The Arcade

The Arcade The official school publication of Maryhill College

๐—œ๐˜€๐—ฎ, ๐—ฑ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐˜„๐—ฎ, ๐˜๐—ฎ๐˜๐—น๐—ผ, ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐˜€๐˜‚๐—ฏ๐—ผ๐—ธ ๐˜€๐—ฎ ๐—บ๐—ถ๐—ธ๐—ฟ๐—ผ๐—ฝ๐—ผ๐—ป๐—ผ.๐ŸŽ™๏ธBinabati ng Ang Arkus ang aming Internal Managing Editor, Nathan Licoto, ng ...
11/08/2026

๐—œ๐˜€๐—ฎ, ๐—ฑ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐˜„๐—ฎ, ๐˜๐—ฎ๐˜๐—น๐—ผ, ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐˜€๐˜‚๐—ฏ๐—ผ๐—ธ ๐˜€๐—ฎ ๐—บ๐—ถ๐—ธ๐—ฟ๐—ผ๐—ฝ๐—ผ๐—ป๐—ผ.๐ŸŽ™๏ธ

Binabati ng Ang Arkus ang aming Internal Managing Editor, Nathan Licoto, ng isang maligayang kaarawan! ๐Ÿ”ฐ

Sa pagbuklat mo ng panibagong pahina ng iyong pag-iral, nawaโ€™y manatili ka bilang isang โ€˜burst of energyโ€™ hindi lamang sa Ang Arkus, gayundin sa iba pang mga Mariano.

๐— ๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ด๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ž๐—ฎ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐˜„๐—ฎ๐—ป, ๐—ก๐—ฎ๐˜๐—ต๐—ฎ๐—ป!๐ŸŽ‰

๐—Ÿ๐—œ๐—ก๐—š๐—š๐—ข๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐— ๐—ฃ๐—”๐—ก๐—œ๐—ง๐—œ๐—ž๐—”๐—ก | Ang Paham at ParalumanMayroong isang Paham; matalino, at magaling sa mga sulatin, sa pagguhit, a...
09/08/2026

๐—Ÿ๐—œ๐—ก๐—š๐—š๐—ข๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐— ๐—ฃ๐—”๐—ก๐—œ๐—ง๐—œ๐—ž๐—”๐—ก | Ang Paham at Paraluman

Mayroong isang Paham; matalino, at magaling sa mga sulatin, sa pagguhit, at sa musika โ€” ngunit hindi niya kayang magsagawa ng sining. Bawat guhit, bawat salita, o ang pagkanta ay merong pagsagawa ng kagandahan: pero wala ang pagka intindi ng kagandahang ito.

Sa paglakad niya papuntang aklatan, meron siyang nakitang Binibini; napagtanto ang babae na nakaupo lamang sa ilalim ng puno. Nalito ang Paham, hindi siya nagbabasa, o nagsusulat, nakaupo lang habang pinapanood ang mga dahon na nahuhulog sa puno.

"Aking Binibini, isang tanong lang para sa iyo.. Bakit ka nakahimpil dito sa ilalim ng punong ito?"

"Ginoo, simple lamang naman ang ginagawa ko. Tinitingnan ko ang pagsasayaw ng mga dahon."

Sumimangot ang Paham sa sagot ng Binibini. "Pagsasayaw ng mga dahon? Wala namang katawan ang mga dahon." Nalito ang Paham, ano kaya ang ibig sabihin ng binibining ito?

"Oo, wala silang katawan, pero.. Hindi ba magandang isipin ito?" Ngumiti naman ang binibini sa pag simangot ng Ginoo. "Isipin mo ito gamit ang puso mo." Madaling sinabi niya, ngunit ito ay kahirap-hirap na bagay para sa Paham.

"Maaari mo ba akong turuan, aking Binibini?"

"Oo naman, aking Ginoo."

Sa unang beses ng kanyang buhay, nanunuod ng Paham, nakinig siya, at nagtaka siya. Dahil sa panahong ito, meron siyang bagong natutunan.

