
17/07/2025
Capacity building for teachers, isinagawa sa LCNHS
Isinagawa ng kaguruan mula sa ika-7 hanggang ika-12 baitang ng Lucena City National High School (LCNHS) ang buwanang School Learning Action Cell (SLAC).
Pinangunahan ng Research Coordinator at Master II ng English Department Dr. Marilou M. Tierra sa gabay ng Punongg**o ng paaralan Rodolfo A. Sena Jr. at Research Advocate Professor Azalea A. Gallano ang SLAC na may temang "Capacity Building For Teachers: From Classroom Issues To Research Initiatives", na ginanap sa LCNHS Conference Room, ika-16 ng Hulyo.
Binigyang linaw ni Professor Gallano, ang kahalagahan ng pagkakaroon ng research at kung ano ang maitutulong nito lalo at higit sa kalidad ng edukasyon sa mga pampublikong paaralan sa Pilipinas.
Dagdag pa rito, nagbigay siya ng mga paraan kung paano sisimulan at tatapusin ang isang research, sa gabay ng research coordinator ng paaralan.
Samantala, ayon kay Dr. Tierra, layunin ng seminar na matulungan ang mga g**o na mahasa sa pagsusulat ng research sa pamamagitan ng mga sesyon at mga hands-on workshop.
Inaasahan ang kooperasyon at suporta ng mga g**o para sa mas epektibong resulta ng seminar nang sa gayon ay maibahagi rin nila ito sa mga estudyante.
πΎ || Stanley Evangelista
π· || Mrs. Loisa Alibuyog - Palaganas
PubMat by : Mark Ruiz