14/07/2026
PAGPUPUGAY SA LAHAT NG KABALIKAT CIVICOM SA BUONG DAIGDIG
Isang taos-pusong pagpupugay sa lahat ng mga Kabalikat CIVICOM sa buong daigdig!
Kayo ang mga tahimik na bayani na laging handang tumugon sa tawag ng tungkulin. Sa bawat oras ng sakuna, kalamidad, malalaking pagtitipon, at mga pagkakataong nangangailangan ng agarang aksyon, ipinapakita ninyo ang tunay na diwa ng boluntaryong paglilingkod.
Hindi man palaging nakikita o nabibigyan ng pagkilala ang inyong mga sakripisyo, nananatili kayong matatag, disiplinado, at tapat sa panunumpang maglingkod para sa kapakanan ng komunidad. Ang inyong malasakit, katapangan, at dedikasyon ay nagsisilbing inspirasyon sa marami.
Patuloy nating itaas ang dangal ng CIVICOM sa pamamagitan ng marangal, tapat, at makataong paglilingkod. Nawa'y manatili tayong nagkakaisa sa iisang layunin ang maging tunay na kabalikat ng pamahalaan at ng bawat mamamayan sa pagpapanatili ng kaayusan, kaligtasan, at kapayapaan.
Mabuhay ang lahat ng Kabalikat CIVICOM sa buong mundo!
"Hindi lamang tayo boluntaryo, tayo ay mga lingkod ng bayan na handang tumugon, anumang oras, saan mang lugar."
Courtesy of sir Duke Maggay