29/05/2025
REAL TALK: Bitaw na
Kahit gaano ka pa ka ganda o ka gwapo, ka loyal, ka.honest, at ka caring kung ayaw niyang manatili, hindi siya mananatili.
Kahit ibigay mo pa lahat. kahit mahalin mo siya nang buong-buo.
Kahit ikaw na ‘yung laging nandiyan para sa kanya kung hindi ikaw ang gusto niyang piliin, wala kang magagawa.
Ang pagmamahal, hindi pinipilit. kahit gaano ka pure ang intensyon mo.
Kasi sa totoo lang, ang nag-iisang paraan para manatili ang isang tao sa’yo… ay kung gusto talaga nilang manatili.
At minsan, ang pinaka masakit at pinaka mahirap matutunan na ang totoong pagmamahal, minsan nasa pagbitaw din.
Para sa kanila, at para sa sarili mo.
Hindi mo pwedeng pilitin ang tao na manatili.
Hindi mo kailangang magmakaawa para mahalin ka.
Hindi mo pwedeng diktahan kung paano ka nila mamahalin.
Kasi ‘pag mahal ka ng isang tao, kahit mahirap, lalaban ‘yan para sa’yo.
‘Pag gusto ka nila sa buhay nila, hahanap at hahanap ‘yan ng paraan, hindi ng dahilan.
At kung hindi ka nila ipinaglalaban, lalo na kapag mahirap na, ibig sabihin… hindi ka na talaga nila gustong manatili sa buhay nila.
Kaya wag kang kakapit sa taong ayaw nang hawakan ang kamay mo.
Hindi ikaw ang sumusuko sa kanila sila ang matagal nang bumitaw.
At ikaw? deserve mo yung pagmamahal na hindi mo kailangang ipaglaban mag-isa.
Alamin kung kailan sapat na.
Alamin kung kailan dapat na talikuran ang sakit.
Kasi minsan, ang pinaka-matapang na klase ng pagmamahal ay ‘yung pagmamahal na kaya mong ibigay sa sarili mo sa pagbitaw, sa paglayo, at sa pagtanggap na hindi lahat ng minamahal natin ay para sa’tin.
And that’s okay.
.