"Magsulat ka." Biglang sinabi ng Binibini.

"Hindi ko alam kung paano."

"Alam mo ang bawat tuntunin sa pagsulat. Ngunit walang salita ang dumating sa iyong puso."
Ngumiti ulit ang Binibini,
"Huwag mo na sundin ang mga tuntunin na ito. Isipin mo lang ang gusto mong ilahad sa mundo.โ€

Nagsulat ang paham. Hindi isang teorya, hindi isang analisis, kundi isang memorya.
Sumulat siya, at nagsulat pa.
Makalat, hindi perpekto, at hindi pantay; ngunit sa kanya ito.

Natuwa ang Binibini, puno ng kamanghaan ang mukha sa pagbasa ng isinulat ng Paham.
โ€œDiba? Sa pagsulat gamit ng puso mo.. Pinakita na ang puso mo ay puno ng ganda โ€” parang ang mga salitang ginamit mo.โ€

Sa magandang araw na ito, ang dalawa ay nasa ilalim ulit ng puno. Ang Binibini ay pinapanood ang pagsasagawa ng Paham, tinitingala ang bawat salita. Ngunit ang Paham ay hindi makapokus sa kanyang gawain; sapagkat ang rason, ang motibasyon, ang paraluman niya ay katabi niya.

Sa buong buhay ng Paham, alam lang niya ay ang kung paano magsulat. Ngunit nahanap din niya ang rason kung bakit siya nagsusulat.

Panulat ni Angel Abenilla
Dibuho ni Allison Floro

๐Œ๐ฎ๐ฅ๐š ๐ฌ๐š ๐”๐ ๐š๐ญ, ๐๐š๐ซ๐š ๐ฌ๐š ๐Š๐ข๐ง๐š๐›๐ฎ๐ค๐š๐ฌ๐š๐งSila ang tagapangalaga ng kultura at tradisyon ng bawat bansa, hanggang sa kasalukuyan,...
09/08/2026

๐Œ๐ฎ๐ฅ๐š ๐ฌ๐š ๐”๐ ๐š๐ญ, ๐๐š๐ซ๐š ๐ฌ๐š ๐Š๐ข๐ง๐š๐›๐ฎ๐ค๐š๐ฌ๐š๐ง

Sila ang tagapangalaga ng kultura at tradisyon ng bawat bansa, hanggang sa kasalukuyan, patuloy nila itong isinasabuhay at inaalagaan para sa susunod na henerasyon, nagsisilbi silang tagapagtanggol ng natitirang palamuhayan, dahil dito, mahalaga ang kanilang papel na ginagampanan sa lipunan.

Ipinagdiriwang ang Araw ng mga Katutubo bilang pagkilala sa mayamang kultura, pamana, at identidad ng mga katutubong komunidad, layunin din nitong itaguyod ang karapatan at kapakanan, palawakin ang kamalayan sa mga hamong patuloy nilang kinakaharap, at palakasin ang panawagan para sa paggalang at pagkakapantay-pantay.

๐Œ๐š๐ฅ๐ข๐ ๐š๐ฒ๐š๐ง๐  ๐€๐ซ๐š๐ฐ ๐ง๐  ๐ฆ๐ ๐š ๐Š๐š๐ญ๐ฎ๐ญ๐ฎ๐›๐จ!

Panulat ni Marteena Tiu
Dibuho ni Noely Delos Santos

๐—™๐—˜๐—”๐—ง๐—จ๐—ฅ๐—˜ ๐—™๐—ฅ๐—œ๐——๐—”๐—ฌ | Mar-ICON At All Times: A Woman Who Embraces Every RoleBehind every role she fulfills lies an unwavering...
07/08/2026

๐—™๐—˜๐—”๐—ง๐—จ๐—ฅ๐—˜ ๐—™๐—ฅ๐—œ๐——๐—”๐—ฌ | Mar-ICON At All Times:
A Woman Who Embraces Every Role

Behind every role she fulfills lies an unwavering purposeโ€”to uplift, educate, and inspire those around her.

