The Kingfisher SLSU

The Kingfisher SLSU The Official Student Publication of Southern Luzon State University - Main Campus fliphtml5.com/homepage/kaxpn

Excess Baggage// Lira Jane Abulencia | ArachneEach semester is another flight, and survival has always weighed more than...
08/08/2026

Excess Baggage
// Lira Jane Abulencia | Arachne

Each semester is another flight, and survival has always weighed more than the journey itself.

In 2017, Republic Act No. 10931 or the Universal Access to Quality Tertiary Education Act, opened the doors of higher education to millions of Filipino students, yet free education never erased the hidden costs of staying in a university, leaving many students carrying burdens beyond the classroom.

Studying in Southern Luzon State University (SLSU) became my greatest reality check, as tuition may no longer be a burden, but making ends meet exacts its own toll, with sacrifices quietly accumulating semester after semester.

Every admission season at SLSU reflects this reality, as thousands of aspiring students line up as early as midnight just to secure a slot, only to discover that acceptance is merely the first checkpoint before carrying the heavier load beyond the university gates.

The underlying expenses of higher education also persist, especially for students from distant municipalities across Quezon and nearby provinces who shoulder boarding house rent, transportation, utilities, daily expenses, and academic requirements.

Although scholarships and financial assistance provide relief, delayed releases force recipients to borrow money, stretch already limited budgets, and endure until support finally arrives after the burden was carried, while countless others navigate college without any assistance at all.

These baggage remind me how government investment cannot end with free tuition alone because supporting students also means providing timely financial assistance, affordable living conditions, accessible transportation, and reliable support systems that allow learning to take priority over survival.

As another academic year begins, students deserve to spend each semester pursuing the dreams that brought them to the university instead of carrying burdens of a supposedly free education yet suffocating, heavy, and expensive in hindsight.

I hope one day, no student will ever have to abandon their dreams mid-flight simply because the weight of their survival baggage became heavier than the opportunity education promised.

// layout by Julius Ladines


ADVISORY | SLSU, lilipat sa asynchronous learning sa Agosto 8-9Dahil sa umiiral na masamang panahon, pansamantalang isas...
08/08/2026

ADVISORY | SLSU, lilipat sa asynchronous learning sa Agosto 8-9

Dahil sa umiiral na masamang panahon, pansamantalang isasagawa sa asynchronous learning ang lahat ng klase sa Southern Luzon State University (SLSU) sa iba’t ibang kolehiyo at kampus sa Sabado at Linggo, Agosto 8-9.

Alinsunod sa Kautusan Memorandum blg. 010 s. 2026, inaasahang kumpletuhin ng mga mag-aaral ang mga gawaing itatalaga ayon sa itinakdang iskedyul, habang magsusumite naman ang mga kawani ng Accomplishment Report kaugnay ng Work From Home (WFH) arrangement.

Ipinatupad ang hakbang na ito bilang pag-iingat sa mga panganib na dulot ng masamang panahon at upang matiyak ang pagpapatuloy ng mga gawaing pang-akademiko.

// ulat ni Leanne Claryz Coronado

WALANG PASOK | Panghapon na klase, sinuspinde ng SLSU; mga estudyante, manggagawa, pinag-iingatPara sa kaligtasan ng pam...
07/08/2026

WALANG PASOK | Panghapon na klase, sinuspinde ng SLSU; mga estudyante, manggagawa, pinag-iingat

Para sa kaligtasan ng pamayanang pang-unibersidad kasunod ng naganap na lindol, sinuspinde ng Southern Luzon State University (SLSU) ang mga klase at trabaho sa lahat ng kampus simula alas-12 ng tanghali ngayong Agosto 7.

Alinsunod sa Kautusang Memorandum Blg. 102, s. 2026, isinagawa ang suspensyon batay sa rekomendasyon ng Quezon Provincial Emergency Response (QPER) dahil sa posibilidad ng aftershock at iba pang panganib dulot ng lindol.

Gayunpaman, maaaring magpatuloy sa kanilang tungkulin ang mga kawani na kabilang sa mahahalagang serbisyo, habang hinihikayat ang lahat na manatiling mapagmatyag at sumunod sa mga abiso ng awtoridad.

