1188 DZLT Radyo Pilipino Lucena

1188 DZLT Radyo Pilipino Lucena Kami ang DZLT Radyo Pilipino 1188. Kabahagi mo sa balita at impormasyon nasaang panig ka man ng mundo. Radyo Pilipno, ang Radyo ng Pilipino!

KOOLOG, KID LAT, HATAW!🕺🏻🏐Kilalanin ang opisyal na mascots ng  , na gaganapin dito mismo sa Pilipinas. |   📸: FIVB
15/08/2025

KOOLOG, KID LAT, HATAW!🕺🏻🏐

Kilalanin ang opisyal na mascots ng , na gaganapin dito mismo sa Pilipinas. |

📸: FIVB

RANDOM DRUG TESTING SA MGA EMPLEYADO NG SENADO, PANAWAGAN NI SOTTONanawagan si Senate Minority Leader Vicente “Tito” Sot...
15/08/2025

RANDOM DRUG TESTING SA MGA EMPLEYADO NG SENADO, PANAWAGAN NI SOTTO

Nanawagan si Senate Minority Leader Vicente “Tito” Sotto III nitong Biyernes na ibalik ang pagpapatupad ng random drug testing para sa lahat ng empleyado ng Senado kasunod ng ulat na isang staff ni Senador Robin Padilla ang umano’y gumamit ng ma*****na sa loob ng gusali.

Ayon kay Sotto, na dating nagsagawa ng ganitong patakaran bilang Senate President noong 18th Congress, layon nitong matiyak na walang ilegal na droga sa mga empleyado at mambabatas.

Lumabas sa ulat ng Office of the Sergeant-at-Arms (OSAA) na si Nadia Montenegro, public officer affairs ni Padilla, ang tanging tao na nakita sa lugar nang madetect ang amoy ng ma*****na sa ladies’ restroom sa ika-limang palapag ng Senado.

Mariin namang itinanggi ni Montenegro ang paratang at iginiit na v**e lamang ang dala niya.

Sa kasalukuyan, binibigyan siya ng limang araw para magsumite ng paliwanag habang naka-leave at nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Senado at kampo ni Padilla. |

Para sa iba pang balita, siguraduhing naka-like at follow sa official accounts ng Radyo Pilipino.

MGA SALITANG FILIPINO NA WALANG DIREKTANG KATUMBAS SA INGLESMay mga salitang Filipino na hindi kayang isalin nang eksakt...
15/08/2025

MGA SALITANG FILIPINO NA WALANG DIREKTANG KATUMBAS SA INGLES

May mga salitang Filipino na hindi kayang isalin nang eksakto sa Ingles, mga salitang puno ng damdamin, kasaysayan, at kultura.
Ngayong Buwan ng Wika, alalahanin natin na ang bawat salita ay pamana, at ang bawat pamanang ito ay sa atin. 🇵🇭

Kaya naman alamin natin ang ilan sa mga salitang walang direktang katumbas sa Ingles. |

Asahan ang katamtaman hanggang malakas na buhos ng ulan na may kasamang pagkidlat at malalakas na bugso ng hangin sa mga...
15/08/2025

Asahan ang katamtaman hanggang malakas na buhos ng ulan na may kasamang pagkidlat at malalakas na bugso ng hangin sa mga susunod na dalawang oras sa mga sumusunod na lugar: Bataan, Batangas, Metro Manila, at Cavite

Ito ay ayon sa pinakahuling weather advisory ng na inilabas dakong 4:37 ng hapon ngayong Biyernes, Agosto 15, 2025. |

LALAKING LASING, NATAGPUANG PALUTANG-LUTANG SA DAGATPatay na nang matagpuan ang isang lalaki sa baybayin ng Barangay Was...
15/08/2025

LALAKING LASING, NATAGPUANG PALUTANG-LUTANG SA DAGAT

Patay na nang matagpuan ang isang lalaki sa baybayin ng Barangay Washington, Surigao City ngayong Agosto 15.

Ayon sa inisyal na ulat ng pulisya, nakita umano ang biktima noong Agosto 14 na lasing at naglalaro ng boloy-boloy, isang larong tubig. Pinaniniwalaang nahulog ito sa dagat at nalunod.

Kasalukuyan nang isinasagawa ng mga awtoridad ang post-mortem examination upang matukoy ang tunay na sanhi ng kanyang pagkamatay. |

📸: SCPS

DIGITAL NATIONAL SENIOR CITIZENS ID, INILUNSAD SA PAMAMAGITAN NG eGovPH SUPER APPTINGNAN | Inilunsad ng National Commiss...
15/08/2025

DIGITAL NATIONAL SENIOR CITIZENS ID, INILUNSAD SA PAMAMAGITAN NG eGovPH SUPER APP

TINGNAN | Inilunsad ng National Commission of Senior Citizens (NCSC) at Department of Information and Communications Technology (DICT) ang digital National Senior Citizens ID (NSCID) sa pamamagitan ng eGovPH Super App sa Manila Hotel nitong Biyernes, Agosto 15, 2025.