Upon the undeniably heavy tasks and responsibilities of preparing lessons, managing students and parents, and at the same time fulfilling responsibilities as a solo parent, Ms. Maricon Valderamos-Manzo strives ahead despite obstacles faced by her.

โ€œBe disciplined and firm in upholding rules, but never lose your compassion. I believe everyone carries burdens that we may never see, and sometimes, a little kindness and understanding can make those burdens a little lighter,โ€ this statement tells everything about her as a 10-year experienced member at Maryhill College Inc.

Ms. Maricon, more commonly known as โ€œMs. Icon,โ€ was proudly appointed as the Basic Education Department (BED) Assistant Prefect of Disciplineโ€”who once had a teaching career at St. John Bosco Academy in Tayabas City, became an Administrative Assistant at a private school in Lucena City, and a graduating class adviser for five consecutive years at MC.

Taking a step back from the past, she was first hired by MC in 2017. But due to a sensitive pregnancy, it was advisable for her to take a one-year break in 2018. Despite the pause, it only marked the beginning of her journey, as she returned the following year and has since continued serving the institution for the past seven years.

There was a time when she doubted herself, hesitant to apply to well-known schools due to her lack of experience and professional license. Yet, through the lessons and growth she gained from previous roles, she found the courage to take that leap

At one point, Ms. Icon also aspired to pursue a work-from-home career. As much as she loves teaching, she acknowledges the challenges it btungโ€”often requiring more time at school than at home with her daughterโ€”or at home. For her, a more flexible career once seemed like the key to achieving balance while still providing for her loved ones.

However, her discipline and initiative set her apart. She takes action even before being asked, guided by honesty and a habit of verifying facts before reacting. Because of this, she has earned the trust and respect of those around herโ€”known for listening to every side before making judgments or conclusions.

After all that she's been through, she might as well have experienced almost every emotion possibleโ€”but even so, those challenges taught her how professionalism and the importance of showing up every day regardless of what she personally has gone through, matters a lot more than sheโ€™d ever admit.

All that she has encountered and embraced within the institution has paved the way for others to appreciate the knowledge, skills, and dedication she shares. This, in turn, strengthens her sense of purpose and drives her to give her best each day, knowing she has made a difference in the lives of students and colleagues.

As she states, โ€œMy colleagues inspire me the most. Over the years, they have become more than just co-workers, they have become genuine friends who support and encourage me through both challenges and successes,โ€ speaking of how compassion can eventually embrace any situation with kindness among her peers.

Not only is she an icon for being a resilient teacher, reliable friend, professional colleague, committed assistant and a loving motherโ€”above all, she stands as a true beacon of inspiration.

Article by Gia Tan
Pubmat by Miah Caballero

Ngayong, ika- 6 ng Agosto, binabati ng Ang Arkus ng isang maligayang kaarawan ang Pangulo ng Maryhill College, Rev. Fr. ...
06/08/2026

Ngayong, ika- 6 ng Agosto, binabati ng Ang Arkus ng isang maligayang kaarawan ang Pangulo ng Maryhill College, Rev. Fr. Allan Neil Lacqueo.

Sa ilalalim ng iyong paggabay, mas nalalapit ang mga mag-aaral sa Diyos at napapalaganap ang Kaniyang mga utos.

Kita ng lahat ang iyong mga sakripisyo para sa institusyon at labis namin kayong pinasasalamatan para sa walang-sawang pangangalaga sa komunidad ng mga Mariano.

๐— ๐˜‚๐—น๐—ถ, ๐—บ๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ด๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ธ๐—ฎ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐˜„๐—ฎ๐—ป, ๐—ฅ๐—ฒ๐˜ƒ. ๐—™๐—ฟ. ๐—”๐—น๐—น๐—ฎ๐—ป!๐Ÿ”ฐ

Ngayong Agosto 4, ginugunita at ipinapahayag natin ang lubos na pagpapahalaga sa mga paring Katoliko na nag-alay ng kani...
04/08/2026

Ngayong Agosto 4, ginugunita at ipinapahayag natin ang lubos na pagpapahalaga sa mga paring Katoliko na nag-alay ng kanilang buhay sa paggabay sa espirituwal na buhay at paglilingkod sa Panginoon at Simbahan.

