06/07/2023
Ano ang lampara sessions?
Ang lampara sessions ay isang plataporma na ang pangunahing layunin ay palawakin at palayain ang mga natatanging piyesa ng ating mga kaibigan na buhay rin ang musika.
Ito ay binuo ng mga nagsama-samang kabataan na may pagmamahal sa sining, panitikan, at musika sa paglalayong magamit nila ito bilang pangunahing instrumento sa pagpapayabo ng mga naitatago nating himig at tunog. Gamit ang kanilang malikhaing pagbuo ng entablado, isasagawa ng lampara session ang malayang pagkuha o shoot at pag-record sa mga orihinal na kanta ng ating mga musikero't musikera nang sa gayon ay maabot nito ang mas marami pang tagapakinig.
Sa pamamagitan nito, maihahayag at mas malayang maipakikita kung paanong maraming piyesa pa rin ang nakatago't naghihintay lamang marinig at kung gaanong tunay na masigla pa rin ang larangan ng musika sa bansa na siya ring pinangungunahan ng ating mga kagalang-galang na mga manlilikha.
Muli kami ang inyong tanglaw, lampara sessions.