Alzona Law Office

Alzona Law Office Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Alzona Law Office, Digital creator, 189 Claro M. Recto Street, Lucena.

Alzona Law Office is in need of a Paralegal:- must be a law graduate- with related experience- skilled in drafting plead...
09/07/2024

Alzona Law Office is in need of a Paralegal:

- must be a law graduate
- with related experience
- skilled in drafting pleadings and contracts

Please send email applications to the following email address:
[email protected]

Or visit our office at:
189 Claro M. Recto St. , Barangay 9
Lucena City

27/06/2024

LOST ORIGINAL OWNER'S DUPLICATE CERTIFICATE OF TITLE

Nawawalang titulo ng may-ari ng lupa, anong dapat gawin?

Ang bawat titulo ng lupa ay mayroong dalawang kopya. Isa sa may-ari o registered owner. Ang isa naman ay sa Registry of Deeds kung saan nakatala ang titulo. Parehong original yan kasi duplicate noong naunang i-print.
Kapag nawala ang orihinal na kopya ng may-ari, hindi maiibenta at hindi din maiisangla ang lupa. Hindi din mapapalipat sa tagapagmana kung sakali na pumanaw na ang registered owner. Eto ang mga dapat gawin:
1. Lumapit sa abogado at magpagawa ng Affidavit of Loss para sumumpa sa ilalim ng batas na nawawala ang original owner's copy ng titulo at mga detalye ng pagkawala nito.
2. Ipatatak sa kopya ng Registry of Deeds na nawawala ang original owner's duplicate title sa pamamagitan ng pagdadala doon nung Affidavit of Loss at magbayad ng fees.
3. Humingi ng Certification sa Registry of Deeds na pinatutunayan na hawak ng nasabing opisina ang kanilang kopya ng titulo at hindi pa ito naiisyuhan ng anumang 2nd owner's copy ng titulo.
4. Magbayad sa abogado upang makapag-file ng Petition para mag-isyu ang korte ng 2nd owner's copy kapalit ng nawawalang titulo.
5. Humarap sa hukuman at patunayan na nawawala ang inyong titulo at yan ay magagawa mo lahat sa tulong ng isang abogado.
6. Hintayin ang court Order na nag-uutos sa Registry of Deeds na mag-isyu na ng panibagong titulo kapalit ng nawala at kanselahin ang nawawalang titulo.
7. Pag lumabas na ang bagong titulo o 2nd owner's copy, maaari ng maibenta, sangla, o kaya naman ay ipalipat sa mga tagapagmana kung sakali na namatay na ang registered owner.

FAQ:

Magkano ang magagastos lahat-lahat kasama ang Affidavit at bayad sa abogado at korte? More or less 80k-100k

Gaano katagal ang buong proseso ng pag-isyu ng bagong titulo kapalit ng nawala? More or less 4-6 months.

Sigurado ba na maiisyuhan ng titulo kapalit ng nawala? Pag kumpleto sa patunay na nawala nga ang titulo at walang oppositor o humadlang sa pag-iisyu ng bagong titulo, sure yan na magkakatitulo na bago. Pero pag may oppositor na nagsabi na hindi nawawala ang titulo at dinala sa korte, madi-dismis ang kaso dahil hindi naman pala talaga nawawala ang titulo.

Address

189 Claro M. Recto Street
Lucena
4301

Opening Hours

Monday 9am - 6pm
Tuesday 9am - 6pm
Wednesday 9am - 6pm
Thursday 9am - 6pm
Friday 9am - 6pm
Saturday 9am - 6pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Alzona Law Office posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share