
05/04/2025
Dami na nagbago yung dating tropahan na kumpleto, ngayon watak watak na. Dahil sa mga kanya kanyang obligasyon sa buhay, yung iba busy sa pagtupad sa kanya kanyang pangarap.
Yung iba naman seryoso na sa kanilang binuong pamilya, yung iba naman may mga bago nang kaibigan. Ganito talaga siguro ang buhay kaya dapat na ako masanay sa mga pagbabago.
Salamat sa mga masasayang memories mga tol, alam ko darating din yung isang araw na mabubuo ulit tayo. Kahit dina tulad ng dati, makamusta ko manlang kung nasa maayos ba kayong lagay. Ingat palagi mga tropa!
Sana lahat tayo manalo sa kanya,
kanyang laban natin sa buhay.