
01/08/2025
๐๐ถ๐ฝ๐ฎ ๐๐ถ๐๐ ๐ฎ๐ ๐๐ข๐ฆ๐ง-๐๐ฎ๐น๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐ฟ๐๐ผ๐ป, ๐ฆ๐ฎ๐ป๐ถ๐ฏ-๐ฃ๐๐๐ฒ๐ฟ๐๐ฎ ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐ฎ ๐๐ฎ ๐ฆ๐บ๐ฎ๐ฟ๐ ๐๐ผ๐๐ฒ๐ฟ๐ป๐ฎ๐ป๐ฐ๐ฒ ๐ฎ๐ ๐ฆ๐๐๐๐ฎ๐ถ๐ป๐ฎ๐ฏ๐น๐ฒ ๐๐ฒ๐๐ฒ๐น๐ผ๐ฝ๐บ๐ฒ๐ป๐
Pormal nang nagtulungan ang Lungsod ng Lipa at Department of Science and TechnologyโCalabarzon (DOST-4A) upang isulong ang makabagong pamahalaan sa pamamagitan ng teknolohiya at inobasyon. Nilagdaan nina Lipa City Mayor Eric Africa at DOST-4A Regional Director Emelita Bagsit noong Hulyo 19 ang kasunduan para sa pagpapatupad ng dalawang pangunahing programa: ang Innovation, Science, and Technology for Accelerating Regional Technology-Based Development (iSTART) at Smart and Sustainable Communities (SSC).
Ayon kay John Maico Hernandez, information officer ng DOST-Batangas, ang iSTART program ay layong iayon ang mga lokal na plano ng lungsod sa mga makabagong solusyon gamit ang agham at teknolohiya. Dagdag niya, ang Lipa City ang kauna-unahang lungsod sa Batangas na magsasagawa ng ganitong uri ng programang nakatuon sa smart governance. Kabilang sa inisyatiba ang mga seminar at workshop na magpapalalim sa pagsusuri at pag-update ng mga lokal na development plans upang maisama ang S&T-based strategies. Samantala, ang SSC program ay tutulong sa mga LGU na makabuo ng roadmap at magpatupad ng mga proyektong nakaangkla sa sustainable development.
Ayon kay Hernandez, ang hakbang na ito ay naglalayong gawing modelo ang Lipa City sa paggamit ng teknolohiya para sa maunlad at matatag na pamahalaan, na maaaring sundan ng iba pang lungsod sa rehiyon.