01/06/2016
Isang Sermon Mula sa Isang Senyor.
O, 'kala ko bakasyon na ba't napasok ka pa rin?
Advance? Advance na naman? Akala ko ba nagadvance ka na last year? Aba baka matapos mo ng tatlong taon ang engineering!
Bagsak ka ano? Utoy, wag nang mag-deny, normal yan sa CEn. Hanggang ngayon, mas gusto ko pa rin ung mas astig na COE e. 'Di bale mabalik tayo sa iyo boy, nasasabi ko na, 'di ka na nadala. E pa'no high school ka pa rin kung umasta. Anong sa tingin mo, ipapasa kayong lahat 'pag lahat kayo mababa? Inadjust na yun boy, 74.9 ka pa din ano ba naman 'yan?
Puro ka galit, puro ka reklamo, napakatamad mo namang mag-aral! Aba e, may hangganan rin 'yang kabaitan ng kinokopyahan mo. Ikaw pa ang masama ang loob pag 'di mo maintindihan kung alin ang 4 o 9 sa sulat n'ya e ikaw nga 'tong finals na e 'di mo pa alam itype yung secant sa calcu. Ano ba naman 'yan???
Zero ka daw sa thermo? E pano ba naman boy, yung PV=MRT nang katabi mo wala kang idea, LRT ang tingin mo, e Blumentrit nga ang masasagot mo nyan.
Ilang beses ko ba naman sasabihin, ang attendance, sandata mo yan nang limang taon. Ano ba naman 'yung pumasok ka ng ilang oras, nagpoporn ka lang naman sa boarding house.
O 'yan, ay 'di tigang ka lalo ngayong summer? Tsk. Bayae na, andiyan na e. Aral na ha? Sila Popoy at Basya hangang Second Chance lang, baka ibagsak mo pa 'yang summer mo. O sya, hanggang dito na muna baka naglulupasay ka na diyan. Bawi na lang mga tutoy, nine. Agosto pa pasukan, makakapagselfie pa kayo, sa tag-ulan.
Tunay na nagmamahal,
Senyor Pilo.