Layunin ng digital NSCID na gawing mas madali para sa mga nakatatandang Pilipino ang pag-access sa kanilang mga karapatan at benepisyo, kabilang ang diskuwento, serbisyong pangkalusugan, at pribilehiyo sa transportasyon at retail. |

Courtesy: Yancy Lim/PNA

Para sa iba pang balita, siguraduhing naka-like at follow sa official accounts ng Radyo Pilipino.

PETISYON LABAN SA PAGPAPALIBAN NG BSKE, INIHAIN NI MACALINTAL SA KORTE SUPREMANaghain si election lawyer Atty. Romulo Ma...
15/08/2025

PETISYON LABAN SA PAGPAPALIBAN NG BSKE, INIHAIN NI MACALINTAL SA KORTE SUPREMA

Naghain si election lawyer Atty. Romulo Macalintal ng petisyon sa Korte Suprema upang ideklarang labag sa Konstitusyon ang batas na nagpapaliban sa nakatakdang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) ngayong Disyembre.

Iginiit ni Macalintal na taliwas ito sa naging desisyon ng Korte Suprema noong 2023, na nagbabawal sa pagpapaliban ng halalan nang walang sapat na dahilan.

Aniya, ang hakbang na ito ay bunga lamang ng mga pangakong politikal ng ilang mambabatas sa kanilang mga kaalyadong opisyal sa barangay at SK na tumulong sa kanilang panalo noong nakaraang halalan.

Humiling din siya ng temporary restraining order habang dinidinig ang ka*o.

Samantala, sinabi ni Comelec Chairman George Garcia na makabubuti ang naturang petisyon upang agad na malinawan ang magiging takbo ng BSKE. |

Para sa iba pang balita, siguraduhing naka-like at follow sa official accounts ng Radyo Pilipino.

DEVELOPING STORY: TRUCK, DALAWANG SUV, SEDAN, AT MOTORSIKLO, NAGKARAMBOLA SA NAGTAHAN MABINI BRIDGEPatuloy ang isinasaga...
15/08/2025

DEVELOPING STORY: TRUCK, DALAWANG SUV, SEDAN, AT MOTORSIKLO, NAGKARAMBOLA SA NAGTAHAN MABINI BRIDGE

Patuloy ang isinasagawang pagresponde ng Manila City Disaster Risk Reduction and Management Office sa isang aksidente na kinasasangkutan ng isang truck na may kargang tangke ng langis, dalawang SUV, isang sedan, at isang motorsiklo sa Nagtahan–Mabini Bridge, August 15, 2025.

Batay sa inisyal na ulat, tatlong katao ang napaulat na nasugatan at kasalukuyang nilalapatan ng paunang lunas.

Makikita ang wasak na harapang bahagi ng truck na nakasadsad sa gilid ng tulay habang patuloy ang clearing operations sa lugar ng insidente. |

Courtesy: Manila DRRM Office

Para sa iba pang balita, siguraduhing naka-like at follow sa official accounts ng Radyo Pilipino.

GCASH AT MAYA, TATANGGALIN ANG LINKS SA ONLINE GAMBLING PLATFORMS SA LOOB NG APPSInihayag ng e-wallet na GCash at Maya n...
15/08/2025

GCASH AT MAYA, TATANGGALIN ANG LINKS SA ONLINE GAMBLING PLATFORMS SA LOOB NG APPS

Inihayag ng e-wallet na GCash at Maya na simula alas-8 ng gabi sa Sabado, Agosto 16, ay tatanggalin na nila ang lahat ng link patungo sa mga online gambling platform mula sa kanilang mobile applications, bilang pagtupad sa direktiba ng Bangko Sentral ng Pilipinas.

Pinapayuhan ang mga user na i-withdraw na ang kanilang pondo pabalik sa e-wallet bago ang itinakdang oras.

Pagkatapos nito, ang pag-withdraw patungong GCash o Maya wallet ay maaari na lamang isagawa sa mismong website o application ng kaukulang online gambling platform. |

Courtesy: GCash, Maya (Screenshots)

Para sa iba pang balita, siguraduhing naka-like at follow sa official accounts ng Radyo Pilipino.

DEBRIS NG ROCKET NA MAY WATAWAT NG CHINA, NATAGPUAN SA OCCIDENTAL MINDOROTINGNAN | Narekober ng Philippine Coast Guard a...
15/08/2025

DEBRIS NG ROCKET NA MAY WATAWAT NG CHINA, NATAGPUAN SA OCCIDENTAL MINDORO

TINGNAN | Narekober ng Philippine Coast Guard ang tinatayang 10 talampakan ang lapad at 14 na talampakang haba na rocket debris na gawa sa alloy material sa baybayin ng Sitio Gunting, Barangay Bonbon, Looc, Occidental Mindoro noong Agosto 14.

