HYITI Balantagi

HYITI Balantagi Bearer of Truth
Official School Publication of Hyong Yang Institute of Technology Inc.

The Yangmovers delivered an outstanding performance as they competed in the grand finals of the Mothers Wonderland Dance...
16/09/2025

The Yangmovers delivered an outstanding performance as they competed in the grand finals of the Mothers Wonderland Dance Competition on September 13, 2025.

They were among the eight contestants who advanced from the semifinals. Although they did not win the championship, they still showcased the remarkable talent and spirit of true Yangsters. HYITI is so proud of you all. Congratulations YM ❀️

✍️Balantagi Adviser

HAPPY NA BIRTHDAY NYO PA!! πŸŽ‰Let the celebrations begin!We extend our warmest birthday wishes to Clarence Rovidillo and J...
15/09/2025

HAPPY NA BIRTHDAY NYO PA!! πŸŽ‰

Let the celebrations begin!

We extend our warmest birthday wishes to Clarence Rovidillo and JerryLyn Ramirez. May your birthdays be filled with joy and happiness, and may you both continue to receive blessings as you embark on the next phase of your life’s journey.

πŸ’»: Jes Ebreo

HAPPY BIRTHDAY, MA'AM KIM SANTE!Happy birthday to the Yangmovers Adviser, Ma'am Kim Sante! May this year bring you more ...
15/09/2025

HAPPY BIRTHDAY, MA'AM KIM SANTE!

Happy birthday to the Yangmovers Adviser, Ma'am Kim Sante!

May this year bring you more courage as you step into a new chapter of your life. Wishing you all the happiness and blessings you truly deserve.

Enjoy your special day, Maam Kim! We love you!

βœ’οΈ: Kreihn Catalla
πŸ’»: Jes Ebreo

ππ€ππ”ππ”πŒππ€ 𝐍𝐆 πŒπ†π€ ππ€π†πŽππ† 𝐇𝐀𝐋𝐀𝐋 𝐍𝐀 πŽππˆπ’π˜π€π‹ 𝐍𝐆 π˜π€ππ† 𝐒𝐓𝐔𝐃𝐄𝐍𝐓 π†πŽπ•π„π‘ππŒπ„ππ“, πˆπ’πˆππ€π†π€π–π€ 𝐍𝐆 π‡π˜πˆπ“πˆ 𝐒𝐀 π’π„π‹π„ππ‘π€π’π˜πŽπ 𝐍𝐆 𝐁𝐔𝐖𝐀𝐍 𝐍𝐆 π–πˆπŠπ€ ...
04/09/2025

ππ€ππ”ππ”πŒππ€ 𝐍𝐆 πŒπ†π€ ππ€π†πŽππ† 𝐇𝐀𝐋𝐀𝐋 𝐍𝐀 πŽππˆπ’π˜π€π‹ 𝐍𝐆 π˜π€ππ† 𝐒𝐓𝐔𝐃𝐄𝐍𝐓 π†πŽπ•π„π‘ππŒπ„ππ“, πˆπ’πˆππ€π†π€π–π€ 𝐍𝐆 π‡π˜πˆπ“πˆ 𝐒𝐀 π’π„π‹π„ππ‘π€π’π˜πŽπ 𝐍𝐆 𝐁𝐔𝐖𝐀𝐍 𝐍𝐆 π–πˆπŠπ€ 𝐒𝐀 𝐋𝐔𝐂𝐄𝐍𝐀 π‚πˆπ“π˜

Pormal nang nanumpa ang mga bagong halal na opisyal ng Yang Student Government (YSG) ng Hyong Yang Institute of Technology Incorporated (HYITI) sa taong panuruan 2025-2026 na inilunsad noong ika-29 ng Agosto, 2025 sa Pacific Mall Event Place, Lucena City, bilang pormal na pagpapakilala sa kanilang katungkulan.

Isinagawa ang pagpasa ng sablay at pin ng mga dating opisyal ng YSG na pinangunahan ng dating pangulo na si Nikka Quiambao, bilang tanda ng pagpasa ng responsibilidad.

