Quezon Reels

Quezon Reels People's Media in Quezon Province. WWW.QUEZONREELS.WORDPRESS.COM

𝐈𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐌𝐢𝐲𝐞𝐦𝐛𝐫𝐨 𝐧𝐠 𝐌𝐚𝐤𝐚𝐦𝐚𝐬𝐚𝐧𝐠 𝐎𝐫𝐠𝐚𝐧𝐢𝐬𝐚𝐬𝐲𝐨𝐧, 𝐇𝐢𝐧𝐚𝐫𝐚𝐧𝐠 𝐧𝐠 𝐊𝐚𝐩𝐮𝐥𝐢𝐬𝐚𝐧 𝐬𝐚 𝐇𝐚𝐫𝐚𝐩 𝐧𝐠 𝐃𝐒𝐖𝐃Nitong 10:40 ng umaga, hinarang ng kapu...
29/07/2025

𝐈𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐌𝐢𝐲𝐞𝐦𝐛𝐫𝐨 𝐧𝐠 𝐌𝐚𝐤𝐚𝐦𝐚𝐬𝐚𝐧𝐠 𝐎𝐫𝐠𝐚𝐧𝐢𝐬𝐚𝐬𝐲𝐨𝐧, 𝐇𝐢𝐧𝐚𝐫𝐚𝐧𝐠 𝐧𝐠 𝐊𝐚𝐩𝐮𝐥𝐢𝐬𝐚𝐧 𝐬𝐚 𝐇𝐚𝐫𝐚𝐩 𝐧𝐠 𝐃𝐒𝐖𝐃

Nitong 10:40 ng umaga, hinarang ng kapulisan ang ilang miyembro ng mga makamasang organisasyon, kabilang na ang mga kasapi ng Tanggol Quezon, sa harap ng tanggapan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Quezon City, Hulyo 29.

Ang mga grupo ay dumulog sa DSWD upang manawagan ng agarang kompensasyon para sa mga biktima ng sakunang dulot ng matinding hagupit ng nagdaang bagyo. Bitbit nila ang mga panawagan para sa mabilis na pagtugon at tulong sa mga nawalan ng tirahan at kabuhayan.

Mariing kinokondena ng Tanggol Quezon ang ginawa ng kapulisan at patuloy na paglaganap ng pasismo mula sa kanayunan tungo sa komunidad.

20/07/2025

‎Sa kabila ng masaganang yaman ng tubig ng probinsya ng Quezon—mula sa Bundok Banahaw na pinagmumulan ng mga ilog at batis na dumadaloy sa kanyang mga paanan—bakit nananatiling uhaw ang kanyang mamamayan? Bakit walang pumapatak sa mga gripo ng bawat tahanan?

‎Abangan ang mga kwento ng kakulangan sa gitna ng kasaganahan. Subaybayan ang ihinandang dokumentaryo ng Quezon Reels at Southern Tagalog Exposure.

‎Nais mo bang maging bahagi ng pagbabago? Maging volunteer ng aming documentary production at tumulong sa paghahatid ng mga kwento ng masa. Mag-message lamang sa page kung interesado.

‎MGA LARAWAN: Pinangunahan ng Gabriela Women's Party Quezon nitong Hulyo 10, 2025 ang pagpapatampok ng kampanya laban sa...
15/07/2025

‎MGA LARAWAN: Pinangunahan ng Gabriela Women's Party Quezon nitong Hulyo 10, 2025 ang pagpapatampok ng kampanya laban sa pribatisasyon ng serbisyo sa tubig sa probinsya ng Quezon.

‎Kasabay nito ang pagpapa-ikot at pangangalap ng pirma para sa manifesto na naglalahad ng tindig ng mamamayan para sa batayang karapatan sa tubig.

‎Layon ng pangangalap ng pirma para sa manifesto ang ganap na pagpapawalang-bisa sa Joint-Venture-Agreement (JVA) sa pagitan ng Prime Water at QMWD-LUPATA.

‎"Ikinagagalak namin ang hakbang para paunang ipawalang-saysay ang JVA sa PrimeWater—subalit hindi pa tapos ang laban. Hangga’t hindi pa ganap ang pagkansela sa kasunduan sa PrimeWater, patuloy kaming maninindigan at ipaglalaban ang aming karapatan para sa maayos, abot-kaya at malinis na suplay ng tubig" saad sa Manifesto.

‎Ayon muli sa nasabing manifesto, "Mula nang pumasok sa JVA ang PrimeWater at QMWD (LUPATA) noong 2018, mas lumala pa ang irregular na serbisyong natatamasa ng mga residente. Hindi umano umunlad ang serbisyo kabaligtaran sa tinatanaw na layunin ng kasunduan."

‎Malinaw na ang panawagan ng mamamayan ng Quezon na huwag gawing negosyo ang kanilang batayang karapatan para sa maayos, malinis, at aksesibleng tubig.