Mayroon itong nakapintang watawat ng China at pinaniniwalaang may kaugnayan sa Long March 7A rocket launch ng China na isinagawa mula Hulyo 15 hanggang 17. |

Courtesy: PCG

Para sa iba pang balita, siguraduhing naka-like at follow sa official accounts ng Radyo Pilipino.

15/08/2025

PULSUHAN NATIN 'YAN: Tinanggihan ng Malacañang ang alok ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong na pangunahan ang imbestigasyon sa umano’y katiwalian sa mga proyekto sa pagpigil ng baha, sa pagsasabing hindi na kailangan magtalaga ng pangunahing imbestigador

With Special Guest:
Mayor Benjie Magalong
Mayor, Baguio City

Pulsong Pinoy, Ben Paypon. Kabahagi ng bawat Pilipino, ang programang magbibigay linaw sa mga katanungan tungkol sa pulitika at iba pang mga usapin.

Pulsuhan natin yan!


8 A*O, PATAY SA SUNOG SA PAUPAHANG BAHAY SA NUEVA VIZCAYAWalong alagang a*o, kabilang ang isang inang shih-tzu at ang pi...
15/08/2025

8 A*O, PATAY SA SUNOG SA PAUPAHANG BAHAY SA NUEVA VIZCAYA

Walong alagang a*o, kabilang ang isang inang shih-tzu at ang pitong anak nito, ang nasawi sa sunog na tumupok sa isang inuupahang bahay sa Barangay San Geronimo, Bagabag, Nueva Vizcaya noong Agosto 14, 2025.

Batay sa imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection, nagsimula ang apoy sa isang electric fan na nakatutok sa a*o at posibleng nag-overheat bago pumutok ang mga bombilya, na mabilis kumalat dahil sa kahoy na pader.

Sinubukan umano ng may-ari na iligtas ang mga alaga ngunit bumalik ang inang a*o sa kanyang mga anak na tuta, dahilan upang lahat sila ay masawi.

Pinaalalahanan naman ng mga awtoridad na iwasang patagalin ang paggamit ng electric fan upang maiwasan ang ganitong trahedya. |

Courtesy: BFP Bagabag and PNP Bagabag

Para sa iba pang balita, siguraduhing naka-like at follow sa official accounts ng Radyo Pilipino.

09/08/2025

With Special Guest:
MR. NILO F. OMILLO
CEO/PRESIDENT
OMNILAND CORPORATION

LIMANG PALATANDAAN NG KIDNEY CANCER INISA-ISA NG MGA EKSPERTO.

PINAY PHD HOLDER HUMAKOT NG AWARDS MULA SA ISANG FRENCH UNIVERSITY SA EVENT NA GINANAP SA BANGKOK, THAILAND.

AND TECHNOLOGY

GAANO KATAGAL AABUTIN ANG BIYAHE KUNG KOTSE ANG GAGAMITIN PAPUNTA SA BUWAN?



BAKIT HINDI MAKALAKAD ANG MGA PANIKI? SAAN MAY KAKAIBANG MUSIC SCHOOL NA KAKIKITAAN SA MGA HIGANTENG MUSIC INSTRUMENT? ANONG DINOSAUR ANG MAY UTAK DAW NA SINGLIIT LAMANG NG WALNUT?

TO REMEMBER

ANO ANG ILAN SA MGA PALPAK NA PAYONG DAPAT IWASAN UPANG UMASENSO AT HINDI SUMABLAY?



KAILAN AT SAAN SINASABING NAGANAP ANG KAKAIBANG “PREGNANCY TEST” SA KABABAIHAN NOON? SINO ANG REYNA NA BAWAL DAW HAWAKAN KUNG KAYA’T NANG NALULUNOD – HINAYAAN LANG NG KANYANG BODYGUARDS?

TITSER

GABAY SA TIKTOK AFFILIATE NA BUMILI NG SALAMIN PANG-WHOLE BODY PERO BASAG ANG DELIVERED NG RIDER/SELLER.

For more lessons, quotes tips, and trivia tune in to Professor on Air every Saturday 10-11am at Radyo Pilipino! LIKE, FOLLOW, & SHARE

https://www.facebook.com/radyopilipino
and
https://www.facebook.com/ProfessorOnAir1971

09/08/2025

On Air Now: Kidlat ng mga Balita (August 9, 2025)
HOST: Kidd Maas

09/08/2025

On Air Now: Usapang Lalaki (August 9, 2025)
HOST: Ace Fernandez

$446M DIRECT INVESTMENTS, IUUWI NI PBBM MULA INDIANakapag-secure si Pangulong Bongbong Marcos ng $446 milyon o mahigit P...
08/08/2025

$446M DIRECT INVESTMENTS, IUUWI NI PBBM MULA INDIA

Nakapag-secure si Pangulong Bongbong Marcos ng $446 milyon o mahigit P25 bilyong halaga ng mga direct investment pledges mula sa kanyang five-day state visit sa India.