Sa pangunguna naman ng bagong halal na pangulo ng YSG na si Kreihn Catalla, tinanggap nila ang ipinagkaloob na responsibilidad at nangako na gagampanan at itataguyod ang mga mithiin ng YSG sa pamamagitan ng pagsunod sa mga alituntunin na nakapaloob sa institusyon.

Kinilala ang mga bagong nahalal na opisyal na sina Kreihn Catalla bilang Presidente, si Remiel Palermo bilang Bise-Presidente, si Aicel CasiΓ±o bilang Sekretarya, si Marie Arce bilang Ingat-Yaman, si Crissa Melendez bilang Tagasuri, Si Charmiel Emradura bilang Opisyal sa Impormasyon para sa Publiko, si Evan Morallos at Lyka Taller bilang Opisyal sa Kapayapaan, si Rheena Gutierrez bilang Kinatawan ng ABM, si Je Anne Ilagan bilang Kinatawan ng HE, si Alyssa Ramos bilang Kinatawan ng HUMSS, at si Dave Resari bilang Kinatawan ng ICT.

Ang naturang na panunumpa ay pinangunahan ng tagapayo ng YSG na si Ma'am Roxanne Paras, ito ay naging daan upang pormal na ipakilala at ipasa ang responsibilidad mula sa mga dating pinuno ng YSG.

Ipinahayag ng mga opisyal sa kanilang panunumpa ang kanilang buong kahandaan na tuparin ang kanilang tungkulin at mapaglingkuran ang kapwa mag-aaral.

βœ’οΈ : Kreihn Catalla
🎨 : Jes Ebreo
πŸ“· : Lance Recto

Isang masigabong pagbati sa mga bagong Lakan at Lakambini 2025, at sa lahat ng naging bahagi ng isang hindi malilimutang...
04/09/2025

Isang masigabong pagbati sa mga bagong Lakan at Lakambini 2025, at sa lahat ng naging bahagi ng isang hindi malilimutang pagdiriwang ng ating pambansang wika at pagkakakilanlan.
πŸ‘‘ Lakan - Redd Adefuin
πŸ‘‘ Lakambini - Leigh Caryl Pilapil
Unang Karangalan (Lakan) - Marvin Millan
Unang Karangalan (Lakambini) - Rachel Mae Berces
Ikalawang Karangalan (Lakan) - Kaixer Zenrix Salayo
Ikalawang Karangalan (Lakambini) - Angiela Sandoval
Pinakamagandang kasuotan
Lakan - Marvin Millan
Lakambini - Leigh Caryl Pilapil
Pinaka magaling sa talumpati
Lakan - Kaixer Zenrix Salayo
Lakambini - Lindsay Catherine Huelva
Pinakmagaling sa pangbungad
Lakambini - Je-ane Ilagan
Lakan - Redd Aduefin
May pinaka magandang larawan
Lakambini - Rheena Guiterrez
Lakan - Miguel Ornedo
Pinaka kinikilalang Ginoo at Binibini
Lakambini - A***n Cristel Retorca
Lakan - Marvin Millan
Power Scents Ambassador & Ambassadress
Lakan - Kaixer Zenrix Salayo
Lakambini - Angel Mae Encenarez
βœ’οΈ : Cyrine Torralba
🎨 : Jes Ebreo
πŸ“Έ : Lance Zarsuelo Recto

Mga kalahok ng Lakan at Lakambini Pugay sa Tapang at Husay sa Buwan ng Wika 2025Matagumpay na isinagawa sa Pacific Mall ...
03/09/2025

Mga kalahok ng Lakan at Lakambini Pugay sa Tapang at Husay sa Buwan ng Wika 2025

Matagumpay na isinagawa sa Pacific Mall Event Plaza ang Pagtatanghal ng Lakan at Lakambini 2025 bilang bahagi ng Buwan ng Wika noong Agosto 29, 2025 na pinangunahan ng Hyong Yang Institute Inc.

