26/10/2025
PAALALA. Para sa mga nagmamaneho: MAG YIELD SA PEDESTRIAN. Driving ethics ho ito. Kapag hindi life emergency, WAG huminto sa tawiran. Huwag din parkingan. Para sa mga Jeepney at tricycle: Huwag magbababa at magsasakay sa Pedestrian. Tumabi ho ng maayos sa Loading and Unloading zones, kung wala naman, tumabi parin. Kung maglalakad ng mauntian, ay mainam na po iyon kaysa sa haharangan ang Tawiran o sa gitna ng kalsada.
Simpleng paalala sa ating lahat. Marami na tayong batas at nag iimplement naman din ang ating lungsod. Ngunit magsisimula ang gusto nating pagbabago sa ating mga sarili.
Hindi ito kayang gawin ng gobyerno lamang. Kasama po tayong mamamayan dito.
Praktisin na po natin ito dahil palaki na ng palaki ang ating Lungsod. In the next years to come, dadami na lalo ang sasakyan at tao.