20/09/2025
When was the Last time you read your Bible?
O di kaya'y Maaaring naka focus tayo sa usaping korapsyon ng ating bansa, sa mga tiwaling nais magpakasasa habang ang karamihan ay nasa baha. sa mga di matapos tapos na paghihirap at kawalan ng pag-asa.
O sige, magbigay tayo ng halimbawa:
Basahin natin ito;
Isaias 1:23
Naging suwail ang iyong mga pinuno, kasabwat sila ng mga magnanakaw; tumatanggap ng mga suhol at mga regalo; hindi ipinagtatanggol ang mga ulila; at walang malasakit sa mga biyuda.”
Mangangaral 5
Ang Buhay ay Walang Kabuluhan
8 Huwag kang magtataka kung makita mong ang mahihirap ay inaapi ng mga nasa kapangyarihan. Alalahanin mong ganoon din ang ginagawa ng nakatataas sa kanila at bawat pinuno ay may nakasasakop ding mas mataas na pinuno. 9 Sa isang lupaing puno ng kasaganaan, ang hari ang may pinakamainam na kalagayan.
10 Ang gahaman sa salapi ay walang kasiyahan at ang sakim sa kayamanan ay hindi masisiyahan sa kaunting pakinabang. Ngunit ito man ay walang kabuluhan.[b] 11 Habang lumalaki ang kayamanan, dumarami ang pangangailangan at ang tanging kasiyahan ng may-ari ay ang isiping siya ay mayaman. 12 Mahimbing ang tulog ng isang manggagawa, marami man o kaunti ang kanyang pagkain. Ngunit ang mayaman ay hindi man lamang dalawin ng antok.
13 Ito ang isang nakakalungkot na pangyayari na nakita ko sa mundong ito: ang tao'y nag-iimpok para sa kinabukasan. 14 Ngunit nauubos din sa masamang paraan kaya wala rin siyang maiiwan sa kanyang sambahayan. 15 Kung paanong tayo'y walang dala nang isilang dito sa daigdig, wala rin tayong madadala pagpanaw natin. Wala tayong madadalang anuman sa ating pinagpaguran. 16 Narito pa ang isang mahirap isipin: kung ano ang ayos nang tayo'y dumating, gayon din ang ayos sa ating pag-alis. Nagpapakapagod tayo ngunit wala ring napapala. 17 Bukod dito, ang buhay natin ay laging may alinlangan; puno ng pagkabalisa, hinagpis, galit at karamdaman.
Isinulat ito ni Haring Solomon, Anak ni Haring David.. Kaya isang kaalaman na hindi lang present age/era nangyayari ang mga usaping ito, lalu na't maraming nais sumakop sa kayaman ng isang bansa.
Madami pa tayong mababasa sa bibiliya, iisa lamang ito, nawa'y mapanatili mo ang pagbabasa nito at magkaroon ng wastong kaalaman at gabay upang magbukas sa kaisipan sa marami pang mga bagay.
Sa Diyos ang lahat ng Papuri. 🙏