Nagpakitang gilas ang mga kalahok sa iba't ibang bahagi ng patimpalak, gaya ng magandang pambungad, pagpapakilala at pagsagot ng kanilang mga hashtags, kung saan pinatunayan nila ang kanilang pagiging mapaghalaga sa wikang pambansa at sariling kultura.

Sa huling bahagi ng programa, buong sigla at saya na isinalaysay ang mga nagwagi at pinarangalan ng kani-kanilang titulo, Higit pa rito, binibigyang Pugay ang lahat ng kalahok na buong tapang na naghandog ng kaniya kaniyang galing.

Isang masigabong pagbati sa mga bagong Lakan at Lakambini 2025, at sa lahat ng naging bahagi ng isang hindi malilimutang pagdiriwang ng ating pambansang wika at pagkakakilanlan.

πŸ‘‘ Lakan - Redd Adefuin
πŸ‘‘ Lakambini - Leigh Caryl Pilapil

Unang Karangalan (Lakan) - Marvin Millan
Unang Karangalan (Lakambini) - Rachel Mae Berces

Ikalawang Karangalan (Lakan) - Kaixer Zenrix Salayo
Ikalawang Karangalan (Lakambini) - Angiela Sandoval

Pinakamagandang kasuotan
Lakan - Marvin Millan
Lakambini - Leigh Caryl Pilapil

Pinaka magaling sa talumpati

Lakan - Kaixer Zenrix Salayo
Lakambini - Lindsay Catherine Huelva

Pinakmagaling sa pangbungad

Lakambini - Je-ane Ilagan
Lakan - Redd Aduefin

May pinaka magandang larawan

Lakambini - Rheena Guiterrez
Lakan - Miguel Ornedo

Pinaka kinikilalang Ginoo at Binibini

Lakambini - A***n Cristel Retorca
Lakan - Marvin Millan

Power Scents Ambassador & Ambassadress

Lakan - Kaixer Zenrix Salayo
Lakambini - Angel Mae Encenarez

βœ’οΈ : Cyrine Torralba
🎨 : Jes Ebreo
πŸ“Έ : Lance Zarsuelo Recto

HYITI BUWAN NG WIKA DIBA-TEH | Agosto 29, 2025Bilang pag papatuloy ng selebrasyon ng Buwan ng wika ngayong Agosto isa sa...
03/09/2025

HYITI BUWAN NG WIKA DIBA-TEH | Agosto 29, 2025

Bilang pag papatuloy ng selebrasyon ng Buwan ng wika ngayong Agosto isa sa aktibidad na isinagawa ng Hyong Yang Institute of Technology Incorporated ang "DIBA-TEH" na kung saan ang naging manlalahok na naging parte nito ay ang mga LGBTQ+ community. Ipinakita ng bawat manlalahok na hindi hadlang ang pagiging parte sa LGBTQ+ community para ipakita ang kanilang pagmamahal, pagpapahalaga at pagmamalaki sa kultura at wikang Filipino.

Nagkaroon ng dalawang grupo ang nasabing Diba-teh, sa kanilang sari-sariling opinyon at batuhan ng iba't ibang sagot ay talaga namang nakakamangha ang kanilang galing, bilis at talino sa pag sagot.

Sa pag papatuloy at pag katapos ng Diba-teh nakilala na kung sino ang makakatanggap ng unang parangal, at ang nag wagi ay ang pangalawang pangkat na sina Rona Dayawon, Andrian Bombani at Christine Mendoza. Sila ang tatlong miyembro sa pangkat dalawa ang nag wagi ng unang parangal sa Diba-teh.