Ayon sa Pangulo sa isang media briefing, bago umuwi sa Pilipinas, umaabot sa $5.6 hanggang $5.7 bilyon ang potensiyal na investment mula sa India. |

Para sa iba pang balita, siguraduhing naka-like at follow sa official accounts ng Radyo Pilipino.

08/08/2025

PULSUHAN NATIN 'YAN: Naghain ngayong araw ng 'Motion for Reconsideration' sa Korte Suprema ang Makabayan bloc kaugnay ng isyu ng impeachment laban kay Vice President Sara Duterte

With Special Guest:
Rep. France Castro
Representative, ACT Teachers Party-list

Pulsong Pinoy, Ben Paypon. Kabahagi ng bawat Pilipino, ang programang magbibigay linaw sa mga katanungan tungkol sa pulitika at iba pang mga usapin.

Pulsuhan natin yan!

Pulsong Pinoy. Kasama ang kabahagi mo, Ben Paypon.




08/08/2025

Kilalanin si Mark Ashley Fajardo, isang pambatong amateur boxer mula sa Talisay, Cebu na ngayon ay unti-unting gumagawa ng pangalan sa international boxing scene!

With Special Guest:
Mark Ashley Fajardo
Philippine National Amateur Boxer

Sumabay sa bilis ng balita! Kwentong sports, showbiz, at trending topics, lahat dito!

Fastrack Friday, 11:00am–12:00nn, kasama si Mhet Miñon sa Serbisyo Todo Todo!



HAPPY INTERNATIONAL CAT DAY!😻 Today is all about our purring VIPs — Very Important Pusa! May sariling mundo, sariling or...
08/08/2025

HAPPY INTERNATIONAL CAT DAY!😻

Today is all about our purring VIPs — Very Important Pusa!

May sariling mundo, sariling oras, at sariling attitude… pero mahal pa rin natin sila nang walang tanong! Happy International Cat Day sa mga tunay na bossing ng bahay!🐈‍⬛|

08/08/2025

On Air Now: Kidlat ng mga Balita (August 8, 2025)
HOST: Kidd Maas

SENATE VOTE ON VP SARA IMPEACHMENT CASE HIGHLIGHTS Sa naganap na sesyon ng Senado hinggil sa pagtatalakay ng impeachment...
07/08/2025

SENATE VOTE ON VP SARA IMPEACHMENT CASE HIGHLIGHTS

Sa naganap na sesyon ng Senado hinggil sa pagtatalakay ng impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte, naging mainit ang diskusyon ng ilang senador ukol dito. Balikan ang ilan sa highlights ng naging usapin sa senado. |

Para sa iba pang balita, siguraduhing naka-like at follow sa official accounts ng Radyo Pilipino.

07/08/2025

PULSUHAN NATIN 'YAN: Panayam ni UP College of Law Assistant Professor Paolo Tamase kaugnay sa pag-archive ng Senado sa impeachment case ni Vice President Sara Duterte

With Special Guest:
Atty. Paolo Tamase
Assistant Professor, UP College of Law

Pulsong Pinoy, Ben Paypon. Kabahagi ng bawat Pilipino, ang programang magbibigay linaw sa mga katanungan tungkol sa pulitika at iba pang mga usapin.

Pulsuhan natin yan!

Pulsong Pinoy. Kasama ang kabahagi mo, Ben Paypon.




07/08/2025

Silid-Aralan sa Kalsada:
Kilalanin si Rowena Villareal, ang babaeng nasa likod ng ‘Backpack of Life’ – isang adbokasiyang nagbibigay ng libreng edukasyon sa mga batang nasa laylayan

With Special Guest:
Ms. Rowena Villareal
Founder, Backpack of Life

Problema mo, bibigyang pansin!
Mga isyu sa komunidad, isinasapubliko!

Huwebes Serbisyo, 11:00am–12:00nn, kasama si Mhet Miñon sa Serbisyo Todo-Todo!



07/08/2025

On Air Now: Kidlat ng mga Balita (August 7, 2025)
HOST: Kidd Maas

Address

Red V. Dupay
Lucena
4301

Opening Hours

Monday 5am - 8pm
Tuesday 5am - 8pm
Wednesday 5am - 8pm
Thursday 5am - 8pm
Friday 5am - 8pm
Sunday 6am - 8pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when 1188 DZLT Radyo Pilipino Lucena posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to 1188 DZLT Radyo Pilipino Lucena:

Share

Category