabay sa tahanan at paaralan, at tuloy-tuloy na suporta sa mga naapektuhan ay hindi mga dagdag na hakbang lamangโ€”mga pangunahing pangangailangan ang mga ito. Proteksyon ang dapat pairalin bago pa dumating ang panganib, hindi pagkatapos nitong manalasa. Panahon nang gawing tunay na prayoridad ang kaligtasan ng bawat estudyante, sapagkat ang paaralan ay dapat maging kanlungan ng pangarap, hindi pinagmumulan ng pangamba.

โœ๏ธFaye Charmaine Bunsol
๐Ÿ‘ฉโ€๐Ÿ’ปJamaicah Hugno

AGOSTO 21 โ€”Paggunita ng Kahapon, Ala-ala ng Panahon โ€Žโ€ŽBakit nga ba Agosto 21 ang araw na piniling alalahanin ng buong ba...
21/08/2026

AGOSTO 21 โ€”

Paggunita ng Kahapon, Ala-ala ng Panahon
โ€Ž
โ€ŽBakit nga ba Agosto 21 ang araw na piniling alalahanin ng buong bansa ang isang taong nag-iwan ng malalim na bakas sa kasaysayan ng Pilipinas?
โ€Ž
โ€ŽHindi lamang ito basta petsa sa kalendaryo. Tuwing Agosto 21, ginugunita ng Pilipinas ang araw na namatay si dating Senador Benigno โ€œNinoyโ€ Aquino Jr. noong 1983โ€”isang pangyayaring naging mahalagang bahagi ng kasaysayan ng bansa.

โ€Ž โ€Ž
โ€ŽAng Ninoy Aquino Day ay itinatag upang magsilbing taunang paggunita sa pagpaslang sa isang pangunahing lider ng demokrasya laban sa umiiral na diktadurya noong panahong iyon. Ang kanyang pagkamatay ay naging mitsa ng malawakang protesta sa buong bansa. Ang galit at gising na damdamin ng mamamayan ay patuloy na umalab at lumakas, na nagtuloy-tuloy hanggang sa makasaysayang People Power Revolution noong 1986.
โ€Ž
โ€ŽBilang special non-working holiday, hindi lamang pahinga ang ipinagkakaloob sa mga Pilipino kundi isang araw ng kamalayan lalo na para sa mga kabataang hindi nasaksihan ang dahilan ng muling paglaban ng mga mamamayan para sa kalayaan at demokrasya na naging bahagi ng kasaysayan ng kanilang bayan.

Ang paggunita sa araw na ito ay paalala na ang kasaysayan ay hindi lamang mga simpleng petsa sa kalendaryo. Ang isang bayang marunong lumingon sa pinanggalingan ay mas nakauunawa sa kahalagahan ng ipinaglabang kalayaanโ€”isang aral ng nakaraan na dapat pahalagahan at bitbitin ng bawat henerasyon para sa hinaharap.

โœ๏ธKayra Mhadel Delos Santos
๐Ÿ‘ฉโ€๐Ÿ’ปKarylle Reyes

OPINYON:Iligtas ang PagkatutoHabang ang ilan ay natutuwa sa anunsiyong walang pasok, may mga estudyanteng hindi kayang h...
18/08/2026

OPINYON:

Iligtas ang Pagkatuto

Habang ang ilan ay natutuwa sa anunsiyong walang pasok, may mga estudyanteng hindi kayang huminto. Habang ang iba ay komportableng nagpapahinga sa kanilang tahanan, may mga mag-aaral na patuloy na nagsisikap makahabol sa mga araling naiwan. Para sa ilan, ang suspensiyon ay pahinga; para sa iba, ito ay panibagong araw ng pakikipagsapalaran upang hindi maiwan.

Ang malungkot na realidad, hindi lahat ay may pribilehiyong magpahinga.

