15/07/2026
Ano kayang ginawa ng anak ko na ganun na lang ang Pagmahal ng mga Tao sa Kanya? Pero maisip ko din na dahil siguro sa pagiging madisiplina/diciplinarian ko. -Rovelyn Baterbonia
INTERVIEWER; Ma’am sa pagkama*tay ni Bobet yong nangyari ngayon na grabe ang supporta ng mga tao inexpect ba ito ng Pamilya?
MA’AM BEBET: HINDI! Hindi namin inexpect na madaming tao ang naka APPRECIATE sa amin, madaming tao na nag CONDOLENCES, madaming tao na tumulong. Hindi talaga namin yan Inexpect. Kasi ang nasa sarili namin is….. KUNG MAHIRAP KA, BIHIRA LANG ANG TAONG LALAPIT SAYO, BIHIRA LANG ANG MAKIRAMAY SAYO KUNG MAHIRAP KA.
Yan ang aming Mentality. Pero ngayon ko lang masabi na “KAMI LANG SIGURO ANG POBRE/ MAHIRAP NA… LUZON, VISAYAS, MINDANAO ang DAMING TUMULONG”
INTERVIEWER; Ma’am Follow up lang… Ano kayang mga Factors na makonsider nyo bakit ganito ang Reactions ng mga Tao, Netizens, Mindanawans at sa mga Filipino Citizens?
Ma’am Bebet; Dahil siguro sa PAG UUGALI NA ITINURO KO SA AKING MGA ANAK. Kasi kami may Rules sa loob ng Pamamahay, ngunit di iyan makikita ng aming mga Kapitbahay, at di rin yan makikita ng aming mga kapamilya. KAMI LANG TALAGANG MAGPAMILYA SA LOOB NG PAMAMAHAY NAMIN ANG NAKAKAALAM. Kailangang meron kaming PAGPAKUMBABA, at meron ding RESPETO. Yan ang mga ibinigay ko sa aking mga Anak. 𝗗𝗜 𝗕𝗔𝗟𝗘𝗡𝗚 𝗪𝗔𝗟𝗔 𝗞𝗔𝗠𝗜𝗡𝗚 𝗣𝗘𝗥𝗔 𝗕𝗔𝗦𝗧𝗔 𝗠𝗘𝗥𝗢𝗡 𝗞𝗔𝗠𝗜𝗡𝗚 𝗥𝗘𝗦𝗣𝗘𝗧𝗢.
SALUDO PO AKO SA INYO, makikita po kung paano nyo pinalaki si Rene “Bobet” ng maayos, may pag pakumbaba at Respeto Ma’am. ❤️🫡🙌