21/09/2025
βΌοΈβΌοΈβΌοΈ
Ngayong araw, muling nasa lansangan ang libu-libo nating mga kababayan upang manindigan laban sa korapsyon. Ang panawagan: hustisya at panagutin ang mga nagnakaw sa kaban ng bayan gamit ang mga flood control at infrastructure projects.
Walang puwang sa isang matinong lipunan ang mga magnanakaw. Nararapat lamang na makulong ang mga salarin at maibalik sa taumbayan ang bilyon-bilyong pisong ninakaw. Ang pagkakataong ito ay isang paalala din sa bawat isa sa atin: huwag na nating iboto ang mga tiwali at walang malasakit na pulitiko.
Sa araw na ito, ang Kaya Natin! Movement ay buong-pusong nakikiisa sa bawat Pilipinong galit sa korapsyon. Kasama ninyo kaming naninindigan para sa isang bansang may mabuting pamamahala, kung saan ang katapatan at paglilingkod nang may pananagutan ang namamayani.
Magkaisa tayo, hindi para sa isang indibidwal, kundi para sa prinsipyo ng mabuting pamamahala. Magkaisa tayo para sa isang Pilipinas na malaya mula sa mga korap at tunay na maipagmamalaki ng lahat.