βœ’οΈ : Alexa Romulo
🎨 : Jes Ebreo
πŸ“Έ : Lance Zarsuelo Recto

HYITI BUWAN NG WIKA PAGBIGKAS NG TULA | Agosto 29, 2025Matagumpay na naisagawa ng Hyong Yang Institute of Technology Inc...
03/09/2025

HYITI BUWAN NG WIKA PAGBIGKAS NG TULA | Agosto 29, 2025

Matagumpay na naisagawa ng Hyong Yang Institute of Technology Incorporated ang pagbigkas ng tula na may temang β€œPaglinang sa Filipino at Katutubong Wika: Makasaysayan sa Pagkakaisa ng Bansa”. Bawat pangkat mula sa ikalabing-isa hanggang ikalabing-dalawang baitang ay may tig iisang representatib, na nag pakita ng kanya kanyang galing sa pag bigkas ng bawat salitang Filipino. Tunay nga na naipamalas ng bawat isa ang kanilang husay at kakayanan sa pagbigkas ng tula at pag linang ng kaalaman patungkol sa Wikang Filipino at kultura. Bawat salitang kanilang binibitawan ay nag bibigay inspirasyon sa bawat mag-aaral na mapalalim ang pagmamahal sa kultura, bayan at wikang Filipino.

Sa unang naging parte ng aktibidad ay isinagawa ang evaluation kung saan ay mamimili lamang ng tatlong mag aaral na mag tatanghal muli sa entablado para sa huling labanan ng pagbikas ng tula at malaman kung sino ang makakakuha ng unang parangal.

Sa ikalawa at huling parte ng pagbigkas ng tula ay mas naging mahusay at talaga namang kahanga-hanga ang tatlong napili. Kung ang kanilang ipinakitang pag bigkas ng tula sa unang naging bahagi nito ay talaga namang magaling na, sa huling naging parte ng aktibidad ay talaga namang mas ginalingan pa nila at pinahanga ang bawat mag aaral na nanonood at sila ay nag bigay ng insperasyon at kaalaman sa mga ito.

Nakuha ni Nica Estopin ang ikatlong parangal ng pangkat ICT-Vestel at nakuha naman ni Evan Morallos ng pangkat HUMSS-Mandamus ang ikalawang parangal.

Ang nakakuha naman ng unang parangal ay si Kreihn Catalla ng pangkat ABM-Hector.

βœ’οΈ : Alexa Romulo
🎨 : Jes Ebreo
πŸ“Έ: Lance Zarsuelo Recto

HYITI BUWAN NG WIKA QUIZ BEE| Agosto 29, 2025Sa pag papakita ng kahalagahan at pakikisa sa selebrasyon ng Buwan ng wika ...
03/09/2025

HYITI BUWAN NG WIKA QUIZ BEE| Agosto 29, 2025

Sa pag papakita ng kahalagahan at pakikisa sa selebrasyon ng Buwan ng wika ngayong Agosto nag sa gawa ang Hyong yang Institute of Technology Incorporated ng aktibidad na quiz bee o tagisan ng talino na may temang β€œPaglinang sa Filipino at Katutubong Wika: Makasaysayan sa Pagkakaisa ng Bansa” na ginanap sa pacific mall event. Ang bawat kalahok ay nag pakita ng pakikisa sa aktibidad sa pamamagitan ng pagpapakita ng kanya-kanyang galing at talino sa pag sagot sa wikang Filipino. Ang aktibidad ay naglalayong mapalakas ang pagmamahal sa ating wika at mapalawak ang kaalaman ng bawat mag-aaral tungkol sa mga aspeto ng wikang Filipino.

Sa naging daloy ng aktibidad ng quiz bee o tagisan ng talino ay talaga namang nag pa kita ang kanya-kanyang kakayahan at talino sa pag sagot ng mga tanong na ibinabato ng gurong nangunguna sa aktibidad. Pag katapos ng naging daloy ng aktibidad ay isinagawa na ang pagbibilang ng puntos upang malaman kung sino ang mananalo at makakatanggap ng parangal.

Ang nag kamit ng ikatlong parangal ay sina Jessa Razal at Crisha Dayawon ng pangkat Sheryll, ang nag kamit naman ng ikalawang parangal ay sina Charlize Joyce Alan at Rica Del Castillo ng pangkat Generis.

Ang nanalo at nag kamit ng unang parangal ay sina Cyrine Torralba at Judy Yocte ng pangkat HUMMS-Mandamus.