// ulat ni Micaela Palambiano

PASADA. Iba't iba man ang ruta, iisa pa rin ang patutunguhan—ang maihatid sa ginhawa ang pamilya.// kuhang larawan at pa...
06/08/2026

PASADA. Iba't iba man ang ruta, iisa pa rin ang patutunguhan—ang maihatid sa ginhawa ang pamilya.

// kuhang larawan at panulat ni Leonard Kurt Perez

ADVISORY | SLSU, nagdeklara ng async classes sa Agosto 10-11Kaugnay ng selebrasyon ng ika-62 anibersaryo ng Southern Luz...
06/08/2026

ADVISORY | SLSU, nagdeklara ng async classes sa Agosto 10-11

Kaugnay ng selebrasyon ng ika-62 anibersaryo ng Southern Luzon State University (SLSU), inanunsyo ng unibersidad ang pagsasagawa ng asynchronous classes sa lahat ng kolehiyo at kampus sa Lunes at Martes, Agosto 10-11.

Samantala, inaasahan din ang pakikilahok ng mga mag-aaral sa gaganaping TABSUNG 2026, SLSU Students' Night, at Gender and Development (GAD) Seminar.

// ulat ni Einna Ratio

Trash TalkTuwing nagsisilbing patalim ang mga salita, ang tanging nasasambit sa sarili, “Ayos lang ‘yan, malayo sa bituk...
05/08/2026

Trash Talk

Tuwing nagsisilbing patalim ang mga salita, ang tanging nasasambit sa sarili, “Ayos lang ‘yan, malayo sa bituka,” at ibabaon sa likhang-isip na espasyo para sa mga bagay na walang katuturan.

Dito, ililibing ko ang bawat insultong tila napakadaling dumulas sa dila nila. At hihinga nang malalim, sa pag-asang sapat na ang pamamanhid upang hindi na maramdaman ang muling pagdugo ng mga sugat.

Sa ganitong paraan, aakalain kong matatabunan na lamang ito ng alikabok sa paglaon ng panahon. Ngunit hindi ito tuluyang mabubulok, hangga’t patuloy kong bitbit-bitbit sa likod ang bigat sa bawat araw na ginawa ng Diyos.

// panulat ni Monica Pasco
// dibuho ni John Mark Landicho

Yuyans! Saan nakalista ang pangalan mo?😢 - Mga bayarin😆 - Acknowledgement receipts // dibuho ni Superman
04/08/2026

Yuyans! Saan nakalista ang pangalan mo?

😢 - Mga bayarin
😆 - Acknowledgement receipts

// dibuho ni Superman

TINGNAN | Pormal na sinimulan ng Southern Luzon State University-Supreme Student Council Federation ang unang araw ng AS...
03/08/2026

TINGNAN | Pormal na sinimulan ng Southern Luzon State University-Supreme Student Council Federation ang unang araw ng ASCEND 2026 sa pamamagitan ng Awarding, Oath-Taking, at Turnover Ceremony bilang pagsisimula ng panibagong kabanata ng pamumuno, Ago. 3.

// panulat ni Micaela Palambiano
// kuhang larawan ni Leonard Kurt Perez

Sa pagdiriwang ng ika-62 taong anibersaryo ng pagkakatatag ng Southern Luzon State University, ipinagbubunyi ang higit a...
03/08/2026

Sa pagdiriwang ng ika-62 taong anibersaryo ng pagkakatatag ng Southern Luzon State University, ipinagbubunyi ang higit anim na dekadang paglilingkod sa edukasyon.

Taos-pusong bumabati ang The Kingfisher, opisyal na pang-estudyanteng pampahayagan ng pamantasan, sa buong pamayanang SLSU sa patuloy nitong pagtataguyod ng kahusayan sa edukasyon, paglinang sa talento ng bawat mag-aaral, at pagtataguyod ng kaunlaran ng lipunan.

Sa panibagong yugto ng kasaysayan ng unibersidad, nawa’y manatili itong tapat sa mga tungkulin nito, mapangalagaan ang kapakanan ng buong pamayanan, at patuloy na makapagluwal ng mga indibidwal na may kakayahan, integridad, at pusong handang maglingkod sa bayan.

// panulat ni Micaela Palambiano
// layout/art by Ashley Jean Soberon

 Brand new day | buboy
03/08/2026


Brand new day | buboy

Address

Lucban/Tayabas Road
Lucban
4328

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when The Kingfisher SLSU posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share