07/07/2026
Ngayong araw, Hulyo 7, 2026, bumisita ang mga kinatawan ng Organic Agriculture Program ng Department of Agriculture (DA) Regional Field Office IV-A, kasama ang mga kawani ng Agribusiness and Marketing Assistance Division (AMAD), sa Jvil's Agricultural Farm & Food Products para sa validation ng Feeds Pelletizer Machine Project ng Lopez Natural Pig Farmers Association (LNPFA), sa pakikipagtulungan ng DA-Municipal Agriculture Office (MAO) Lopez.
Lubos po kaming nagpapasalamat sa inyong pagbisita, mahahalagang rekomendasyon, at patuloy na suporta sa mga programang naglalayong mapaunlad ang lokal na agrikultura at kabuhayan ng ating mga magsasaka at mga nag-aalaga ng hayop.
Ang proyektong ito ay isang mahalagang hakbang tungo sa mas episyente, mas matipid, at mas napapanatiling produksyon ng pakain para sa aming mga alagang hayop.
Sama-sama nating isulong ang makabago, produktibo, at napapanatiling agrikultura! 🌱🇵🇭