Sa bawat madalas na pagsususpinde ng klase, may mga araling hindi natatalakay, gawaing naiipon, at oras ng pagkatutong hindi na maibabalik. Sa kasalukuyang pag-ulan dulot ng Habagat, muling naapektuhan ang pag-aaral ng maraming kabataan; noong ika-10 ng Agosto, iniulat ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) na mahigit 6.5 milyong mag-aaral ang naapektuhan ng pagsususpinde ng harapang klase sa mahigit 10,000 paaralan. Ngayong ika-17 at 18 ng Agosto muling nagsuspinde ng klase ang ilang lugar dahil sa patuloy na epekto ng habagat.

Hindi lahat ng estudyante ay may kagamitan, internet, o tahimik na lugar upang ipagpatuloy ang pag-aaral sa bahay. Habang ang iba ay madaling nakakabawi, may mga mag-aaral na lalo lamang napag-iiwanan. Hindi rin dapat kalimutan ang mga magulang na patuloy na naghahanapbuhay kahit suspendido ang klase; habang may estudyanteng nagagabayan ng kanilang mga magulang sa mga aralin ay may mga magulang na kailangang iwan mag-aral mag-isa ang kanilang mga anak sa bahay upang sila ay makapagtrabaho at matugunan ang pang-araw-araw na pangangailangan.

Hindi rin dapat maging normal ang isang sistemang tila walang ibang sagot kundi ang magsuspende ng klase. Tungkulin ng pamahalaan na maghanda ng ligtas na paaralan, maayos na pasilidad, at sistemang kayang ipagpatuloy ang pagkatuto sa kabila ng masamang panahon.

Naglabas man ang Kagawaran ng Edukasyon ng 4H protocol (Hayo, Hinay, Hinga, Hinto) para sa pagpapatuloy ng pagkatuto sa panahon ng mga pagkagambala dulot ng ibat-ibang kalamidad, hindi pa rin maipagkakailang may mga mag-aaral na lubos na napag-iiwanan at nahihirapang matuto gamit ang sariling kapasidad sa pag-aaral ng sabay-sabay na mga aralin.

Maaaring kinakailangan ang pagsususpinde upang matiyak ang kaligtasan ng mga estudyante, lalo na kapag delikado ang panahon, ngunit hindi nangangahulugang dapat palaging kalidad ng edukasyon ang isakripisyo. Sa halip, kailangang tiyaking handa ang mga paaralan at may alternatibong paraan upang hindi tuluyang maputol ang tunay na pagkatuto.

Kapag ang pag-aaral ay paulit-ulit na napuputol, unti-unti ring nauudlot ang pagkakataong makahabol.

Magsuspinde kapag tunay na kinakailangan, ngunit huwag gawing permanenteng solusyon ang pagkansela ng klase. Gawin ng tama ang paghahanda, palakasin ang mga paaralan, ayusin ang mga kalsada at tiyaking may paraan upang magpatuloy ang pagkatuto sa isang mas ligtas na komunidad. Huwag hayaang ang kakulangan sa paghahanda ng pamahalaan ang maging dahilan upang ang kinabukasan ng mga kabataan ay patuloy na maantala.

โœ๏ธFaye Charmaine Bunsol
๐ŸŽจ๐Ÿ–Œ๏ธ Rheanna Nichole Bonjoc





KALIGTASAN MUNA KAWITEร‘OS!RED RAINFALL WARNING
18/08/2026

KALIGTASAN MUNA KAWITEร‘OS!
RED RAINFALL WARNING

KALIGTASAN MUNA: SUSPENSIYON NG FACE-TO-FACE CLASSES

Dahil sa patuloy na pag-ulan at sa โ€œRed Warning Rainfall Signalโ€ na nakataas sa Lipa City at mga kalapit na lugar, sinuspinde ngayong Agosto 18, 2026 ang face-to-face classes sa lahat ng antas sa Pinagkawitan Integrated National High School.

Ang hakbang na ito ay para sa kaligtasan at kapakanan ng ating mga learners, teaching at non-teaching personnel, at buong school community.

Hinihikayat ang lahat na manatiling ligtas, maging mapagmatyag, at sumunod sa mga abiso ng mga awtoridad. Iwasang pumunta sa mga lugar na maaaring maapektuhan ng pagbaha, pagguho ng lupa, at iba pang panganib dulot ng masamang panahon.

Keep safe Kawitenos.