βœ’οΈ : Alexa Romulo
🎨 : Jes Ebreo
πŸ“Έ : Lance Zarsuelo Recto

HYITI BUWAN NG WIKA MALIKHANG PAG GUHIT | Agosto 29, 2025NAPAKAHUSAY!!! Ang salitang masasambit sa bawat manlalahok na n...
03/09/2025

HYITI BUWAN NG WIKA MALIKHANG PAG GUHIT | Agosto 29, 2025

NAPAKAHUSAY!!! Ang salitang masasambit sa bawat manlalahok na nag pakita ng kanilang kanya-kanyang talento sa pag guhit. Matagumpay na naisagawa ng Hyong Yang Institute of Technology Inc. ang aktibidad ng malikhaing pag guhit na may temang β€œPaglinang sa Filipino at Katutubong Wika: Makasaysayan sa Pagkakaisa ng Bansa” bilang parte ng selebrasyon para sa Buwan ng wika ngayong Agosto 29, 2025. Bawat pangkat mula labing isa hanggang labing dalawa ay nagkaroon ng kanya-kanyang representatib na talaga namang kahanga-hanga ang pinakitang talento at galing sa pag guhit. Sa kanilang pag guhit ay ipinakita nila ang kanilang malawak na pag iisip pag dating sa wikang Filipino at kultura.

Ang nag kamit ng ikatlong parangal ay si Christian Guay ng pangkat HUMSS- Mandamus at ang nag kamit naman ng ikalawang parangal ay si Sara Mondido ng pangkat HE- Crystallum.

Habang ang nakakuha naman ng unang parangal ay si Precious Quiatchon ng pangkat ABM-Hector.

βœ’οΈ : Alexa Romulo
🎨 : Jes Ebreo
πŸ“Έ: Lance Zarsuelo Recto

02/09/2025

When the Stars Collide 🌟
CHAPTER 1πŸ’—

Magsisimula ang school year sa HyongYang Institute of Technology Incorporated, pero kakaiba ang energy sa hallway ng senior high floor. May mga bagong mukha, bagong classmates β€” pero sa gitna ng lahat ng excitement, apat na pangalan pa rin ang madalas marinig: Zach Reyes, Chace Domiggo, Sam Ontivera, at Lian Rivero.

Silang apat ang tinaguriang β€œmain centers” ng campus β€” hindi lang dahil sa itsura, kundi sa kani-kaniyang galing at presensya.

Si Zach Reyes, ang tahimik pero consistent top student, ay President ng YSG (Yang Student Government). Organized, matalino, at may authority na hindi kailangang isigaw.

Si Chace Domiggo, ang may confident smile na parang laging game sa spotlight β€” Captain ng HY Dragons, ang pride ng sports club. Kahit hindi mo siya kilala, maririnig mo ang pangalan niya sa bawat cheer ng intrams.

Si Sam Ontivera, ang pinaka-chill sa grupo, ay member ng YangMovers, ang school’s performing group. May effortless charm, and when he smiles, it disarms.

At si Lian Rivero, ang tahimik na laging may sketchpad β€” Editor-in-Chief ng Balantagi, ang campus publication. Di palasalita, pero may mga matang tila kayang maglarawan ng kaluluwa mo sa papel.

At sa loob ng iisang araw, isang hindi inaasahang β€œbagyo” ang darating sa uniberso nilaβ€”isang babaeng tila mula sa ibang mundo.

8 ng umaga.
Habang paakyat ng building si Zach, may nasalubong siyang babae sa may entrance ng schoolβ€”nakatayo lang doon, parang may hinahanap. Bitbit nito ang envelope, at magulo pa ang buhok, tila nagmamadali.

Nagkatinginan sila sandali.

β€œAre you lost?” tanong ni Zach, monotone lang, pero may pakialam.

Ngumiti ang babae. β€œMedyo. Hinahanap ko po kasi β€˜yung office ng registrar.”

Itinuro iyon ni Zach, saglit lang, at saka tumango. β€œDoon sa second floor, tapos kaliwa. Nasa dulo.”

