24/12/2025
One of the Most Painful Truths I Learned After 30:
Not Every Christmas Comes With Joy,
But Learning to Accept It Brings Peace.🌲
Noon, ang Pasko ay buo. Kumpleto ang pamilya, masikip ang bahay sa ingay, tawanan, at kwentuhan. May handa kahit simple, may regalo kahit maliit, at may yakap na sapat para gumaan ang lahat.
Ngayon, iba na.
Kulang na.
Wala na ang ibang myembro ng pamilya.
Yung iba, buhay nga pero nagbago na ang relasyon.
Wala na yung ibang kamag-anak.
Wala na rin yung ibang kaibigan na naging bahagi ng araw-araw mo.
May mga tao na bihira mo nang makita dahil kanya-kanya na ng buhay, kanya-kanya ng priorities.
Mas mahirap na ang pera.
Mas mabigat na ang responsibilidad.
Mas tahimik na ang Pasko.
Habang tumatanda ka, mas nauuna na ang bills kaysa wishlist. Mas marami na ang iniintindi kaysa ipinagdiriwang. Yung dating puno ng tawa ang hapag, ngayon puno ng alaala at mga tanong na walang sagot.
Masaya ka pa rin, kahit papaano.
Pero may kasamang kirot.
Dahil habang ngumingiti ka, may hinahanap ang puso mo na hindi na babalik.
May mga taong gusto mong yakapin ulit, pero alaala na lang ang natira.
At doon mo maiintindihan:
Hindi pala tungkol sa saya lang ang Pasko.
Tungkol pala ito sa pagpapatuloy,
at sa pagpapasalamat kahit sa gitna ng lungkot.
Just like a glass of water that's plain and simple, yet enough to sustain us; Christmas may not always be full of joy, but it reminds us to keep going, to embrace the present, and to celebrate life and love in all its quiet simplicity.
Despite everything, we choose to celebrate the birth of Jesus, His sacrifice, and the love that continues to give us strength.
Kahit mabigat ang puso.
Kahit pakiramdam mo, may kulang na hindi na mapupunan.
Minsan, ang pinakamahalagang regalo na mabibigay mo sa sarili mo ay ang pagtanggap;
na nagbago na ang lahat,
pero buhay ka pa,
at sapat na ’yon para ipagpatuloy ang Paskong ito, at ang lahat ng Paskong darating pa.
Have a meaningful Christmas, everyone!✨
゚