![[2/2] ๐ง๐๐ก๐๐ก๐๐ก | Kordiwang 2025: Isang Pagtitipon ng Diwa, Wika, at PagkakaisaSa temang โPaglinang sa Filipino at Katutub...](https://img5.medioq.com/380/061/1349989093800619.jpg)
06/09/2025
[2/2] ๐ง๐๐ก๐๐ก๐๐ก | Kordiwang 2025: Isang Pagtitipon ng Diwa, Wika, at Pagkakaisa
Sa temang โPaglinang sa Filipino at Katutubong Wika: Makasaysayan sa Pagkakaisa ng Bansa,โ matagumpay na isinagawa ang Kordiwang 2025 noong Setyembre 4 sa Sacred Heart College of Lucena City, Inc. Isa itong makulay na selebrasyon ng Buwan ng Wika na nagtipon sa mga Kordeano upang ipagdiwang ang wika, sining, at kultura.
Bago pa man pormal na simulan ang programa, aktibong nakilahok ang mga mag-aaral sa Parada ng Kasuotang Pilipino suot ang mga makasaysayang kasuotan. Sinundan ito ng Pambungad na Panalangin, Pambansang Awit, at Himno ng Kolehiyo na inawit ng Chamber Singers, na nagbukas ng programa.
Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni G. Richard Vergara ang papel ng wika sa pagkakaisa:
โNagdiriwang tayo upang tayoโy magsama-sama, magkaisa, at sariwain ang ginawa ng ating mga bayani.โ
Pagkatapos ng mensahe, muling bumida ang Chamber Singers sa isang intermission number, na nagsilbing tulay patungo sa opisyal na pagsisimula ng Kordiwang 2025. Kasunod nito, ipinakilala ang mga hurado para sa mga patimpalak, na nagbigay ng kredibilidad at sigla sa mga susunod na bahagi ng programa.
Isa sa mga tampok na intermission ay ang pagtatanghal ng Cordian Cultural Dance Troupe, na nagbigay-buhay sa entablado sa pamamagitan ng tradisyonal na sayaw. Sinundan ito ng Birit Kordiano, tampok ang mga OPM vocal solo na nagpamalas ng husay at damdamin ng mga kalahok.
Bilang pagkilala sa mga naunang patimpalak, ipinamahagi nina G. Vergara, G. Eduard Mancilla at G. Earl Gicana ang mga gantimpala sa mga nanalo noong umaga.
Naghandog din ng awitin ang Talinong Kordiano Performing Arts bago isinagawa ang awarding para sa Indak: Paligsayawan at Birit Kordiano.
Tinapos ang programa sa isang pangwakas na panalanginโisang tahimik ngunit makapangyarihang pagninilay sa tagumpay ng Kordiwang 2025, na muling nagpapatunay sa kapangyarihan ng wika, sining, at pagkakaisa sa puso ng bawat kordiano.
๐๏ธ | Roan Ashaneth Barlas
๐ท | Ellysa D***s & Vinz Santos