30/08/2026
TEMA: WIKAaces Talikha’t Dalumat — Sa Bawat Dalumat at Likha, Nabibigkis ng Pagkakaisa ang Diwa
Noong ika-26 ng Agosto, 2026, ginanap ang pagdiriwang ng Buwan ng Wika sa Betelgeuse Open Area, Aces Campus, Lungsod ng Lucena. Nagsimula ang programa mula ika-9:00 ng umaga hanggang ika-4:00 ng hapon. Ang nasabing gawain ay dinaluhan ng mga kalahok, mga hurado, at ng mga manonood.
Bilang bahagi ng pagdiriwang, isinagawa ang mga sumusunod na paligsahan: SIKLAB NG BOSES (Talumpati), HIBLA NG KAISIPAN (Sanaysay), at ang pagpili sa Lakan at Lakambini. Ang mga mananalo sa paligsahan ng Sanaysay ay ipapahayag pa lamang sa susunod na anunsyo.
Narito ang mga pinarangalan bilang Lakan at Lakambini:
- Lakan — John Joseph Abarquez
- Lakambini — Jhanella Javier
Mga Nagwagi — Paligsahan sa Talumpati (Siklab ng Boses):
- Ikatlong Gantimpala — Meah Moore Lomerio mula sa Departamento ng Kriminolohiya
- Ikalawang Gantimpala — Marc Jimuel Saniel mula sa Kolehiyo ng Panggurong Edukasyon
- Unang Gantimpala — Anna Leah Botin mula sa Kolehiyo ng Panggurong Edukasyon
Sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika, hinihikayat ang bawat isa na gamitin at pahalagahan ang sariling wika. Ang wikang Filipino ay nagsisilbing tulay ng pagkakaunawaan at pagkakaisa ng buong bansa. Bilang mga Pilipino, tungkulin nating panatilihin at pagyamanin ito. Sa simpleng paggamit nito nang wasto at may pagmamalaki, nakatutulong tayo sa pagpapanatili ng ating pagkakakilanlan.
Gaya nga ng pahayag ni Dr. Jose Rizal:
“Ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit pa sa hayop at malansang isda.”
Ulat ni: Krish Yrish Linga at Jasmin Elardo
📷: Christian Carlos Alfajora, Marc Jimuel Saniel, at Romano Glorioso