27/08/2025
Kahapon, may mga taong gumising nang may mga plano.
May mga nakaisip nang kakain sila ng paborito nilang almusal, papasok sa trabaho, at mamayang gabi, uuwi para makasama ang pamilya.
Pero hindi na nila naabutan ang umaga.
Kanina naman, may mga taong nagising nang may ngiti.
May iniisip silang lakad mamayang gabi, simpleng kwentuhan kasama ang kaibigan, o hapunan na sabay-sabay nilang pagsasaluhan.
Pero bago pa man dumating ang gabi, natapos na ang kanilang kwento.
Sa isang iglap, nagbago ang lahat.
Ganito ang buhay—hindi natin alam kung hanggang saan ang ating oras.
Kaya huwag mong sayangin ang oras sa tampuhan, galit or pride. Baka hindi mo na masabing I'm SORRY, I LOVE You. Pano kung bukas wala ka na. OR wala na sila.
Kaya habang may pagkakataon pa, piliin natin ang magmahal, magpatawad, magpasalamat, at maging mabuti. Dahil baka yung iniisip nating “mamaya na lang,” hindi na pala darating pa.
Sabi sa James 4:14:
"You do not know what will happen tomorrow. For what is your life? It is even a v***r that appears for a little time and then vanishes away"
Ang buhay natin ay parang usok. Lumilitaw sandali at bigla naglalaho. Kayang habang may buhay ka pa magpatawad ka. Lalong higit ayusin mo ang relasyon mo sa Panginoon. Siya lang ang daan sa buhay na walang hanggan. Baka bukas wala na tayo. Don't wait for tomorrow. Love now, forgive now, Surrender to Jesus now. Baka Bukas wala ng next time.
fans