29/01/2026
Mother is the most selfless woman in this world and Lola Minerva is one of that🥺
Naiyak ako sa kwento nya dahil nakikita ko sa kanya ang isang ina na...
Walang hinihinging kahit ano sa mga anak basta kung ano ang ibigay mo, ayos na.
Isang ina na hindi marunong dumaing kahit sya'y nahihirapan na...
Isang ina na kahit nakakaramdam na ng sakit ay patuloy pa ding lumalaban...
Isang ina na hindi kayang tiisin ang mga anak. Yung isusubo na lang nya, ibibigay pa...
Higit sa lahat, ina na mapagmahal at walang ibang inisip kundi kapakanan ng pamilya.
Sabi nga nya, "Hindi ako dumadaing sa Diyos na ako'y nahihirapan, lagi kong hinihiling lakas ng katawan. Kasi kung dumaing ako sa Diyos at maawa sya sakin, kunin nya ko. Pano naman mga anak ko?" sabay iyak nya na kinaiyak ko din.
Imagine, hirap na sya at nakakaramdam na din ng panghihina pero gusto pa din nyang manatili para sa kanila.
Yung ina na hindi takot mamatay pero takot maiwan mga anak na ganon pa din ang kalagayan.
Ina na handang ibigay ang kailangan nila kahit walang kapalit na sukli.
She's so selfless!
Iyak talaga ko ng iyak lalo na nung binahagi nya na naubos daw mga damit nya dahil sinunog ng anak nya na PWD.
Tapos natutulog sya sa silya lang at kapag may ulan nagtataklob sya ng plastic para hindi mabasa dahil natulo ang bubong.
Sakit. Nawa'y malaman ng iba nyang anak o pamilya ang sitwasyon nya at matulungan sya. Napakabait ni lola, she deserves everything.
Sana manalo tayong lahat sa buhay para hindi ito maranasan ng mga mahal natin🙏
photosfrommarcosvlog