Habang pinararangalan natin sila sa espesyal na araw na ito, patuloy tayong manalangin para sa kanila na makamit ang lakas, kagalakan, at karunungan upang manatiling tapat.

Maligayang Araw ng mga Pari!

๐—ง๐—ข๐—ข๐—ก๐—ฆ๐——๐—”๐—ฌ | Napakong Pangakong IbinaonIsang malubha at kalunos-lunos na pangyayari ang naganap sa mga tribo at tirahan ng...
04/08/2026

๐—ง๐—ข๐—ข๐—ก๐—ฆ๐——๐—”๐—ฌ | Napakong Pangakong Ibinaon

Isang malubha at kalunos-lunos na pangyayari ang naganap sa mga tribo at tirahan ng mga katutubong โ€œAytaโ€ matapos talikuran ng pamahalaang Zambales ang pangakong ukol sa โ€œtemporary fixโ€ o pansamantalang solusyon na dumpsite sa kagubatan. Umabot sa anim hanggang pitong taon ang patuloy na pagtatapon ng basura at pagmamaltrato sa kabundukan, kung kayaโ€™t naapektuhan ang kabuhayan ng mga katutubo dahil sa masangsang na amoy at pagkasira ng kalikasan.

Sa kapabayaang ito, nagawa pang magpalusot ng pamahalaan upang itakwil ang kanilang naging aksyon โ€“ samantala, buong-tapang namang binigyang-pansin ng mamamahayag na si Kara David ang binasurang paraiso. Bagamaโ€™t may pangako mang simulan na ang rehabilitasyon ng nasirang kagubatan, nananatiling buhay ang pag-asa ng mga katutubo na hindi na muling mauulit ang unang binaong pangako sa kanila.

Panulat ni Janus Talosig
Dibuho ni Nicole Ramboyong

๐—ง๐—œ๐—ก๐—š๐—ก๐—”๐—ก I Mag-aaral ng elementarya, aktibong nakilahok sa Buwan ng Wika 2026AGO. 3 โ€” Ipinakita ng mga Mariano mula sa Ba...
03/08/2026

๐—ง๐—œ๐—ก๐—š๐—ก๐—”๐—ก I Mag-aaral ng elementarya, aktibong nakilahok sa Buwan ng Wika 2026

AGO. 3 โ€” Ipinakita ng mga Mariano mula sa Baitang 4-6 ang kani-kanilang pagkabibo sa WikaRambulan na ginanap bilang bahagi ng opisyal na pagbubukas ng selebrasyon ng Buwan ng Wika 2026.

Kuhang lawaran ni Ayesha Sta. Ana

๐—Ÿ๐—œ๐—ก๐—š๐—š๐—ข๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐— ๐—ฃ๐—”๐—ก๐—œ๐—ง๐—œ๐—ž๐—”๐—ก I Ang Mayamang AbogadoMay isang abogado na napakahusay, halos buong bayan ay alam ang kaniyang pan...
02/08/2026

๐—Ÿ๐—œ๐—ก๐—š๐—š๐—ข๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐— ๐—ฃ๐—”๐—ก๐—œ๐—ง๐—œ๐—ž๐—”๐—ก I Ang Mayamang Abogado

May isang abogado na napakahusay, halos buong bayan ay alam ang kaniyang pangalan. Ngunit, hindi lamang siya kilala sa kanyang pagiging dalubhasa, kundi pati na rin sa kaniyang napakalaking pusong tila gawa sa ginto. Sa kabila ng kanyang kayamanan at katayuan, hindi kailanman naging hadlang ang kanyang pangalan upang makinig sa taong nangangailangan; para sa kanya, ang bawat buhay ay mayroong kuwentong karapat-dapat pakinggan, at bawat salita ay may kakayahang magbigay ng pag-asa.