LIPA CITY (Agosto 18, 2026) โ€” Nananawagan ang mga awtoridad sa publiko na maging alerto sa banta ng pagbaha at pagguho n...
17/08/2026

LIPA CITY (Agosto 18, 2026) โ€” Nananawagan ang mga awtoridad sa publiko na maging alerto sa banta ng pagbaha at pagguho ng lupa, matapos itaas sa Red Warning Signal ang Lipa City at iba pang bahagi ng Batangas dulot ng walang tigil na pag-ulan.

๐—›๐—˜๐—”๐—ฉ๐—ฌ ๐—ฅ๐—”๐—œ๐—ก๐—™๐—”๐—Ÿ๐—Ÿ | ๐˜ž๐˜ข๐˜ณ๐˜ฏ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜•๐˜ฐ. 12
Weather System: Southwest Monsoon (Habagat)
Issued at: 5:00 AM, 18 August 2026 (Tuesday)

๐Ÿ”ด RED WARNING LEVEL: Balayan, Tuy, Lian, Calatagan, Calaca City, Lemery, Laurel, Agoncillo, Talisay, Tanauan City, Malvar, Balete, Mataasnakahoy, Batangas City, San Jose, Lipa City, Cuenca, San Pascual, San Luis, Bauan, Santa Teresita, Alitagtag, Taal, San Nicolas, Nasugbu, Taysan, Ibaan, Rosario, Padre Garcia, Santo Tomas City.

ASSOCIATED HAZARD: Serious FLOODING in flood-prone areas.

๐ŸŸ  ORANGE WARNING LEVEL: Lobo, San Juan

ASSOCIATED HAZARD: FLOODING is still THREATENING.

The public and the Disaster Risk Reduction and Management Offices concerned are advised to MONITOR the weather condition and watch for the next warning to be issued at 8:00 AM today.



Lathalain  lKinatawan sa Likod ng KarangalanAno nga ba ang tunay na sukatan ng isang kabataan?Nasusukat ba ito sa taas n...
17/08/2026

Lathalain l

Kinatawan sa Likod ng Karangalan

Ano nga ba ang tunay na sukatan ng isang kabataan?

Nasusukat ba ito sa taas ng marka, sa dami ng medalya, o sa posisyong hawak sa paaralan?

Marahil, ang sagot ay matatagpuan sa mga kabataang handang humakbang lampas sa kanilang kinagisnang mundo upang matuto, makinig, at maglingkod.

Para kay Jillian Sigue ng Grade 10โ€“Jacob at Youth MTCC Branch Judge III, at James Bryan Atok, STEMโ€“12 at Youth DPWH Engineer, ang pagiging kinatawan ng Pinagkawitan Integrated National High School sa Lipa Youth City Officials (LYCO) 2026 ay hindi lamang isang karangalang maidaragdag sa kanilang talaan. Higit pa rito, isa itong pambihirang pagkakataong nagbukas ng mga bagong karanasan at pananaw na hindi basta-basta matatagpuan sa loob ng silid-aralan.

Sa loob ng korte, nasaksihan ni Sigue ang mundong umiikot sa likod ng batas at hustisya. Ang kaba na unang bumalot sa kaniya ay unti-unting napalitan ng pagkamangha habang natututuhan niya ang bigat ng responsibilidad na kaakibat ng kaniyang tungkulin.

Samantala, bilang Youth DPWH Engineer, mas napalapit naman si Atok sa konsepto ng pakikipagtulungan at pamumuno. Sa pakikisalamuha sa iba't ibang kabataang lider, mas lalo niyang naunawaan na ang isang lider ay hindi lamang nasusukat sa kakayahang manguna, kundi sa kahandaang makiisa at makipagtulungan sa iba.

Magkaiba man ang kanilang ginampanang tungkulin, iisa ang naging bunga ng kanilang karanasanโ€”ang mas malalim na pag-unawa sa kahalagahan ng paglilingkod.

Hindi lahat ng mag-aaral ay nabibigyan ng pagkakataong maging bahagi ng mga programang tulad ng LYCO. Kaya para sa mga kabataang nabigyan ng pagkakataong kumatawan, ang bawat karanasan ay nagiging daan upang mas mapalawak ang kanilang pananaw at mas malinang ang kanilang kakayahang mamuno.

