12/03/2025
๐ฅ๐๐๐: A recent study by researchers from Ateneo de Manila University (ADMU), based on newly discovered archaeological evidence, reveals that ancient Filipinos had already mastered boatbuilding and other seafaring skills thousands of years before Zhen Heโs maritime expeditions across Asia in the 1300s or 1400s, and Ferdinand Magellanโs arrival in the archipelago in 1521.
Researchers Riczar Fuentes and Alfred Pawlik pointed out that evidence of early human habitation has been found in the Philippines and Island Southeast Asia (ISEA) despite these areas never being physically connected to Mainland Asia, raising the question of how these early inhabitants managed to cross the seas.
According to microscopic analysis of stone tools excavated from archaeological sites in the Philippines, Indonesia, and Timor-Leste, clear traces of plant processing were found, particularly involving fiber extraction often used for boatbuilding and open-sea fishing, the researchers said.
The study is scheduled to be published in the April 2025 edition of the Journal of Archaeological Science: Reports.
Fuentes and Pawlik highlighted that remains of deep-sea fish such as tuna and sharks, as well as fishing tools designed to catch these species, were discovered in excavation sites in Mindoro and Timor-Leste.
The unearthed evidence challenges the prevailing notion that technological advancements during the "Paleolithic Age" emerged solely in Europe and Africa. Instead, these findings suggest that ancient civilizations in Southeast Asia were capable of constructing sophisticated boats and ropes from organic materials for seafaring and open-sea fishing.
If proven true, this discovery could significantly alter the narrative of early human civilization, indicating that prehistoric voyages across ISEA were not merely passive drifts on flimsy bamboo rafts but rather intentional expeditions carried out by skilled navigators equipped with the knowledge and technology to travel vast distances and navigate deep ocean waters.
Through the First Long-Distance Open-Sea Watercrafts (FLOW) Project, launched by the researchers in collaboration with a team of naval architects from the University of Cebu, efforts are underway to recreate scaled-down models of ancient boats using raw materials that may have been utilized in the past.
The Philippines is widely recognized as home to some of the world's finest seafarers. This can be attributed to the countryโs archipelagic nature, composed of 7,641 islands separated by various bodies of water.
Long before Magellan and his expedition arrived in 1521, local communities had already established stable trade and diplomatic relations with other settlements.
----------
๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐
๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐-๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐
๐๐๐ฆ๐๐๐๐ก: Lumabas saisang pinakabagong pag-aaral ng mga mananaliksik mula sa Ateneo de Manila University (ADMU) base sa mga natuklasang mga ebidensiyang arkeolohikal na ang sinaunang mga Filipino ay bihasa na sa paggawa ng bangka at iba pang kasanayan sa paglalayag libu-libong taon bago pa man naglakbay sa karagatan ng Asya si Zhen He noong 1300 o 1400 siglo, at pagdating sa kapuluan ni Ferdinand Magella noong 1521.
Sinabi ng mga mananaliksik na sina Riczar Fuentes at Alfred Pawlik na may ebidensya ng sinaunang paninirahan sa Pilipinas at sa Island Southeast Asia (ISEA) kahit pa hindi ito kailanman naging konektadong bahagi sa Mainland Asia, na nagbigay-daan sa tanong kung paano nakatawid sa karagatan ang mga sinaunang tao rito.
Ayon sa pagsusuring mikroskopiko sa mga kagamitang bato na nahukay sa mga lugar na arkeolohikal sa Pilipinas, Indonesia, at Timor-Leste, may malinaw na bakas ng pagpoproseso ng halaman, partikular sa pagkuha ng hibla na kadalasang ginagamit sa paggawa ng bangka at pangingisda sa bukas na dagat, ayon sa mga mananaliksik.
Ang nasabing pag-aaral ay nakatakdang mailathala sa April 2025 na edisyon ng Journal of Archaeological Science: Reports.
Binigyang punto nina Fuentes at Pawlik na may natagpuang mga labi ng mga isda mula sa malalalim na bahagi ng karagatan tulad ng tuna at pating, gayundin ng mga kagamitang pantukoy sa pangingisda na ginagamit para sa mga ganitong uri ng hayop, sa mga lugar ng paghuhukay sa Mindoro at Timor-Leste.
Hinahamon ng mga ebidensyang nahukay ang pananaw na ang teknolohikal na pag-unlad noong โPanahon ng Paleolitikoโ ay nagmula lamang sa Europa at Africa. Sa halip, ipinapahiwatig ng mga natuklasang ito na kayang gumawa ng mga sopistikadong bangka at lubid mula sa mga organikong materyales ang mga sinaunang sibilisasyon sa Timog-silangang Asya para sa paglalayag at pangingisda sa malalayong bahagi ng karagatan.
Kapag nagkataon, malaki-laki ang mababago sa kasaysayan ng sinaunang sibilisasyon ng sangkatauhan dahil lumalabas na ang mga sinaunang paglalakbay sa ISEA ay hindi basta isinagawa ng mga taong hinayaang magpatangay sa dagat gamit ang mahihinang bangkang kawayan, kundi ng mga dalubhasang mandaragat na may sapat na kaalaman at teknolohiya upang maglakbay sa malalayong lugar at tumawid sa malalalim na bahagi ng karagatan.
Sa pamamagitan ng First Long-Distance Open-Sea Watercrafts (FLOW) Project, na inilunsad ng mga mananaliksik kasama ang isang grupo ng mga naval architects mula sa University of Cebu, ay sinusubukan na muling lumikha ng mga modelo ng sinaunang bangka sa mas maliit na sukat gamit ang mga hilaw na materyales.
Kilala ang Pilipinas bilang isa sa pinakamagaling na mandaragat sa buong mundo. Dulot ito ng pagiging isang arkepelago ng Pilipinas na mayroong 7,641 na mga malalaki at maliliit na isla na pinaghihiwa-hiwalay ng mga anyong tubig.
Bago pa man dumating sina Magellan at kanyang ekspedisyon noong 1521, maayos ang ugnayan ng banwa sa ibang mga banwa.