24/12/2025
๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐
Hindi lamang sa pagbabantay at pagpapanatili ng kaayusan sa loob ng mall nakatuon ang mga tauhan ng Customer Relation Service (CRS) at security force ng SM City Lucena, kundi maging sa pagtulong sa mga nangangailangan, lalo na sa panahon ng Kapaskuhan.
Nagyong bisperas ng Pasko, Disyembre 24, kabuuang 41 pamilya ang pinagkalooban ng noche buena packages bilang bahagi ng taunang outreach program ng CRS ng SM City Lucena. Naging masaya at makabuluhan ang aktibidad matapos maghanda ang mga security personnel ng isang simpleng programa na tampok ang group dance, awiting pampasko, at mga palaro para sa mga benepisyaryo.
Bilang dagdag-saya, almusal mula sa Jollibee ang inihain sa mga pamilya na lalong nagpatingkad sa diwa ng pagbibigayan at malasakit.
Ayon sa pamunuan, taon-taon nang isinasagawa ang ganitong uri ng programa kung saan nag-aambagan ang mga tauhan ng CRS at security force upang makalikom ng sapat na pondo para sa kanilang handog sa mga piling pamilya. Layunin nitong maipadama na ang tunay na serbisyo ay hindi lamang nasusukat sa pagbibigay ng seguridad, kundi pati sa malasakit at pagtulong sa kapwa.
Sa simpleng paraan, muling pinatunayan ng CRS at security force ng SM City Lucena na buhay ang diwa ng bayanihan at pagmamalasakit, lalo na sa mga panahong higit na kailangan ng tulong at pag-asa.