Radyo DZLB Ang Tinig ng Kaunlaran

Radyo DZLB Ang Tinig ng Kaunlaran Radyo DZLB is the official community and educational AM & online radio station of UP Los Baños

15/07/2025

“Ang ipinaglalaban ng LGBTQIA+ community ay intersectional. Hindi siya naka-pokus sa isang area lamang.”

Sa ating unang episode, makikilala natin sina Eli at Aldrin, mga LGBTQIA+ advocates mula sa UPLB Babaylan, kung saan tatalakayin at palalalimin nila ang mga pinaglalaban ng sangkabaklaan. 🏳️‍🌈

Maantig sa 🌻 nina Eli at Aldrin, na magtatapos ng BS Food Science and Technology at BA Communication Arts Major in Theatre Arts.



Para sa ating unang episode, matutunghayan natin ang kuwentong tagumpay nina Eli at Aldrin, mga LGBTQIA+ advocates mula ...
15/07/2025

Para sa ating unang episode, matutunghayan natin ang kuwentong tagumpay nina Eli at Aldrin, mga LGBTQIA+ advocates mula sa UPLB Babaylan.

Abangan ang 🌻 nila, mamayang alas-siyete ng gabi sa Radyo DZLB Ang Tinig ng Kaunlaran!



Magbabalik ang   🌻kung saan ibibida naman ang samahan ng iba’t-ibang grupo ng mga iskolar para sa bayan na nagsilbing sa...
14/07/2025

Magbabalik ang 🌻kung saan ibibida naman ang samahan ng iba’t-ibang grupo ng mga iskolar para sa bayan na nagsilbing sandingan para sa isa’t isa. Ngayong Season 3, itatampok ang mga kuwento ng pagpupunyagi at pagkakaibigan na nagbigay-lakas na ipagpatuloy ang kani-kanilang buhay-kolehiyo at itaguyod ang kani-kanilang mga adbokasiya.

Abangan ang mga nakaka-inspire at natatanging kuwento ng ating apat na grupo ng mga isko na nagpamalas ng talino, tapang, at talento para sa serbisyo publiko.

Magsama-sama tayo mula alas-syete ng gabi, simula bukas, ika-15 hanggang ika-18 ng Hulyo 2025 upang subaybayan para sa mga bagong Kuwentong Sablay, Kuwentong Tagumpay!



14/07/2025

May nagbabalik…

Ngayong Sablay 2025, mas maraming kwento ang maririnig – dahil sa buhay-kolehiyo, hindi ka nag-iisa.

Abangan bukas! 🌻




Kokonek na mamayang hapon, July 14, sa ating online tambayan na ISKOnek: Iskolars Konek ang mga iskolar na sina Seph at ...
14/07/2025

Kokonek na mamayang hapon, July 14, sa ating online tambayan na ISKOnek: Iskolars Konek ang mga iskolar na sina Seph at Ash dala ang kanilang mga kwento at pagtampok ng talento🎭🍿

Abangan sila sa Radyo DZLB Ang Tinig ng Kaunlaran FaceBook Page. 📡


WEATHER ALERT | Asahan ang pag-ulan at thunderstorms sa Laguna, Cavite, at Rizal hanggang mamayang alas-10 ng gabi.Yan a...
13/07/2025

WEATHER ALERT | Asahan ang pag-ulan at thunderstorms sa Laguna, Cavite, at Rizal hanggang mamayang alas-10 ng gabi.

Yan ay ayon sa Thunderstorm Watch ng DOST-PAGASA na inilabas kaninang alas-10 ng umaga.

Habang sinusulat ang balitang ito, nakararanas na ng malakas na pag-ulan ang ilang mga bahagi ng lalawigan ng Laguna.


Bumaha sa ilang mga bahagi ng Calamba City, Laguna ngayong Sabado ng hapon, 12 Hulyo 2025, dahil sa nararanasang patuloy...
12/07/2025

Bumaha sa ilang mga bahagi ng Calamba City, Laguna ngayong Sabado ng hapon, 12 Hulyo 2025, dahil sa nararanasang patuloy na pag-ulan, base sa mga larawan at video mula sa Calamba Traffic Management Division.


KURYENTE ALERTMawawalan ng serbisyo ng kuryente ang mga lugar na sakop ng First Laguna Electric Cooperative (FLECO) -- a...
09/07/2025

KURYENTE ALERT

Mawawalan ng serbisyo ng kuryente ang mga lugar na sakop ng First Laguna Electric Cooperative (FLECO) -- ang mga bayan ng Paete, Pakil, Pangil, Siniloan, Famy, Mabitac, at Sta. Maria -- sa Sabado, 12 Hulyo 2025, mula 6am hanggang 6pm.

Ayon sa National Grid Corporation of the Philippines o NGCP, magsasagawa sila ng maintenance activities sa Lumban-Famy 69kV line sa naturang araw.


08/07/2025
07/07/2025

Tampok ngayong hapon, June 7, sa ating online tambayan na ISKOnek: Iskolars Konek ang makabuluhang kwento at talentong hatid ng mga natatanging iskolar na sina Seph, John, at Kervin. 🎭🎸

Abangan sila sa Radyo DZLB Ang Tinig ng Kaunlaran FaceBook Page. 📡

07/07/2025

📣 Happening Today!

Be part of the conversation that shapes the future of Philippine agriculture! 🌾
The College of Economics and Management (CEM), UPLB invites you to a Public Town Hall Meeting on RA 12215: The Philippine Agriculturists Act of 2025.

🗓 Today, July 7
🕐 1:00 PM
📍 REDREC Auditorium, CEM, UPLB
💻 Also on Zoom

💬 Can’t make it in person? No worries!
Catch it live, wherever you are!
The event will also be livestreamed via the official channels of Radyo DZLB – Ang Tinig ng Kaunlaran, UPLB’s community and educational radio station:

🔗 Facebook: facebook.com/RadyoDZLB
📺 YouTube: youtube.com/
Make your voice count. Join the movement.

🔗 Register now: bit.ly/TownHallRA12215

06/07/2025

EDITORYAL | Totoo sa isa sa kanyang mga naging linyahan noong nakaraang kampanyahan, ang naging unang executive order ni Laguna Governor Sol Aragones: Bawal Ang Mataray Sa Ospital ng Laguna.

Bagaman maganda ang hangarin ng kautusang ito, ang Bawal ang Mataray executive order ni Governor Aragones ay kagyat ngunit panandaliang aksyon at solusyon pa lamang.

Kailangang matunton ang mga pangunahing suliranin at mga mabibigat na pasanin ng ating mga healthcare workers.

Address

College

Telephone

+63495362433

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Radyo DZLB Ang Tinig ng Kaunlaran posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Radyo DZLB Ang Tinig ng Kaunlaran:

Share

Category

RADYO DZLB: Ang Tinig ng Kaunlaran

DZLB 1116 kHz AM is the community and educational radio station of the University of the Philippines Los Baños. Managed by the Department of Development Broadcasting and Telecommunication of the College of Development Communication, Radyo DZLB has been the “Voice of Development” for more than 50 years, airing development-oriented programs that address the information needs of its listeners through community participation and social action.