𝐋𝐎𝐎𝐊 | As of 10:37PM, partial and unofficial results of the national senatorial and Quezon's senatorial race votes was r...
12/05/2025

𝐋𝐎𝐎𝐊 | As of 10:37PM, partial and unofficial results of the national senatorial and Quezon's senatorial race votes was released via COMELEC Media Server, May 12.

With 90.53% of Election Returns processed in Quezon and 74.96% nationwide ERs transmitted.

12/05/2025

3 ACM sa Quezon NHS, nagblackout; pinalitan ng panibagong machine

Kinailangang palitan ang tatlong automated counting machines (ACM) sa Quezon National High School (QNHS) matapos maiulat na nag-blackout ngayong hapon, Mayo 12.

Sa cluster precint no. 124, naitala ang tuluyang pag-blackout ng ACM ika-3:11 ng hapon na nagdulot ng pagkaantala ng pagsusumite ng boto.

Ayon naman sa mga poll watcher at electoral board (EB) staff na nakatalaga sa nasabing presinto, nagkaroon umano ng berbal na kasunduan sa pagitan ng EB at mga botante na iiwan na ng huli ang kanilang mga balota at ipagkakatiwala na sa EB ang pagpapasok nito sa bagong ACM.

Mahigit 30 minuto ang lumipas bago tuluyang napalitan ang ACM sa nasabing presinto.

Bagama't pinalitan ang sirang ACM, pinanatili ang orihinal na flash drive, SIM card, at thermal paper na nakasalang sa naunang na makina, kaya't tuloy-tuloy pa rin ang bilang ng mga balota na nai-record ng machine.

Samantala, nagpasya naman ang mga botante na inabutan ng pagpapalit ng ACM na hintayin na ang panibagong machine upang sila na mismo ang maglagay ng kanilang balota.

𝐓𝐚𝐥𝐚𝐦𝐚𝐤 𝐧𝐚 𝐂𝐚𝐦𝐩𝐚𝐢𝐠𝐧 𝐌𝐚𝐭𝐞𝐫𝐢𝐚𝐥𝐬 𝐒𝐚 𝐊𝐚𝐛𝐢𝐥𝐚 𝐧𝐠 𝐁𝐚𝐧, 𝐍𝐚𝐭𝐚𝐠𝐩𝐮𝐚𝐧 𝐬𝐚 𝐈𝐛𝐚’𝐭 𝐈𝐛𝐚𝐧𝐠 𝐁𝐚𝐲𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐐𝐮𝐞𝐳𝐨𝐧Sa kabila ng malinaw na kautusan...
12/05/2025

𝐓𝐚𝐥𝐚𝐦𝐚𝐤 𝐧𝐚 𝐂𝐚𝐦𝐩𝐚𝐢𝐠𝐧 𝐌𝐚𝐭𝐞𝐫𝐢𝐚𝐥𝐬 𝐒𝐚 𝐊𝐚𝐛𝐢𝐥𝐚 𝐧𝐠 𝐁𝐚𝐧, 𝐍𝐚𝐭𝐚𝐠𝐩𝐮𝐚𝐧 𝐬𝐚 𝐈𝐛𝐚’𝐭 𝐈𝐛𝐚𝐧𝐠 𝐁𝐚𝐲𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐐𝐮𝐞𝐳𝐨𝐧

Sa kabila ng malinaw na kautusan ng Commission on Elections (COMELEC) na mahigpit na ipinagbabawal ang anumang uri ng pangangampanya at pamamahagi ng campaign materials gaya ng flyers sa itinakdang panahon ng election silence, patuloy pa rin ang paglabag sa naturang alituntunin sa iba't ibang bayan ng Quezon.

Natagpuan sa maraming lugar sa lalawigan ang samu’t saring campaign paraphernalia, kabilang ang sample ballots, leaflets, at iba pang promotional materials na naglalaman ng pangalan at mukha ng mga kandidato.

Pangangampanya sa oras ng eleksyon, talamak sa Tayabas, LucenaPatuloy ang pamimigay at pagkalat ng campaign materials at...
12/05/2025

Pangangampanya sa oras ng eleksyon, talamak sa Tayabas, Lucena

Patuloy ang pamimigay at pagkalat ng campaign materials at sample ballots sa labas ng mga presinto ng lungsod Tayabas at Lucena kahit tapos na ang campaign period ngayong , Mayo 12.

Ayon sa Commision on Election (Comelec), bawal na ang pangangampanya mula Mayo 11 at sa mismong araw ng eleksyon sa Mayo 12.

Kasama rin sa porma ng pangangampanya ang public canvassing, pamamahagi ng sample ballots, pamimigay ng campaign materials, pamimigay ng pagkain o transportasyon sa mga botante at taga-suporta.