β€œSalamat po!” Tila may sinasadyang lambing ang tinig ng babae. Pero tumalikod lang si Zach at naglakad palayo.

Hindi niya alam, babalikan pa siya ng ngiting ’yon.

Ilang minuto pa lang ang lumilipas, si Chace ay kagagaling lang sa convenience store sa tapat ng school. May hawak siyang sports drink at chichirya, paakyat ng hagdan. Biglang may bumangga sa kaniyaβ€”isang babae.

Tumilapon ang drink. β€œAy, sorry!” ani ng babae, halos nataranta.

Chace blinked. β€œH-Hindi, okay lang. Ako rin may kasalanan.”

Tumawa ito. β€œThank you! Hindi ko nakita β€˜yung hakbang.”

Pagkaalis ng babae, naiwan si Chace na napapangiti.
β€œBagong student?” bulong niya.

Si Sam naman, sa kabilang hallway, ay nakaupo sa bench. Nakita niyang may babaeng tila naliligaw, papalapit sa faculty room pero nagdadalawang-isip. Lumingon ito sa paligid.

β€œNeed help?” tanong ni Sam, sabay hubad ng earphones.

Ngumiti ang babae. β€œYes po. Faculty room po ba ito?”

Tumango si Sam. β€œNandiyan lang. Katok ka lang.”

β€œThank you!” sabay ngiti at kaway ng babae.

Si Sam, simpleng ngumiti at nagbalik sa pakikinig ng music.

Sa pinakataas ng building, si Lian ay nakaupo sa hagdan, nagdo-drawing. Napatingin siya sa ibabaβ€”may babae na tila naliligaw. Hindi niya alam kung bakit pero agad niyang kinuha ang sketchpad.

May kakaiba. Agad niyang ginuhit ang silhouette na naaninag niya.

Bago magsimula ang klase.
Nagtipon-tipon ang apat sa bench sa labas ng classroom.

Tahimik. May mga iniisip.

β€œGuys,” biglang sabi ni Chace, β€œnakasalubong ko β€˜yung bagong student. Maganda siya. Like, no joke.”

β€œMay nasalubong din akong girl,” ani Zach, pilit na hindi nagpapahalata. β€œNaligaw.”

β€œFaculty room? Same,” sabat ni Sam. β€œMay tinanong din sa’kin kanina.”

Napangiti si Lian. β€œSiguro iisang tao lang ’yon.”

Sabay-sabay silang nagkatinginan.

Bago pa man matuloy ang usapan ng apat,
biglang lumabas si Ma’am Rox mula sa faculty office na tapat ng benchβ€”isa sa mga teacher at ang guidance counselor ng school.

β€œZach Reyes,” tawag niya. β€œPinapatawag ka ni Ma’am Lenny. Principal’s office. Now na daw.”

Napatingin ang tatlo kay Zach. β€œTignan mo, may utos agad,” biro ni Chace.

Zach, habang nag-aayos ng bag, ay tumango lang. β€œBaka principal’s lister award ko lang ’yan,” pabirong sagot.

Tumungo si Zach sa Principal's office.
"Good morning po, Ma'am Lenny. Tawag n’yo raw po ako?" bati nito.

β€œZach,” wika ni Ma’am Lenny habang nakatayo sa tabi ng isang babaeng bagong salta, β€œshe’s new hereβ€”transfer from Camarines. 12-ICT Vestel din siya. Pwede mo ba siyang i-assist papunta sa room ninyo? You're part of YSG, right?”

Tumango si Zach, saka tumingin sa babae na nasa tabi ni Ma'am Lenny.

Tahimik lang si Celene. Nakasuot siya ng school uniform. Bitbit ang notebook na may poetry scribbles at wala kahit anong effort sa make-up. Pero may kakaiba sa presence niyaβ€”parang mahirap ipaliwanag.

Chapter 2
tentative posting Sept 15 πŸ’œ

Address

88 Enriquez Street Brgy. IV, Lucena City
Lucena
4301

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when HYITI Balantagi posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to HYITI Balantagi:

Share

Category