19/08/2025
๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐| PNU Timog Luzon Inilunsad ang Pagsalubong at Oryentasyon sa Pagbubukas ng Taong Panuruan 2025โ2026
Isinagawa ng Pamantasang Normal ng Pilipinas Timog Luzon (PNUSL) ang Pagsalubong, Oryentasyon, at Re-Oryentasyon na Programa noong Agosto 18, 2025 sa Himnasyo ng Pamantasan. Dinaluhan ito ng 234 na mag-aaral sa unang taon kasama ang kanilang mga magulang at tagapag-alaga sa umaga, habang sinundan naman sa hapon ng re-oryentasyon para sa mga mag-aaral sa ikalawa hanggang ika-apat na taon. Layunin ng programa na malugod na salubungin ang mga bagong estudyante at gabayan ang lahat ng mag-aaral hinggil sa mga patakaran, alituntunin, at serbisyong inaalok ng pamantasan bilang paghahanda sa kanilang paglalakbay akademiko ngayong Taong Panuruan 2025-2026.
Sinimulan ang programa sa pambungad na panalangin at Pambansang Awit, na sinundan ng pambungad na pananalita ni Dr. Amor F. Loniza, Dekanang Pang-akademiko at ng Hub. Nagbigay rin ng mensahe si Dr. Leah Amor S. Cortez, Ehekutibong Direktor at Provost, na nagbigay-diin sa core values ng PNUSL na Truth, Excellence, at Service, at sa papel ng pamantasan sa paghubog sa mga estudyante bilang mga susunod na g**o ng bayan.
Kasunod nito, ipinakilala ang ibaโt ibang kinatawan ng unibersidad. Ipinakilala ni Dr. Leah Amor S.Cortez ang mga University Officials at mga miyembro ng Research, Extension, Quality Assurance and Development. Mula naman sa Campus Faculty, sila ay ipinakilala ni Dr. Amor F. Loniza, habang ang mga Campus Staff naman ay ipinakilala ni Engr. Dandy V. Surio. Kinilala rin ang mga kinatawan ng Student Government na pinangunahan ni Hon. Arnold D. Monticalvo, Pangulo ng Student Government.
Nagkaroon din ng presentasyon ang ibaโt ibang yunit hinggil sa kanilang mga serbisyo at tungkulin. Kabilang dito ang Campus Admission na pinangunahan ni Prof. Mike Carlo N. Nonato, Campus Registrar na pinangunahan ni Ms. Rochelle T. Taylor, at Student Handbook na tinalakay ni Prof. Joy Angelle B. Remojo, RGC. Ibinahagi naman ni Dr. Linda A. Tapales ang ukol sa Medical Services, samantalang ipinaliwanag naman ni Ms. Ma. Rhejoy Majarries ang mga serbisyong inihahatid ng Accounting Unit.
Kasama rin sa mga nagbigay-linaw si Ms. Donna Belle U. Umali para sa Supply and Property Management, si Prof. Brenda O. Bua-ay para sa Gender Equity, Diversity, and Inclusion Unit, at si Dr. Amor F. Loniza na naglatag ng Guidelines for the Conduct of Classes para sa Taong Panuruan 2025โ2026.
Sa hapon naman ay isinagawa ang Re-Oryentasyon para sa mga mag-aaral na nasa ikalawa hanggang ikaapat na taon. Sa kanilang mensahe, sina Dr. Loniza at Dr. Cortez ay nagpaalala ng kahalagahan ng maingat na pagkilos sa loob at labas ng pamantasan at ng pagsasabuhay ng mga aral hindi lamang sa akademiko kundi pati sa wastong asal.
Katulad ng unang bahagi, muling tinalakay ang mahahalagang impormasyon mula sa ibaโt ibang yunit at ang mga alituntunin sa pagsasagawa ng klase. Bago matapos ang programa, nagbigay ng Pangwakas na Pananalita si Engr. Dandy V. Surio, Direktor ng Administration, Finance, and Planning. Nagsilbing tagapagpadaloy sina G. Raniel B. Bautista, G. Joel D. Geneblazo Jr., at Bb. Jhanmel C. Morada upang masig**o ang maayos na daloy ng programa.
Naging mahalagang panimula ang dalawang aktibidad para sa lahat ng mag-aaral ng PNUSL, na naglatag ng pundasyon para sa isang makabuluhan at produktibong akademikong taon.
Isinulat nina: Catherine Abellano at Chrizza Templatura
Larawan nina: Erwin Umali at Mary Vie Villanueva
Dibuho ni: Paul Meneses