30/11/2025
Ngayong Linggo, Nobyembre 30, 2025, ipinagdiriwang natin ang unang Linggo ng Adbiyento. Kasabay nito ay ang pag-sindi ng unang kandila, ang Kandila ng Pag-asa (Hope) — isang paalala na sa gitna ng lahat ng pagsubok, ang liwanag ni Kristo ang patuloy na nagbibigay sa atin ng pag-asa at panibagong lakas.
Ang pagsisindi ng unang kandila ngayong araw ay pinangunahan ng pamilyang ( Cuario Family & Araneta Family) bilang mga sponsor para sa unang linggo ng Adbiyento. Maraming salamat sa kanilang paglilingkod at pagbabahagi.
✨ “Sa pagdating ng Adbiyento, muli nating sinisimulan ang paglalakbay ng pananampalataya — humahawak sa pag-asa na hatid ng Panginoon.” ✨
Crdt: John Edcel Melecia.