31/12/2025
๐๐๐ง๐๐๐๐๐๐ก | ๐จ๐๐๐-๐ซ๐๐๐: ๐ฒ๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐บ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐พ๐๐๐๐
Nararamdaman na ang pagdating ng bagong taon: kumakalansing ang kawali at sandok, muling niluluto ang mga paborito. Napupunong muli ang ref, umaapaw ang lamesa, at siksikan sa pamilihan dahil lahat ay nagmamadaling salubungin ang bagong simula na may dalang pangako at pagbabago.
Si Nini ay abalang nag-aayos ng hapag-kainan, maingat niyang inilalatag ang labindalawang bilog na prutas โ mga hugis na walang simula at wakas, tulad ng pag-asang nais niyang dalhin sa darating na taon. Sa tabi niya, sina Teytey at Yetyet ay abalang nagluluto, humahalo ang amoy ng pansit na pinaniniwalaang pampahaba ng buhay at ang tikoy na inaasahang didikitan ng swerte.
Sa isang sulok, tahimik na nagmamasid si Gido, tangan ang kaniyang lente, hindi paputok ang hinuhuli niya, kundi ang maliliit na ritwal: ang batang kumukupit ng ubas, ang palad na may barya, ang sabayang talon sa alas-dose, mga tradisyong magsisilbing kwentong hindi malilimutan.
Sa gitna ng kasabikan, si Janjan ang nanguna sa huling bilang, may torotot siya sa isang kamay at relo sa kabila, buo ang tinig niyang sumisigaw, sampu, siyam, waloโฆhanggang sa sabay-sabay na pumutok ang ingay at tawanan: may kalderong kinakalampag, may baryang ikinakalat sa sahig, may mga paang tumatalon, at may mga matang nakapikit, tahimik na humihiling.
Pagkatapos ng kasiyahan, nagsalo-salo silang lima sa pansit, kakanin, at mga prutas na bilog โ hindi dahil kailangan, kundi dahil nakasanayan, dahil dito nagtatagpo ang alaala at pag-asa. Sa bawat subo, may pasasalamat sa mga taong lumipas at tapang na harapin ang mga darating pa.
Sa gabing iyon, napagtanto nila na ang bagong taon ay hindi nasusukat sa ganda ng paputok o dami ng handa. Itoโy nabubuo sa sama-samang paniniwala na kahit hindi tiyak ang bukas,
may mga tradisyong nagbubuklod at mga taong handang magsalo sa bawat simula.