31/07/2026
🚨 PANAWAGAN 📣
Hanggang ngayon po ay hindi pa rin namin nakikita ang aming Mamay Nilo. Patuloy po kaming nakikiusap sa inyong lahat na tulungan kaming mahanap siya at maibalik nang ligtas sa aming pamilya.
Huling nakita: Julyo 29, 2026
Edad: 80 taong gulang
Tangkad: 5'3"
Suot noong huling nakita:
- Itim na sombrero
- Gray na polo shirt
- Maong na pantalon
- Itim na sapatos
Karagdagang impormasyon: Nakumpirma na sumakay siya ng byaheng Batangas — makikita ang kanyang pangalan sa manifest ng Fast Cat. Kasalukuyan po kaming humihiling ng kopya ng CCTV footage mula sa loob ng barko at hinihintay ang release nito.
May pabuya po na ₱50,000 para sa sinumang makakakita sa kanya o makapagbibigay ng mapagkakatiwalaang impormasyon tungkol sa kanyang kinaroroonan.
Kung may nakakita o may anumang impormasyon, mangyaring makipag-ugnayan agad sa amin o sa pinakamalapit na police station.
Nakikiusap po kami na patuloy nating i-share ang post na ito. Ang bawat share ay maaaring maging daan upang makita na namin si Mamay Nilo.
Maraming salamat po sa inyong tulong at mga panalangin. Nawa'y ingatan siya ni Lord at makauwi na siya nang ligtas sa aming pamilya. 🙏