Sapagkat sa pagbabalik sa tanong na, ano nga ba ang tunay na sukatan ng isang kabataan? Marahil, hindi ito nasusukat sa marka, medalya, o posisyong hawak, kundi sa tapang na tanggapin ang mga pagkakataong hindi ipinagkakaloob sa lahat at gamitin ang mga ito bilang hakbang tungo sa paglago at paglilingkod.

โœ๏ธKayra Mhadel Delos Santos
๐Ÿ‘ฉโ€๐Ÿ’ป Karylle Reyes





17/08/2026

๐—›๐—˜๐—”๐—ฉ๐—ฌ ๐—ฅ๐—”๐—œ๐—ก๐—™๐—”๐—Ÿ๐—Ÿ | ๐˜ž๐˜ข๐˜ณ๐˜ฏ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜•๐˜ฐ. 7
Weather System: Southwest Monsoon (Habagat)
Issued at: 2:00 PM, 17 August 2026 (Monday)

๐ŸŸ  ORANGE WARNING LEVEL: Nasugbu, Balayan, Calatagan, Lian, Tuy

ASSOCIATED HAZARD: FLOODING is THREATENING.

๐ŸŸก YELLOW WARNING LEVEL: Calacan City, Laurel, Lemery

ASSOCIATED HAZARD: Possible FLOODING in flood-prone areas.

โš ๏ธ Meanwhile, light to moderate with occasional heavy rains affecting Alitagtag, Batangas City, Bauan, Cuenca, Ibaan, Lipa, Lobo, Mabini, Mataasnakahoy, Padre Garcia, Rosario, San Jose, San Juan, San Luis, San Pascual, Santa Teresita, Santo Tomas City, Taal, Taysan, Tingloy, Balete, Tanauan, Malvar, Agoncillo, San Nicolas, Talisay which may persist within 3 hours and may affect nearby areas.

The public and the Disaster Risk Reduction and Management Offices concerned are advised to MONITOR the weather condition and watch for the next warning.



17/08/2026
LATHALAIN:Papuri Kapalit ng Munting Pag-aariSalamat?Kailan nga ba nagiging dayuhan ang salitang salamat?Kapag ito ba'y k...
14/08/2026

LATHALAIN:

Papuri Kapalit ng Munting Pag-aari

Salamat?

Kailan nga ba nagiging dayuhan ang salitang salamat?
Kapag ito ba'y kusang namumutawi, o kapag kailangan muna nitong dumaan sa lente?

Sa panahong ang isang bidyo ay kayang umabot sa libo-libong mata sa loob lamang ng ilang segundo, tila naging bahagi na rin ng ilang programa at proyekto ang pagpapakita ng pasasalamat. Isang kamera, isang ngiti, at isang mensaheng kailangang marinig.

โ€œSay thank you po sa sponsor!โ€ โ€” may salitang โ€œsalamatโ€ na tila ibong gustong lumipad ng malaya ngunit ikunulong sa iskrip ng bidyo na humantong sa pagkawala ng tunay na himig ng huni nito.

Ang pasasalamat ay hindi halamang maaaring piliting mamulaklak sa iisang panahon. Ito'y kusang umuusbong, tulad ng paggalang na hindi kailangang ipahayag upang maramdaman.

Ang pinakamatitinding tinig ay hindi laging naririnig tulad ng huni ng ibon o kaya namaโ€™y ng kagandahan ng buko ng isang bulaklak. Minsan, nakatago lamang ang mga ito sa likod ng isang ngiting kailangang mapanatili ang ningning.

Sa huli, kailangang malaman ng bawat isa na hindi kailanman naging sukatan ng pagpapahalaga ang isang naitalang mensahe. Sapagkat ang idiniktang pasasalamat ay maaaring marinig ng marami, ngunit kailanman ay hindi magiging tinig ng isang pusong may kalayaang magpahayag ng nararamdaman.

โœPrecious Emerald Benaso
๐Ÿ–ŒKarylle Reyes

Address

Pinagkawitan
Lipa City
4217

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when ANG KAWIT posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share