
24/08/2025
𝐁𝐮𝐰𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐖𝐢𝐤𝐚𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐦𝐛𝐚𝐧𝐬𝐚🇵🇭
"𝑨𝒏𝒈 𝒉𝒊𝒏𝒅𝒊 𝒎𝒂𝒓𝒖𝒏𝒐𝒏𝒈 𝒎𝒂𝒈𝒎𝒂𝒉𝒂𝒍 𝒔𝒂 𝒔𝒂𝒓𝒊𝒍𝒊𝒏𝒈 𝒘𝒊𝒌𝒂 𝒂𝒚 𝒉𝒊𝒈𝒊𝒕 𝒑𝒂 𝒂𝒏𝒈 𝒂𝒎𝒐𝒚 𝒔𝒂 𝒎𝒂𝒍𝒂𝒏𝒔𝒂𝒏𝒈 𝒊𝒔𝒅𝒂"
-𝑫𝒓. 𝑱𝒐𝒔𝒆 𝑹𝒊𝒛𝒂𝒍
Ang wika ay mapagpalaya. Ito ay makapangyarihang kasangkapan sa pagbubuklod ng bawat mamamayan, daan sa kapayapaan at pagkakaisa ng bawat Pilipino. Ang wikang Filipino ay sumasalamin sa ating pagkakakilanlan bilang mga mamamayan ng ating bansa.
Ipinagdiriwang ang Buwan ng Wikang Pambansa tuwing Agosto batay sa Proklamasyon Blg. 1041 s 1997. Layunin nito na higit pang paigtingin at pagtibayin ang paggamit at pagmamahal ng mga mamayang Pilipino sa sariling wika.
Kaya naman, halina't samahan niyo kaming ipagdiwang ang Buwan ng Wika sa taong ito na may temang “𝑷𝒂𝒈𝒍𝒊𝒏𝒂𝒏𝒈 𝒔𝒂 𝑭𝒊𝒍𝒊𝒑𝒊𝒏𝒐 𝒂𝒕 𝑲𝒂𝒕𝒖𝒕𝒖𝒃𝒐𝒏𝒈 𝑾𝒊𝒌𝒂: 𝑴𝒂𝒌𝒂𝒔𝒂𝒚𝒔𝒂𝒚𝒂𝒏 𝒔𝒂 𝑷𝒂𝒈𝒌𝒂𝒌𝒂𝒊𝒔𝒂 𝒏𝒈 𝑩𝒂𝒏𝒔𝒂.” Ipakita natin ang ating pagmamahal sa ating pambansang wika sa pamamagitan ng ating higit pang paglinang at palagiang paggamit ng Wikang Filipino.
Sama-sama nating ipagmalaki at sabihin:
"𝙏𝙖𝙖𝙨 𝙣𝙤𝙤, 𝙠𝙖𝙝𝙞𝙩 𝙠𝙖𝙣𝙞𝙣𝙤, 𝙖𝙠𝙤 𝙖𝙮 𝙋𝙞𝙡𝙞𝙥𝙞𝙣𝙤!"