
06/08/2025
"Krisis sa Edukasyon sa Bayan ng Infanta, Bayanihan ang Solusyon - Mayor Ruanto"
Opisyal na inilunsad ngayong araw ng Pamahalaang Bayan ng Infanta ang programang “Teacher Ko, Nanay at Tatay Ko” sa pamamagitan ng Executive Order No. 24, Series of 2025, na nilagdaan ni Mayor Lord Arnel L. Ruanto.
Ang inisyatiba ay naglalayong palakasin ang pakikilahok ng magulang sa maagang pag-aaral at holistic na pag-unlad ng bata sa buong munisipalidad.
Kinikilala ng programa ang tahanan bilang unang kapaligiran sa pag-aaral ng bata at ang mga magulang bilang kanilang panghabambuhay na g**o.
Nilalayon nitong pahusayin ang foundational literacy, itaguyod ang mga positibong halaga, at pahusayin ang home-based na pag-aaral na may malakas na pakikipagtulungan ng paaralan-pamilya-komunidad.
Kasabay nito, dumalo rin si Mayor Ruanto sa Isang pagpupulong ng Infanta National High School sa pangunguna ng kanilang principal na si Sir Calixto S.Blazo na ipinaalam sa mga magulang ang DepEd order 18,s.2025 na siyang implementing guidelines sa naturang programa kasama ang mga magulangin kaugnay sa isinasagang 'Aral Program ng Department of Education' dahil malaking tulong ang magiging papel ng parents sa ganitong programa.
Nangako naman ang nasabing paaralan na handa sila at positibo ang naging reaksyon ng mga magulang para maging katuwang ng mga g**o na matuto ang mga mag-aaral, ikinasa rin nito ang signing of commitment kasama ang mga imbitadong stakeholders na mismong si Mayor Ruanto ay naghayag ng kanyang suporta sa naturang aktibidad.
Sa mensahe ng alkalde sa harap ng mga magulang ay hinihikayat din nito ang bawat isa na gumugol ng hindi bababa sa 15 minuto sa silid-aralan ng kanilang anak upang magbasa ng mga kuwento o maglingkod bilang isang g**o.
Dagdag pa ni Ruanto, ang mga lalahok sa programa ay magkakaroon ng espesyal na pribilehiyo na makakuha ng scholarship mula sa pamahalaang munisipyo para sa kanilang mga anak.