Araw-araw, pumupunta ang abogado sa silid-aklatan kung saan lagi siyang may nakikitang batang paulit-ulit na binabasa ang iisang libro. Habang tahimik na pinagmamasdan niya ang bata nang may ngiti, nilapitan niya ito at itinuro niya ang libro.

"Paborito mo ba 'yan?" tanong niya.

Masiglang tumango ang bata at sinabi, "Opo naman, ito po ang palagi kong binabalikan. Lalo na't sa mga araw na nalulungkot ako. Ang aklat na ito ay nananatiling paalala na dapat mayroon pa rin akong pag-asa kahit sa mga araw na napakabigat."

"Kung ganon ay bakit hindi mo ito bilhin?"

Nawala ang sigla sa mukha ng bata, siya'y napatingin sa baba, at mahiyaing sinabi: "Hindi ko po kaya."

Tumahimik ang abogado at tumango, marahan niyang tinapik ang balikat ng bata bago siya muling ngumiti.

Sa sumunod na araw ay nagkita silang muli, at binili ng abogado ang aklat. Ngumiti ang abogado nang nakita niyang bumalik ang saya sa mukha ng bata, na ngayo'y umaabot na pati sa kanyang mga mata. Simula noon, madalas na silang nagkikita sa silid-aklatan at nag-uusap tungkol sa kanilang mga binabasa at mga paboritong libro. At sa bawat pagkakataon, binibili ng abogado ang paboritong libro ng bata.

Ngunit isang araw, biglang nawala ang bata nang walang pasabi. Sa kabila nito, patuloy pa ring bumibisita ang abogado sa silid-aklatan araw-araw sa parehong oras; sa parehong mesa, sa pag-asang baka sakaling bumalik ang binata. Hanggang sa lumipas ang ilang taon at tumanda na ang abogado, ngunit patuloy pa rin siyang pumupunta sa silid-aklatan araw-araw.

Nang isang araw, tumunog ang kampana ng silid-aklatan at isang matangkad na lalaki ang pumasok na nakasuot ng isang pormal na kasuotan. Ibang kasuotan, ibang anyo, ngunit, pamilyar na ngiti na umaabot sa dalawa niyang mga mata.

Nilapitan niya ang abogado hanggang sa nagtagpo ang kanilang mga mata. Sa isang iglap, nakilala ng abogado ang batang minsang nakaupo sa tabi niya sa silid-aklatan. Ang batang iyon ay hindi na lamang naghahanap ng pag-asa, kundi siya na ang nagbabalik nito. Inabot ng binata ang libro sa harap ng abogado, at itoโ€™y kanyang binuklat sa unang pahina.

"Para sa taong bumili ng aking mga unang aklatโ€ฆ

Na ang bawat pahinang ibinigay ninyo sa akin ang naging daan upang maisulat ang sarili kong kuwento."

Panulat ni Jillian Reyes
Dibuho ni Miah Caballero

๐—ก๐—ฎ๐—ฟ๐—ถ๐˜๐—ผ ๐—ป๐—ฎ, ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐— ๐—ฎ๐—ฟ๐—ถ๐—ฎ๐—ป๐—ผ!๐Ÿ‘€Ikinalulugod ng Arkus ang opisyal na pagbabahagi sa mga bagong mamamahayag na nagtagumpay sa  ta...
02/08/2026

๐—ก๐—ฎ๐—ฟ๐—ถ๐˜๐—ผ ๐—ป๐—ฎ, ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐— ๐—ฎ๐—ฟ๐—ถ๐—ฎ๐—ป๐—ผ!๐Ÿ‘€

Ikinalulugod ng Arkus ang opisyal na pagbabahagi sa mga bagong mamamahayag na nagtagumpay sa tatlong yugto ng Quill Questโ€”buong puso namin kayong binabati.

Isa itong oportunidad bilang isang Marianong mamahayag na buong pusong maglingkod at magbahagi ng kakayanan. All hail!๐Ÿ”ฐ

Address

M. L. Tagarao Street
Lucena

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when The Arcade posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category