‎Ilang ulit na aberya sa mga ACM, nagdulot ng pagkaantala sa pagboto‎‎Ilang presinto sa Lucena City ang nakapagtala ng m...
12/05/2025

‎Ilang ulit na aberya sa mga ACM, nagdulot ng pagkaantala sa pagboto

‎Ilang presinto sa Lucena City ang nakapagtala ng mga anomalya sa mga Automated Counting Machine dahilan para bumagal ang daloy ng pagboto.

‎Ayon sa mga ulat, nagkakaroon ng dumi ang mga scanner kaya iniluluwa at hindi nababasa ng makina ang mga balota.

‎Sa Buenavista, hindi naglabas ng resibo ang makina. Nagtupi-tupi lamang ito sa loob dahilan para buksan ang ACM.

‎Inirereklamo rin ng mga residente ang sobrang bagal na pagbasa ng mga makina sa mga balota na lalong nagpapaantala sa pagboto. Kabaligtaran ito sa isinasaad ng COMELEC.


‎QUEZON, KUMUSTA ANG INYONG PAGBOTO? ‎‎Bahagi ng ating pagiging mamamayan ang pagiging handa, mulat, at sama-samang kumi...
12/05/2025

‎QUEZON, KUMUSTA ANG INYONG PAGBOTO?

‎Bahagi ng ating pagiging mamamayan ang pagiging handa, mulat, at sama-samang kumikilos para sa isang malinis na halalan. Hatid ng Quezon Reels ang ispesyal na electoral coverage para sa mga mamamayan ng ating lalawigan.

‎Nakakita ng kahina-hinalang aktibidad? Agad itong i-ulat gamit ang form na ito: https://bit.ly/QuezonElectoralWatch o mag-message o comment lamang sa aming page.

‎Ano ang mga maaaring, i-ulat?
‎- Ilegal na Pangangampanya
‎- ACM Errors
‎- Pamimili ng Boto
‎- Pag-red tag
‎- Black Propaganda
‎- Disenfranchisement / Nawalan ng pagkakataon bumoto
‎- BEI/EB Non-compliance sa mga election procedure at proseso
‎- Harassment ng mga botante, poll watcher, EB
‎- Election Violence / Karahasan sa Eleksyon
‎- Pinakialaman na balota
‎- Iba pang insidente/pangyayari

‎Sama-sama nating siguruhin ang isang malinis, mapayapa, at makatarungang halalan sa Quezon!

‎Ilang oras matapos magbukas ang botohan, mahaba at magulong pila iniinda na sa mga voting center sa Lucena City. ‎‎Sa E...
12/05/2025

‎Ilang oras matapos magbukas ang botohan, mahaba at magulong pila iniinda na sa mga voting center sa Lucena City.

‎Sa ELvira Razon Arabilla Elementary School, Barangay Ibabang Dupay, nag-aaway na ang mga botante dahil may ilang sumisingit sa pila.

Sa kabila ng mga atake ng mga anti-demokratikong pwersa upang isabotahe ang eleksyon, nagpapatuloy ang sambayanang Pilip...
11/05/2025

Sa kabila ng mga atake ng mga anti-demokratikong pwersa upang isabotahe ang eleksyon, nagpapatuloy ang sambayanang Pilipino sa isang mahalagang pagsubok — ang pagpili ng mga lingkod-bayan na magsisilbi sa interes ng nakararami.

Subaybayan ang mga kaganapan sa sa live coverage ng Quezon Reels sa darating na Mayo 12, ang araw ng halalan.

Manatiling nakatutok sa aming page para sa mga pinakahuling balita mula sa iba't ibang bahagi ng Quezon at buong rehiyon ng Timog Katagalugan, pati na rin ang mga pambansang isyu na may kinalaman sa halalan. Abangan din ang aming special live coverage at talakayan tungkol sa mga balita sa eleksyon sa Quezon Reels sa Halalan 2025.

Makilahok at maging bahagi ng laban para sa tapat at makatarungang halalan.



‎On the occasion of former President Rodrigo Duterte's 80th birthday, Tanggol Quezon and other progressive groups gather...
29/03/2025

‎On the occasion of former President Rodrigo Duterte's 80th birthday, Tanggol Quezon and other progressive groups gathered in a protest rally in Lucena City yesteeday, demanding justice for the victims of his controversial war on drugs and political killings.

‎The group called for Duterte's conviction, highlighting the human rights abuses that occurred during his administration.

‎ “He is lucky because he is able to celebrate; but what about the 30,000 victims of extra-judicial killings that he deprived of their lives?” said Paul Tagle, spokesperson of Tanggol Quezon.

‎Tanggol Quezon also emphasized the Marcos administration's role in perpetuating Duterte's reign of terror and the ongoing economic crisis.

Photos from Tanggol Quezon

Address

Lucena

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Quezon Reels posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Quezon Reels:

Share