30/09/2025
Linggo ng Kabataan 2025 – Barangay Dampalan
Bilang pakikiisa sa taunang selebrasyon ng Linggo ng Kabataan, nagsama-sama ang mga kabataan ng Barangay Dampalan sa isang makabuluhang pagdiriwang na naglalayong palakasin ang pagkakaisa, pakikipagkaibigan, at malasakit sa komunidad.
Ilan sa mga aktibidad na isinagawa ay:
🏐 Volleyball Game – upang palakasin ang samahan, sportsmanship, at kooperasyon ng bawat kabataan.
🧹 Clean-Up Drive – bilang pagpapakita ng malasakit sa kapaligiran at responsableng pamumuhay.
🍽️ Boodle Fight – isang simbolo ng pagkakaisa at pagkakaibigan na nagbigay saya at damayan sa bawat kalahok.
🤸 Larong Pinoy upang muling buhayin ang kulturang Pilipino at palakasin ang samahan ng kabataan."
Sa pamamagitan ng mga gawaing ito, ipinamalas ng kabataan ng Barangay Dampalan ang kanilang aktibong partisipasyon sa paghubog ng isang mas malinis, mas masigla, at mas nagkakaisang pamayanan.