03/05/2026
KAHIT SIKAT NA, HINDI PINABAYAAN ANG PAG-AARAL 🎓🥇
Isang inspirasyon sa kabataang Pilipino si Darren Espanto at hindi lang sa entablado kundi pati sa akademya.
Ipinanganak sa Calgary, Alberta, Canada noong May 24, 2001 at ngayon ay 24 taong gulang na at patuloy na namamayagpag sa industriya ng musika at telebisyon at sa kabila ng kasikatan ay pinili niyang huwag pabayaan ang kanyang pag-aaral.
Nagsimula ang kanyang academic journey nang makatanggap siya ng ₱350,000 scholarship mula sa Eton International School matapos ang kanyang paglahok sa The Voice Kids Philippines at kalaunan ay lumipat siya sa Homeschool of Asia Pacific kung saan mas naitugma ang kanyang pag-aaral sa kanyang abalang schedule bilang artista.
Sa kabila ng sunod sunod na projects ay hindi siya nagpahuli sa academics at kanyang nakamit ang Second Honors sa Grade 11 at First Honors sa Grade 12 at pati na rin ang Achiever Award at Excellence in Music and Arts Award.
Hindi naging madali ang pagsabayin ang career at pag aaral ngunit sa tulong ng kanyang mga g**o at tutors ay napanatili niya ang disiplina at focus at ipinakita niya na posible ang balanseng buhay kung may malinaw kang pangarap.
Sa kasalukuyan ay patuloy si Darren sa kanyang showbiz career at kasabay nito ay pinag iisipan ang kanyang tatahaking landas sa kolehiyo at maaaring sa larangan ng medicine o business na inspirasyon mula sa kanyang mga magulang na parehong nurses at sa kanyang sariling karanasan sa industriya.
Kwento niya ay paalala sa kabataan at hindi hadlang ang talento sa pag aaral at bagkus maaari itong maging daan sa mas maliwanag na kinabukasan at kung may talento ka ay huwag mo itong sayangin at i develop mo at gamitin mo at sabayan mo ng sipag at disiplina dahil minsan ang simpleng hilig mo ngayon ay siyang magdadala sa iyo sa tagumpay bukas. ✨
-Kwento Mo PH 🇵ðŸ‡